"What the hell do you mean I have to ride with her?" Nakapamewang si Chuck habang naktatayo at ako naman nakaupo sa sofa naming sa bahay.
Nilagay ko ang daliri ko sa bibig ko, "Shh. Wag kang maingay baka marinig ka ni chang."
Umiling lang si Chuck at umupo sa tabi ko, "Explain to me one more time how this happened."
Ang mga siko ko nakapatong sa tuhod ko at nilagay ko ang mukha ko sa mga palad ko, "Pang ilang ulit ko nang explain e."
Nagbuntong hininga sya, "I just don't get it. Humor me. Explain it one more time."
Sumandal ako sa sofa at humarap sa kanya, seryoso syang nakatingin sa akin.
Huminga ako ng malalim at nilinaw ko ang pagsasalita ko nang may diin ang kada salita, "Kasi nga napaisip sya kung bakit raw gusto mong mag-join sa committee kasi ang alam nya daw ayaw mo ng mga ganun nung kayo pa, tapos nalaman nyang active kang gustong magparticipate so parang ang inisip nya gusto mo pa rin syang tulungan kaya para malaman nya kung tama ba ang hinala nya gusto nya magkasama kayo sa sasakyan papunta dun sa venue para makapag-usap daw kayo."
Ginaya nya yung pwesto ko at nakaharap sa akin, "Why the hell would she think that? I've never given her any indication na I want to get back together."
Hinaplos ko yung pisngi nya at mejo rough na yung baba nya pero nakakakiliti sa palad ko, "Kailangan mo nang mag-shave."
He stops my hand from touching his face, "Stop distracting me."
Napangiti lang ako.
He sighs before saying, "Just tell her I'm not part of the advance party."
I roll my eyes, "Nakita nya nga yung plan e, so nakita nyang kasama ka."
Sa totoo lang hindi naman sya kailangan pumunta dun ahead of the participants pero gusto sana namin makatakas ng saglit ng walang mga matang nanonood. Mga lima lang kami sana na pupunta dun the day before the event at nagawan namin ng paraan na hindi kasama si May, pero ang saklap ng pagkakataon dahil masisira yata ang mga plano namin.
He snaps his fingers, "Or just tell her that the resort is fully booked."
Naisip ko na rin yun so, "She's not maarte enough na gusto nya ng sariling room so malamang sabihin nya lang na she doesn't mind sharing a room with me." At nag-eyeroll pa ako, "Or with you."
He gives me a look that says 'are you trying to be funny?'
Huminga ako ng malalim, "I don't think we have a choice so you should just get it over with. Car ride lang naman e."
I look at him, "It's a good thing rin siguro so you can make things clear for her, she's a good person and she's confused right now. Siguro dahil she's not over you."
He looks at me seriously, "So you're okay with this? You're okay if I spend two to three hours alone with her?"
Napapikit ako at napangiwi, "Sana hindi traffic."
He gives a soft laugh, "You trust me."
Hindi sya question so ngumiti lang ako sa kanya, "Alam kong malakas ang tama mo sa akin."
He laughs and puts his arm around me, "I don't like it, Andi."
Sumiksik ako sa kilikili nya, "I know."
"I'd rather have a roadtrip with you." He says.
I nod, "Sayang no? Kainis naman."
I'm in a very weird situation kasi kahit na naiinis ako dahil nasira ang quality time sana namin ni Chuck na magkasama at the same time I feel bad for Ms. Claire, because she's going to get her heart broken again by the same man – I can't imagine how she'll feel when they talk.

BINABASA MO ANG
She's So Extra (Kiligserye Book1) | ✅
Romance"Pagdating sa pag-ibig ayaw ko ng sakto lang, ang gusto ko yung pag-ibig na nakakawasak ng pagkatao. Mas gugustuhin ko nang magmahal ng tunay, magmahal ng EXTRA kaysa sa nagmahal ka nga hindi mo naman tinodo 'di ba? Para saan pa?" - Olga Andrea Mart...