Alamat ni Rina Maldita

149 2 0
                                    

Sa isang malayong baryo naninirahan ang pamilya ni aling betly at Mang Kanor. Sila ay may limang anak, dalawang lalaki at tatlong babae. Ang panganay ay si Gabo na sinundan ni Pia, ang pangalwang naman ay si Ina, sumunod naman si Utoy na na 8 taong gulang at si rina ang kanilang bunso, anim na taong. Si Rina ang pinaka naiiba dahil sa ugali nitong maldita.

Sa bawat araw ay walang ginawa si rina kundi ang manukso ng kanyang kapwa bata. Sa twing siya ay naglalaro hindi maaaring wala siyang makaka-away sa kanyang mga kalaro sapagkat siya ay isang batang maldita at mahilig manukso. Lahat ng bagay ay kanyang napapansin kahit na ito'y di mahalagang bagay.Isang araw habang si Rina ay naka upo sa kanilang labas ng bahay, nakita nya ang mga batang masayang naglalaro. Lumapit si Rina sa kanila at sinabing

"Hoy! mga batang pangit! di kayo pwedeng mag laro dito sa tapat ng bahay namin!"

sumagot naman ang isang bata

"Bakit naman Rina? Di naman kami nag iingay."

"Oo nga Rina. At styaka bakit mo kami sinasabihan ng ganong salita? hindi mo ba alam na masama yon? hindi ba yon tinuro ng magulang mo sayo?"

 sagot naman ng isa pang bata.

"Gusto ko eh. wala kayong pakielam! lumayas na nga kayo!"

wika ni Rina

Samantala may isang matandang babae na nakikinig at pinapanuod ang ginagawa ni Rina. Siya si Inang Rosie. Lumapit siya sa mga bata at pati narin kay Rina.

"Mga bata may roon bang problema?"

tanong nito.

"Inang si Rina po ang naguna. wala ho kaming ginagawa sa kaniya."

sabi ng isang bata

"Hoy! bakit mo ako sinusumbong ha?hindi ako ang nanguna, kayo ang nanguna!"

pag tatangol ni Rina sa sarili

"Anak,hindi mo kailangan sumigaw.Sige na mga bata ipag patuloy nyo ang pag lalaro nyo at kakausapin ko nalang itong si Rina "

sabi ng matanda sa mga bata pati narin kay Rina. pagkatapos noon ay bumalik na sa pag lalaro ang mga bata.

"Rina anak, bakit ganoon nalamang ang turing mo sa kanila? iba ba sila sa iyo?" tanong nang matanda kay Rina

"Hindi ho sila iba Inang"

sagot nito.

"ngunit bakit ganon?"

"ako po ay naiingit lamang sapagkat sila ay masayang nakakapag laro ng hindi nag aaway"

"Maaari ka din naman makapaglaro ng tulad sa kanila diba?" sabi ng matanda.

"Ngunit inang ayaw na nila akong kalaro dahil sa pag uugali ko. sa nakasanayan ko pong pag uugali" sabi naman ni Rina

"Anak isa lang ang solusyon sa bagay na iyan"

"Ano po iyon inang?"

"Humingi ka ng tawad sa kanila at mangako ka na hindi mo na sila ulit aawayin." sabi ng matanda.

"Inang ano po bang pag uugali na mayroon ako na ayaw nila?" tanong ni Rina.

"Ang pagiging maldita mo. Anak hindi iyon ang dapat na ugali mayroon ka. ang dapat sa iyo ay mabait, mapag patawad at pagmahal sa kanyang kapwa, hindi iyong lagi mo silang aawayin at tutuksuhin Rina" paliwanag ng matanda

"Dapat ko na ho sigurong baguhin ang pag uugali ko inang"

"Tama ka dyan anak, gawin mo ang lahat para maging isa kang mabuting bata tulad nila"

sabi ulit ng manda.

" Opo. Inang marami pong salamat at tinulungan nyo ko . Hihingi na po ako ng tawad sa kanila para ako'y makasali at maging kaibigan narin nila"

Matapos nyang magpasalamat sa matanda ay pumunta sya sa mga bata na kanina'y inaaway nya at siya'y humingi ng tawad dahil sa sinabi  sa kanya ng matandang babae. Mag mula noon si Rina ay natutong makisalamuha at makitungo ng maayos sa kanyang kapwa bata dahil sa mga payong binigay sa kanya ng matandang babae na si Inang Rosie.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Alamat ni Rina MalditaWhere stories live. Discover now