Diana's POV
1 year has passed...
May kumatok sa pinto ng office ko kaya pinapasok ko ito. Lumapit sa akin ang bago kong secretary. Nag-resigned kasi ang dati kong secretary kaya iba na ngayon. At saka 'di ako komportable sa secretary ko dahil napaka-weird niya. Maayos naman siya magtrabaho pero iba kumilos. Basta.
Napabuntong-hininga na lang ako nang makita na may hawak na naman itong regalo. Lagi kasi may nagbibigay sa akin non at 'di ko malaman kung sino. Sa tuwing natatanggap ko yung mga regalo niya ay nakakapagparamdam ito sa akin ng kilabot at takot dahil iba siya magpresenta.
“Ma'am Diana, may nagbigay na naman po sa inyo ng regalo.” nilapag niya ito sa table ko.
Ano na naman kaya ang pasabog ng regalong 'to? Dahan dahan ko itong binuksan at napangiwi ako sa nakita ko kasabay non ang pagtayo ng mga balahibo ko. Sino kaya ang hinayupak na nagbibigay sa akin ng mga 'to?
Napakasama mong tao. Mamamatay tao ka. Iyon ang nakasulat. 'Di sa sulat ako natakot kung 'di dahil dugo ang ginamit na pangsulat nito. Sino ba naman kaya ang 'di kakabahan? Nagkasala kaya ako sa taong nagbibigay ng mga frightening letter na ito?
Ginusot ko ang papel. May kutob ako na si Krystal ang nagbibigay ng mga sulat na aking natatanggap. Ano ba ang problema niya? Matagal na kami hindi nagkikita, halos isang taon na. Kung si Krystal talaga ang mga nagbibigay nito, bakit niya 'to ginagawa? At ano ang ibig niyang sabihin sa sulat niya na 'Napakasama mong tao. Mamamatay tao ka.' Nang dahil ba pinatay ko si Drake? Dapat na talaga mangyari iyon sa kanya. Wala siyang pinagkaiba sa isang halimaw.
At saka about sa tatlong ugok? Ayon nga sa kanila kaya nila ako patayin. Syempre hindi naman ako tanga para 'di lumaban. Hindi ko na sana sila babarilin pero kailangan eh. Kailangan kong gawin dahil na sa sitwasyon kami non na nasa away na tila nasa punto na na magbarilan. At saka I don't shoot to kill, I shoot to stay alive.
Hindi ako masamang tao at lalo na't 'di ako mamamatay tao.
Ano ba ang gustong iparating ni Krystal? Na ako ang may kasalanan ng lahat? Ako ang masama, ako ang nagsimula ng gulo at dapat kong sisihin ang sarili ko dahil sa mga nagawa ko?
Masama ba ang ginawa ko o dapat ko lang talaga 'yon ginawa? Dapat ba ako ma-guilty? Ako ba ang masama? Masyado ba ako nagpadala sa galit ko?
Sumandal ako sa sandalan ng swivel chair ko at huminga nang malalim. Napansin ko na nakatingin sa ibang dereksyon ang secretary ko at mapapansin kong nakangisi ito. Para siyang baliw na ewan. Weird.
• • •
Gabi na at napagpasyahan kong umuwi na. Pumunta ako sa parking area kung saan naka-park ang kotse ko. Nang malapit na ako ay pinindot ko ang remote control ng kotse ko at tumunog naman ito na nagbibigay sagot na ito'y na-unlocked.
Papasok na sana ako ngunit natigilan ako nang may mapansin sa left corner ng paradahan na ito na may dalawang babae. Namukhaan ko agad yung isa, it's my secretary. Anong ginagawa niya sa sulok na 'yon. Nakatalikod ang kasama niya kaya 'di ko makita ang mukha niya. Tinitigan ko nang maayos ang babaeng nakatalikod dahil familiar siya. Maya maya ay naaninagan ko na ang babae. Bakit kasama ni Krystal ang secretary ko.
Magkakilala kaya sila? Magkasabwat?
Si Krystal nga talaga ang nagbibigay ng mga sulat na iyon. Siguro pinapadala niya sa secretary ko para ibigay sa akin. Nagde-deny pa siya na 'di niya alam o kilala yung nagbibigay ng sulat. Tss.
Bakit ang daming fake?
Bakit ang daming sinungaling?
Manloloko?
⊱⋅ ──────────── ⋅⊰
Dalawang kabanata na lamang ang natitira bago ito matapos. :)
Ang boring ba ng story? Haha! 😁
Salamat sa mga nagbabasa! 😘💞
BINABASA MO ANG
Behind Of Diana
Short Story"Babe, this is what we called Sweet Revenge. I love you, but I hate you. Fuck you." - Diana Lind Written by: OhBeauteous Book Cover by : OhBeauteous [COMPLETED] 🎶💙