Chapter 14: Closure Part 2

136 3 0
                                    

Yanna's POV

Nang makabalik kami sa room ay agad na nagtakha ang mga kasamahan ko kung bakit magkasunod lang daw kaming dumating ni Jaypark hindi ko na lang sila pinansin at hinintay na lang na dumating ang susunod na klase hindi rin naman nagtagal ng dumating ang susunod naming prof. Kaya naman nagfocus na lang ako sa pakikinig at paminsay pagparticipate sa talakayan.

Pagkalipas ng isa't kalahating oras ay natapos na rin ang last subject namin ngayong umaga so it means na lunch na.

"Yanna! Kanina pa ako tanong ng tanong wala kang sinasagot nakakairita ng magpaulit ulit ha!"bulyaw sa akin ni Shyrie na mukha ngang inis na inis na.

"Edi huwag mong ulitin para di ka mairita." Pambabara ko sa kanya dahil wala ako sa mood para ikwento pa ang nangyari kanina.

"Yanna naman eh!!!" Sabay sabay na untag nila Meanne, Shyrie, at Janice.

"Kumain na lang tayo nagugutom na ako." Maikling sagot ko at tumayo na nanv biglang magsalita ang grupo nila Jaypark. Haysst huwag mong sabihin na sasabay na naman sila sa amin.

"Pasabay ulit kami!!!" Ngiting ngiti at ganadong ganadong paalam nung mga loko sa amin. And speaking hindi pa kasama sa mga loko si Jaypark at eto namang mga kasama ko... Ewan.

"Sure naman!" Sagot ni Meanne.
"Ok na ok!" Ganadong sagot ni Janice na nag thumbs up pa.
"Sure!" Sagot naman ni Shyrie.

"Eh sayo Yanna ok lang?" Tanong ni Kean.
Na mukhang nag-aalangan pa.

"Do what you want." Maikling sagot ko at nagpauna na ako sa paglabas ng classroom.hindi na lang din ako umangal dahil sasabay parin naman sila at susundin pa rin nila ang gusto nila magsasayang lang ako ng laway, and siguro Im getting use to it kaya ganon.

Nang makarating kami sa cafeteria ay nag offer ang mga boys na sila na lang daw ang oorder ng foods tinanong lang ni Nathan at Kean kung anong order namin at sila na ang bumili minsan lang naman daw kaya hayaan na.

Habang kumakain naman kami ay biglang nagtanong si Janice."Bakit business management ang napili nyong lahat?" Pagtutukoy niya sa mga lalaking kasama namin.

"Family thing".sagot ni Jaypark
"Same.lahat kami." Sagot ni Nicko.

"Kayo bakit pare-pareho kayo ng course?Don't tell me na same sa amin?" Tanong naman ni Kean sa amin.

Sasagot na sana si Janice kaso pinigilan ko sya na ipinagtakha rin ng mga kasama namin.

"Ano na? Bakit hindi kayo nasagot?" Tanong ulit ni Kean at tiningnan ako ng may pagtatakha.

"Sabi mo huwag sabihin pag same sa inyo?" Sagot ko at tumayo na.

"Hahaha oo nga naman....bobo ka kasi tol may pa don't tell me, don't tell me kapa dyan."batok sa kanya ni Jin.Kaya nagsipagtawanan ang mga kasama namin.

Pagkatapos naming kumain ay pumasok na agad kami sa room nagsipag ayos na kami at hinintay na lang ang pagdating ng prof. Namin.

***
Sa wakas tapos na rin ang klase namin at dismissal na kaya inayos ko na ang gamit na kailangan ko at iniwan ko na ang iba sa locker ko.

"Tara na Yanna!"yaya sa akin ni Janice.

"Una na kayo may dadaanan pa kasi ako, importante lang." Sagot ko.

"Samahan ka na namin." Prisinta ni Meanne.

"Hindi na Meanne salamat na lang. Magpaalam ka na lang sa parents mo para maiayos na ang gamit mo sa bahay." Pagpapaalala ko sa kwnya dahil gusto niyang sa bahay na kasama nsmin daw tumira.

Ms.Mapambara Meets Mr.ArrogantWhere stories live. Discover now