Pinilit kong hindi matawa sa reaksyon niya dahil sa sinabi ko.
"Alah sila Kiara oh!"
"Yieeee naguusap silaa"
"Kayo na ba? haha"
Narinig ko pa ang mga pang aasar ng mga kaklase ko sa aming dalawa kahit na nakatalikod na siya sa akin.
"Ano ba?! manahimik nga kayo may iba akong gusto!"
pasigaw na sabi niya sa mga nanunukso sa amin.Parang may libo-libong punyal ang sumaksak sa puso ko dahil sa mga sinabi niya. Kahit matagal ko nang alam iyon, iba pa rin pala kapag sa kanya na nanggaling. Pinilit ko pa rin ngumiti sa kabila ng mga sinabi niya upang hindi magmukhang apektado. kahit ang sakit sakit na.
Totoo pala yung sabi ng teacher namin sa math last year. Magkakambal si love at pain.
Nananakit na naman ang dibdib ko. Napapansin ko na nitong mga nakaraang araw ang madalas na pagsakit nito at hindi ko alam kung bakit.
Kailangan na naman atang magpacheck up nito.Naisip ko ang mga nangyari nitong nga nakaraang araw sa'kin napapansin ko na lagi akong naiinis pag may kausap siya na iba at sa tuwing binabanggit ng mga kaklase ko ang pangalan ni Precious.
Nabuo ang konklusyon sa isip ko dahil may nabasa akong post sa facebook sabi doon. Ganto pala pag nsgkakagusto... nasasaktan.
Bskit ang tanga ko?! bakit ba sinasabi ng utak ko na hindi ako sigurado pero yung puso ko sure na sure na, naglalaban sila sa isip ko sabi nila kailangan na utak ang unahin pero ngayon gusto kong gamitin ang puso ko dahil nasisiguro ko na Gamot ay laging bago.
Charot! Nasisiguro ko na may nararamdaman ako para sa kanya...
Hindi ko napansin ang oras dahil sa mga iniisip ko. Tinapos ko lang ang kinakain ko at hinintay na ang test paper na maibigay.
Nagbigay na si ma'am ng test papers sa harap kaya hinintay ko ito na umabot sa'kin binigay naman iyon ni Miller nang hindi ako nililingon.
Nagsimula na akong sagutan ang test kaya naman maaga akong natapos.
Kaya naman andito na ako sa labas ng class room at nakapila na para makauwi. Nasa bandang harap ako at nasa likod si Miller kasama ang kaibigan niyang si Neon.
Una kaming pinababa pero hindi muna ako bumaba at nag-antay muna sa gilid ng hagdan. Titignan ko kasi kung saan nakatira si Miller.
Dumaan na ang mga lalaki sa harap ko, dumaan pa si Andrei na bahagya pang ginulo ang buhok ko. Nang dadaan na si Miller ay lumayo siya sa daanan at nag iwas ng tingin na para bang mayroon akong nakakahawang sakit.
Pero okay lang! Lumabas na ako sa school at sakto naman na nakita ko siyang naglalakad ng padiretso. Sinundan ko siya dahil ang dinadaanan niya ay nadadaanan ko din naman sa pag uwi. Sinundan ko lang siya hanggang sa lumiko siya sa G.Enriquez St. at pumunta siya sa pulang gate na katabi ng pisonetan.
Pumasok siya doon' sinilip ko siya hanggang sa hindi ko na siya makita kaya umuwi na din ako.
Wala akong kasabay dahil pinauna ko na si Kc pauwi dahil nga sinundan ko pa si Miller.
Nang makauwi ako ay hinanap ko agad si mama dahil may sarili nang bahay ang pito ko pang kapatid at nasa Cavite ata si Papa kung saan nandoon ang bahay ni ate Chin.

BINABASA MO ANG
Catch Me
RomanceMeet Kiara Reafor ang babaeng palaging sawi sa pag ibig kahit hindi pa nagkakajowa, Paano ba naman takot umamin dahil takot mareject kaya ayun! hanggang kaibigan lang sila ng mga naging crush niya. Pero ng makilala niya si Miller, ang lalaking nagpa...