Aez
.
Sumilip ako sa bintana. Sobrang lakas ng ulan. Ito na ata yung binabalita na bagyo kagabi.Buti nalang talaga suspended yung klase ng Standfield University.
Nag beep yung phone kaya agad kong ni-check kung sino ang nag text.
Sa tingin ko ma f-fall na ako dito kay NDRRMC kasi text siya ng text sa akin na mag-iingat daw ako. Pero baka mamaya paasa lang to tapos pinapakilig lang pala ako. Kaya stop na Aez. Wag kang magkakagusto kay NDRRMC. charot.
Bumaba ako para makakain na kami ng breakfast ni Coconut.
Pagbaba ko nadatnan ko si Coconut na nanonood ng tv sa sala.
Naghanda ako ng noodles para sa breakfast namin.
Dora: Com'n bamonos everybody Let's go! Where are we going?
Boots: In treasure Island!
Dora: Where are we going?
Boots: In treasure Island!
Dora:Where are we going?"Tangna Dora! Paulit-ulit? Idiot Dora, Idiot! Tss."
Nagulat ako sa sigaw ni Coco. Lagot ka talaga sa akin bata ka
"Coconut bakit ka nagmumura?"
"Why ate? Pwede ko ba siyang mahalin? "
Aba! Aba. Parang alam ko na ata kung saan niya naririnig tong mga to . Ang korni korni pa naman ng mga punchlines
"Wag ka na ngang lalapit kay Kael. Toxic iyon. Nilalason na utak mo."
"But ate, "
"Wala kang allowance ng dalawang araw!"
"What?!"
"Kasi nagmumura ka! Kailangan ng punishment para magtino."
Nagmamaktol pa siya pero wala na siyang nagawa pa. Lagot talaga sa akin yung Kael na yun..
~♥~
Humupa na yung bagyo kaya hindi na suspended ang klase. Na postponed na nga yung midterms eh, kasi walang pasok kahapon kaya ngayon yung first day ng exam..
10 minutes before the exam.
Sinarado ko na lahat ng notes ko. Kailangan ng pahinga para hindi mabigla yung utak ko mamaya.
Si Kael naman kunwari pa na nasa mukha niya yung libro eh natutulog lang naman.
Never ko siyang nakita na nag review dito sa school pero ang laki pa ring ng scores pag may exam. Hays. Nakaka inggit talaga. Kainis.Habang hindi pa pumapasok yung first subject namin may kanya-kanyang ganap ang mga classmates namin.
Yung iba naglalaro ng video games. Yung iba naman nag s-selfie. Gumamit pa ng filter na halos mabura na iyong ilong..
Naalala ko yung message ko kay Vishnu Isles kagabi. Kahit hindi niya naman mapansin ayos lang. Hays. Ang gwapo gwapo niya naman kasi talaga. Alagang Myra. Charot.
Nag message ako. Sabi ko "Hi crush. Pwede ka bang manligaw?" ang slow ni bebe ko eh. Hays.Maya't maya lang ay pumasok na yung first subject teacher namin. Nag aral naman ako pero feel parang halos lahat wala sa inaral ko. Ayoko talaga sa ganito eh. Tinatamad ako mag memorize. Mas gusto ko pa recitation at oral nalang palagi.
Kahit hindi ko alam yung ibang sagot naka focus lang ako sa test paper ko. Sabi kasi ng teacher namin kapag daw tumingin sa taas for inspiration ,pag sa baba (test paper) for concentration, pag sa left or right for more information daw.!
Strikta at sobrang higpit pa niya. Madapa sana siya. Hahahaha. Charot joke lang po lord.
BINABASA MO ANG
Heartbeat's Speed
Dla nastolatkówNasubukan mo na bang mamatay pero patuloy na humihinga? Yun bang wala ka ng maramdaman sa buhay mo pero patuloy pa rin sa pagpintig ang puso mo? Yung pakiramdam mo nawawalan na ng saysay yung hangin na hinihinga mo. How will you going to kill depr...