Chapter 5

31 6 5
                                    

Sweet's Pov

April 1

Ang araw kung saan lumalabas ang mga manloloko para makahanap ng bibiktimahin nila sa araw na iyon.

Ang araw kung saan ibinubunyag ng mga nbsb na 'in a relationship' status na sila.

Ang araw kung saan umaamin ang mga taong inlababo sa mga crush nila, at pag nireject sila, sasabihin nilang 'Happy April Fools' ang masakit nga lang dito ay, kapag sinabi rin nilang gusto ka niya.. pero prank lang din naman.

At ang araw na ayaw ko.

Ano bang gusto nila roon eh puro panloloko at pagpraprank lang naman? Kung sabagay, marami na kasing manloloko ngayon. Ano pa bang aasahan ko?

Ilang araw na rin ang lumipas simula nung picnic scene. Hanggang ngayon ay hindi ko pa nakakausap si Allisha na iniwan ko roon kasama ang bruhilda at speaking of Audrey, mayroon nanaman siyang kalandian at may pag post pa sa social media kahapon. Higad talaga.

Im not a stalker okay? Friend ko siya sa fb. Yun yon.

At si Saxton na matapos kong halikan ay nanaig pa rin ang takot sa kuya ko.

Nainis ako sa kanya at sa inis ko, sinampal ko siya sabay alis sa treehouse. Never na rin kaming nagkausap after niyon.

Madalas ang pagdalaw niya sa bahay pero hindi ko siya hinaharap. Nagtatago ako sa kwarto ko dahil ayokong siyang kausapin.

May time rin na kumatok na siya sa kwarto ko at hiningi ang duplicate key kay Mama para mabuksan ang kwarto ko. Pero sabi ko, mas lalong hindi ko siya kakausapin pag binuksan niya ang pinto.

Walang nakakaalam ng pag aaway namin, kahit si Mama. Kaya panay ang tanong sa akin na panay naman ang pag iling ko.

At ngayon ay himala dahil walang nangugulo sa aking Saxton. Well, okay na yun. Kung ayaw niyang ipaglaban ako. Puwes, bahala siya sa buhay niya.

I wouldn't take the risk if he isn't beside me. Mahirap lumaban ng mag isa noh!

As I was busy sketching random stuffs on my pad, I heard a sound from my phone. Indicating that someone has message me.

Kinuha ko ito at tinitigan ang dalawang message. Ang isa ay galing kay Jonas, ang isa sa mga makukulit kong manliligaw. And yes, marami akong suitors. Anong tingin niyo sa akin? Hindi maganda?

And the other one is from the unknown number. Baka scam nanaman ito.

At dahil curious ako sa message ni unknown number ay ito ang una kong binasa. At tumigil ang mundo ko nang malaman kung sino ito.

Fr: 09*********

》Hey, it's me Saxton. I just wanna ask if you're fine?

How did he get.. my number??

Oh. Crap.

Baka nakuha niya kay Allisha.

At tinanong niya pa talaga kung maayos ako? After what happened, sa tingin niya maayos ako!? Stupid.

I immediately typed the words I want to say and when im going to hit the send button.. I stopped.

Binasa ko ang tinype ko at halos magulantang ako.

To:09*********

》ASSHOLE!! DO YOU THINK IM FINE!? AFTER WHAT YOU DID, DO YOU THINK IM FINE!? ASSHOLE! STUPID! COWARD!

Agad kong binura ang tinype ko. Oh, god. Ganito na ba talaga ako kagigil? At CAPSLOCK pa talaga ah? G na G naman ako.

Napagdesisyunan ko na lang na hindi siya replyan. Para saan pa? Im not ready to face him yet.

The Bitter SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon