DEDICATION
This is for all the people na gusto maging masaya. Gusto makabalik sa kung sino sila after mapag-iwanan, after saktan at after ng matinding heart break. And this is also for the man who stole my heart and broke it into small pieces. Well today, I'M BETTER WITHOUT YOU, BABE!!!
About the Author
Hey, it's me! Anj. Ang babaeng paulit-ulit sinaktan pero patuloy parin na nagmamahal. I'm happily single btw. If you what to know me better just talk to me and let's be friend.
Acknowledgement
The author of this book would like to give thanks to the following:
First, to my family for being there beside me throughout the journey of my life even though hindi nila alam kung ano nangyayari sakin,
Second, to my dearest friends na sa gitna ng kabaliwan ko hindi parin sila nagsasawa na pakinggan ako.
Third, to all the Korean idols na inistan ko noon hanggang ngayon for helping me na makaget over sa kanya.
Fourth, thank you sayo Mr. Stranger kasi kung hindi dahil sayo weak padin ako. Thank you sa love and heartacheS.
Lastly, kay Lord thank you po kasi every time na nararamdaman ko na mag-isa ako at gusto ko na sumuko hindi nyo parin po ako pinabayan bagkus ginabayan nyo pa po ako at ginawang mas strong independent woman.
Oppppsssss, may isa pa pala for my LAkas hey there best friend thank you, thank you, thank youuuuuuuuuuu!!!! Hart hart
Letter to Myself
Dear Anj,
Wow it's been 2 or 3 years na, siguro naman okay ka na? Nakalimut ka na? At masaya ka na? Well kung ganun congrats girl graduate ka na talaga sa pagpapakatanga mo HAHAHAHA! But srly alam ko naman na okay ka na ngayon kaya nga nakakasulat ka na ulit ng mga ganito, Keep in mind na sa susunod wag mo hahayaan na saktan ka ulit ng isa lang lalaki kahit pa sabihin natin na part yan ng pagmamahal hindi pa din tama na palagi na lang ikaw ang magtitiis ha! Tama na yung sakit at hirap na pinagdaanan mo, tama na sa kabaliwan mo, tama na katangahan mo ha. Tama na. TAMA NA!
Love:
Your Pretty Self
Letter to My Readers
Hey!!!
Hindi naman ako sobrang galing pagdating sa pagbibigay ng advice but I'm here para ishare experiences ko pagdating sa kung paano ako nakaget over sa inakala kong forever. Some tips and some piece of advice para matulungan kita kasi alam ko naman na mahirap talaga makalimutan sya sa simula palang diba. Pero kaya mo yan at dapat kayanin mo yan. Sino ba sya para paiyakin ka ha? Kapal ng mukha!!! siya na nga minahal ee sya pa nanakit at nang-iwan gigil si ako!!! But friend srly I'm here to be your pillow na pwede mo yakapin at iyakan tuwing gabi or your handkerchief na pwede sumalo sa luha, pawis o kahit dyan sa sipon mo. Pwede mo din naman akong maging punching bag na sasalo sa galit at inis mo sa kanya. In short, pwede mo ako icount as your friend na handang tumulong sayo in any kind of situations. Andito lang ako mula sa simula at hanggang sa huli tutulungan kita. Just smile and be with me until you can say "I'm better without you, BABE". HAHAHAHA okay okay let's get it!!!!
Love:
Anj
BAKIT SIYA?
Bakit nga ba?
Kasi mahal mo? Kasi mahal ka? Kasi gwapo? Kasi maganda? Kasi mabait? Kasi maputi? Kasi matalino? Puro dahilan na wala naman palang kasiguraduahan! Bakit siya? Sa totoo lang ang hirap sagutin ng tanong na 'to kasi kapag talagang mahal mo hindi mo masabi ee no words can explain the feeling of being inlove with someone. Dama ko 'to nakakailan tanong mga kaibigan ko sakin dati kung bakit sya? Sa dami ng lalaki bakit sya? Pati ate ko, pinsan, tito at tita yan tanong sakin bakit sya? Hindi ko nga alam ee kung bakit siya bigla na lang ah iba yung feeling. Ang saya, nakakainspired gumising, kumain tsaka matulog. Kasi siya yung magtetext sayo paggising mo ng "Goodmorning Babe. Kain ka na po" diba ang saya hindi mo maiwasan mapangiti tapos sya yung pauli-ulit magreremind sayo na "Ingat ka po, Babe" tapos mangungulit kapag hindi ka nagpaparamdaman. Siya yung palagi mong kasama. Siya yung ituturing mong kakampi kasi naiintidihan ka nya, siyang-siya yun ee. Siya din yung palaging sa dulo ng text, chat or tawag nya may "Iloveyou, Babe" diba nakakakilig kasi despite the difficulty na nararamdaman mo may isang taong magpapaalala sayo kung gaano ka nya kamahal. Tapos kapag matutulog ka na nandyan na naman sya para sa "Goodnight Babe, Sweetdreams" . Sa totoo lang ang sarap mainlove sobra. Pero bakit umabot sa dulo yung akala mo never ending story nyo? Bakit mag-isa ka na ngayon? Bakit hindi na sya?
YOU ARE READING
I'm Better Without You, BABE!!!
RandomIt is just a piece of advice to move forward from the past.