Luha (OneShot)

415 13 9
                                    

Luha

By: strwbrryjem

Luha (n) tubig na lumalabas sa mata tuwing nakakaramdam ng matinding emosyon (Masaya o malungkot)

Sa estado ko ngayon, lumuluha ako dahil sa ….

Kalungkutan.

--

Umuulan noon, natatandaan mo ba? Eto yung paborito mong panahon, sabi mo panga sakin, kaya eto ang paborito mo ay dahil tuwing umuulan tumatagal ang oras na nakakasama mo ko.

Tinawagan mo ako ng mga bandang alas-4 ng hapon, ang paborito mong oras, sabi mo nga sakin, paborito mo ang oras na ito dahil ganitong oras kita sinagot. Naalala mo ba? Naiyak pa ako nung sinabi mo sakin yan, tinanong mo panga kung may nasabi ka bang mali, umiling lang ako bilang sagot sabay sabi ng ang swerte ko, nakakilala ako ng taong tulad mo” diba nung mga panahon na iyon, hinalikan mo pa ako, yun ang unang halik ko.

 

Pinapunta mo ako sa likod ng eskwelahan, sa may tree house, ang paborito mong lugar, sabi mo nga sakin, paborito mo iyon dahil duon kita sinagot, tinawanan panga kita eh at tinukso, diba sinabi ko sayo noon na “sobra mo naman akong mahal, baka maumay ka sige!” biro ko, tinawanan mo lang ako. Sabay sabi ng oo sobra, wag kang magalala, hindi ako mauumay at magsasawa sayo” alam mo bang nirecord ko yang sinabi mo nayan? Gabi gabi ko nga iyang pinapakinggan bago matulog eh.

Nagmadali akong pumunta doon, halos madapa dapa nanga ako kaka-madali eh, excited na kasi akong Makita at mayakap ka, ilang araw din tayong hindi nagkita noon, busy ka kasi sa paggawa ng thesis, pero ayos lang sabi mo nga “para sa kinabukasan natin to” alam mo ba kung gaano ako kinilig noong sinabi mo yan, ilang beses ba kitang nahampas niyan sa sobrang kilig ko?, halos mapunit nanga ang bibig ko kakangiti noon eh, niyakap mo pa ako, wala na, para na akong sasabog sa sobrang kakiligan.

Naabutan kitang nakatayo, nakatalikod sa direksyon ko, dahan dahan akong naglakad papunta sa direksyon mo at niyakap ka mula sa likod, naramdaman ko ngang nagulat ka eh, pero hindi ka gumalaw, naisip ko nalang, nabigla ka lang siguro, bumitaw na ako sa pag kakayakap , humarap ka nadin saakin, sabi ko panga “na miss kita,sobra” nginitian kita, pero hindi ka sumagot, ganoon parin ang mukha mo, seryoso, pinagmasdan kitang mabuti, nangayayat ka, nakita kong nagkaroon ka nadin ng eyebags, siguro kaka-puyat mo, tumitig ka ng diretso sa akin sabay buntong hininga, kinabahan ako bigla, para bang…

Hindi, mali siguro ang iniisip ko, bumuntong hininga ka ulit, sabay pikit ng mariin, kinabahan ako lalo, kaya hindi ko na naiwasang magtanong, may problema ba?” tanong ko sa iyo, tinitigan mo uli ako, at sa pangatlong pagkakataon bumuntong hiniga ka ulit sabay hingang malalim,

“maghiwalay na tayo”mariin mong sabi ng hindi ka makatingin ng diretso saakin, napaluha agad ako, sabay tawa ng peke hahaha! Nagjo-joke ka nanaman!, hindi nakakatawa ah! tigil mo nayan” sabi ko sabay hampas sa braso niya, hindi biro lang ito diba? Pero hindi ka na sumagot, napaluha nalang ulit ako ng tahimik sa harap mo, may sinasabi ka panga eh, sorry ata yun, pero hindi ko na naintindihan masyado, masyado kasi akong nabigla sa pangyayari,

Luha (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon