Chap1 - Kilalanin mo ako

43 0 0
                                    

Ako si Catherine Martinez isang simpleng babae na mahal na mahal ang kanyang ina laki ako sa hirap pero hindi ko kina kahiya iyon. Lumaki akong walang tatay sabi ni nanay na bata palang ako iniwan na n'ya kami pero hindi ko nalaman ang tunay na rason kung bakit. May sakit ang nanay ko ngunit wala kaming perang panggagamot subalit hindi ako sumuko at naghanap ng sulosyon,lahat na ginawa ko mag waiter, janitor,kahit na nga ilegal na gawain tulad ng pagsasayaw sa stripping club.

Alam kong mali pero wala na akong alam na iba pang sulosyon.

Basta gumaling lang ang nanay gagawin ko ang lahat,ganoon ko s'ya kamahal.

'Hindi ko s'ya kayang mawala s'ya na nga lang ang nagmahal sa akin eh.. hindi ko hahayaang mawala s'ya wala na nga akong tatay eh.' - mga katagang pumapasok sa aking isipan na ayaw na ayaw kong mangyari pagnawala pa siya tulad ni tatay hindi ko na alam ang gagawin ko, baka "patayin ko na lang ang aking sarili."

*Nakaraan*
Magsimula tayo sa una kung saan bata palang ako. Isang inosenteng bata na hindi alam kung anong gagawin n'ya sa mundong ito, pero nagpapasalamat sa Panginoon na binigyan s'ya ng maalagaing ina.

Palagi akong nagtataka kung asan ang tatay pero sabi ni nanay na nagtatrabaho s'ya sa malayong lugar. Araw-araw kong iniisip kung kailan uuwi ang tatay galing trabaho pero hindi s'ya kailan man umuwi at hindi ko minsan mang nahagilap ang kanyang tingin o ngiti.

Dumating ang araw na sinabi ni Inay na hindi talaga nagtratrabaho sa ibang bansa ang tatay at sinabi ang totoo na kamiy iniwan n'ya.

"Wala akong tatay,nanay lang ngunit akoy masaya kasi kahit papaano may taong nagmamahal sa akin at pinalaki akong may takot sa Diyos" - mga salitang lumabas sa aking mga labi na nagukit ng ngiti sa aking nanay na nagpagaan sa aking dadamin, masaya ako na kahit simpleng salita ay napapangiti ko ang Inay gustong gusto kong nakikita s'yang ngungimiti kahit na ang hirap ng buhay.



Chap2-Buhay hirap

Daughters Sacrifice (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon