PROLOGUE
"DONG WOOK! I'm so glad pinagbigyan mo kami. Magtatampo na sana kami ng ninang mo."
Mahigpit na pinisil ng Ninong Eusebio ni Dong Wook ang kanyang kamay. Ang Ninang Ofelia naman niya ay hinalikan niya sa pisngi. Nagse-celebrate nang gabing iyon ng wedding anniversary ang mga ito sa Seoulmate Hotel. Kababalik lang niya galing ng South Korea para sa isang business trip at sa hotel agad siya dumeretso. Gusto siyang makita ng mag-asawa kaya ang balak niya ay sumaglit lang sa selebrasyon. Sa totoo lang ay wala pa siyang pahinga. Ayaw lang niyang magtampo ang dalawang malalapit na kaibigan ng mga magulang nila ng kapatid na si Joon Gi.
"Congratulations on your anniversary. Humihingi ako ng pang-unawa kung hindi man kayo masamahan nang matagal. Hindi pa tapos ang mga naiwan kong trabaho."
"Hay, kaya hindi ka nagkaka-girlfriend, eh!" pakli ni Ninang Ofelia. "You are so devoted with your business. Aanhin mo ang maraming pera kung wala namang magmamana ng mga pinaghirapan mo? Why don't you pause for a while and think about starting your own family? You are a very handsome young man and a very eligible one."
Ngumiti si Dong Wook at yumukod.
"That's too much for a compliment, Ninang, but thank you very much. Hindi naman po ako nagmamadali. Pero tatandaan ko po ang payo ninyo."
"Gusto mo bang ipakilala kita sa mga pamangkin ko? They're just around."
"Fely, hayaan mo na munang magpahinga si Dong Wook. Pagod na pagod pa 'yon galing sa business trip niya. Hindi rin siya makaka-entertain ng mga babae ngayong gabi. May ibang pagkakataon pa naman," awat ni Ninong Eusebio.
Dong Wook thought his godfather is his saviour.
"Gusto ko sanang magtagal pero marami pa akong kailangang gawin. I hope you have a good night. Congratulations po uli sa inyo, Ninong, Ninang."
Kahit tapos nang magpaalam sa mag-asawa si Dong Wook ay hindi agad siya nakaalis matapos siyang batiin ng ibang negosyante na kaibigan ng pamilya nila.
"CEO Lee," si Mr. Cruz at hawak ang kanyang cellphone. "Meron kayong tawag mula sa lola ninyo."
Nagpaalam naman si Dong Wook sa mga kausap. Mabuti na lang at tumawag ang Lola Eleonor niya. Mayroon na rin siyang excuse para makawala sa mga ito. Umalis siya ng bansa para sa negosyo. Hindi siya umuwi para pag-usapan na naman ang tungkol doon. Give him a break.
"Lola," nakangiting bungad niya.
"Nasa hotel ka na ba? How's the situation there?"
"Good. I'm just not in the mood to join the fun. I'm so tired."
I don't need to own a fancy car
To drive with you around the city...
Biglang napahinto si Dong Wook at agad na napabaling sa direksiyon ng pinanggagalingan ng kumakanta.
I don't need to live in a palace-like house
A simple home is enough for me...
Tumiyad siya para makita nang maayos ang mukha ng singer. Paalis na dapat siya pero hayun at natagpuan niya ang sariling naglalakad pabalik sa pinanggalingan. Dumaan lang siya sa gilid para walang makapansin sa kanya.
I don't need much, only your attention
A hand to hold to make me feel that I am not alone...
Ang babaeng nakita niya sa stage ay napakasimple, katamtaman lang ang tangkad at bukod sa malambing nitong boses, kapansin-pansin din ang ngiti sa mga mata nito habang kumakanta.
BINABASA MO ANG
Love Quest Series 2: Treat You Better
RomanceLove Quest #2: Treat You Better Sharmaine Light All Rights Reserved 2017 Teaser: Binale-wala ni Shaya ang secret admirer niyang si LDW dahil nagpauto siya sa isang kagaya ni Lucky Lee na Lucas Roa pala sa totoong buhay. Matapos nitong maglahong para...