SPECIAL#1

665 36 5
                                    




Tinungga ko ang bote ng beer na iniinom ko. Sa tuwing pumipikit ako si Sowon parin ang nakikita ko. Bakit kasi kailangan kay Jin pa niya maramdaman yun?

Pwede namang saakin nalang eh. Andito ako ngayon sa isang bar, hindi ako sumama sa reception ng kasal nila Jin at Sowon instead andito ako ngayon sa bar at napapakalunod sa alak.

Mahal ko si Sowon pero mas mahal siya ni Jin at si Jin ang mahal ni Sowon.

Lahat ng mga kaibigan ko natagpuan n aang babaeng mahal nila ako, tinungga kong muli ang bote ng beer.

"Ow looks who's here?"

Napalingon ako sa babaeng nagsalita. Apat sila medyo nahihilo na ako kaya nahirapan akong kilalanin sila. Kumurap ako ng ilang beses bago ko sila makilala.

"Hey!"

Pagbati ko at itinaas pa ang kanan kong kamay.

"So bakit magisa ka lang?"

Tanong ni Jennie at naupo sa tabi ko sa couch na kinauupuan ko, ganun din ang ginawa ng tatlo niyang kasama na sila Lisa, Rose at Jisoo.

"Wala kana dun!"

"How's Jimin By the way?"

Tanong niya.

"Ewan ko!"

"Ugh! You know what nakkaainis ka kausap! Dyan kana nga! Tara girls!"

Aya ni Jennie at tumayo.

"Ah Jennie susunod nalang ako ha! May sasagutin lang akong tawag."

Ani ni Jisoo at nanatiling nakaupo sa couch habang ang tatlo ay umalis na .
Napatingin ako sa kanya. Maganda siya at slim ang pangangatawan. Ibinaba na niya ang celphone mula sa kanyang tenga. Napansin niyang nakatitig ako sa kanya, ngumiti siya ng tipid bago tumayo. Akmang lalagpasan na niya ako ng tuluyan nang hawakan ko ang braso niya.

"I need someone to talk to!"

Halos pabulong ko nang sabi, ni hindi ko nga alam kung narinig niya. Kumurap siya ng dalawang beses bago tumango. Naupo siya sa tabi ko.

HOUSEMATES ( Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon