1

7.9K 163 2
                                    

A year later...

"PERSONAL BODYGUARD?" puno ng disgusto ang anyo at tono ni Wendy Veltrano, kuyom ang mga palad at halos nagmartsa palapit sa puwesto ng amang nagbabasa ng broadsheet sa sala. "No!" sigaw pa niya. "Not again, Dad!" tandang-tanda niya ang karanasan niya sa pinakaunang bodyguard—na naging traumatic experience sa kanya kaya isinusumpa na niya lahat ng bodyguards sa mundo—lahat, pati ang mismong security team ng ama. Hindi makalapit ang isa man sa mga tao nito o magwawala siya. Binabato niya ng anumang bagay na mahawakan ang sinumang lalapit. Ang mga inatasan ng ama na magbantay sa kanya ay sumusunod at nagmamasid lang nang palihim, kadalasan ay nagpapanggap na mga civilian sa paligid, sa ganoong strategy lang siya nasusundan ng mga ito.

Paano niya pagtitiwalaan ang mga taong nasa utak ang sex hormones? Laman lang naman ng bangungot niya mula noong fifteen siya ang gabing muntik na siyang ma-rape ng hayup na iyon na pinagkatiwalaan nilang mag-ama.

Tandang-tanda ni Wendy ang gabing iyon na malakas ang ulan, kulog at kidlat sa labas. Takot siya sa kulog at kidlat kaya tinanggap niya ang yakap ni Jojo Catiwala—na dapat pala ay Ajas o kaya ay Hudas ang surname nang sa ganoon ay bagay sa pagkatao nito. Pinagkatiwalaan ito ng husto ng Daddy niya para lang gantihan sila ng ganoong kahayupan.

Inakala ni Wendy na gusto lang siyang i-comfort ni Jojo nang gabing iyon. Buo ang tiwala niya rito dahil espesyal ang turing nito sa kanya.Tulad ng Daddy niya, ipinaramdam ng lalaki sa kanyang 'prinsesa' siya sa paningin nito. Young, naïve and trusting as she was, she let him hold her...hanggang naramdaman niyang hindi na yakap lang ang ginagawa nito—pinaglalandas na ni Jojo ang mga kamay sa buong katawan niya, at ang labi sa leeg niya...

Mabilis na ipinilig ni Wendy ang ulo para pigilan ang pagdaloy ng alaala sa isip. Hindi niya gustong balikan ang gabing iyon dahil nabubuhay lang ang galit at takot niya. Kasunod nang alaalang iyon ay isa pang bangungot. Nagawa pa ng hayup na humarap sa ama niya at sabihing may relasyon sila at siya ang nang-akit rito. Hindi lang iyon, pera at kandidatura ng ama niya ang nawala sa pagnanais nitong maprotektahan ang pangalan niya bilang nag-iisang anak nito. Isang termino ang pinalampas ng Daddy niya alang-alang sa kanya. Siya naman, mula noon ay nahirapan nang magtiwala, lalo na sa mga uniformed men na nasa paligid para sa proteksiyong binabayaran ng ama niya. Naging pare-pareho na ang tingin niya sa mga ito—mga nagpapanggap na matino pero ang totoo ay naghihintay lang ng pagkakataon para sirain ang tiwalang ibinibigay ng mga taong nagbabayad sa serbisyo. Mula noon ay kaaway na ang tingin niya sa mga bodyguards ng ama at sa lahat ng bodyguards sa mundo.

"It would be different this time, sweetheart—"

"No!" malakas na putol ni Wendy. "Remember how we suffered, Dad? We've talked about this many times, right? And you agreed! Why now? Walang threat sa kaligtasan ko noon at ngayon. I don't need a jerk in uniform nor an asshole with a capital A following me! I'd rather die!"

"Wendy, baby—"

Naniningkit ang mga matang binalingan niya ang ama. "I'm not a baby anymore! Kung hindi ko mapipilit mag-suicide ang bodyguard ko, I'll kill him myself, I swear!" puno ng disgustong hayag niya, sinipat ang dalawang kamay. "With these," aniyang nakalahad sa ere ang mga kamay niyang may mahahabang kuko ang mga daliri at shocking red na nail polish. "My two beautiful bare hands! Hmp!" inirapan niya ang ama at saka siya nagmartsa patungo sa room niya.

Hindi niya pinansin ang pagsapo nito sa dibdib na parang maatake sa puso sa stress sa kanya. Sanay na sanay siya roon. Ganoon lagi ang epekto niya rito kapag nag-aargumento sila. Sa huli ay sinusuyo siya ng ama. Pero nang sandaling iyon ay duda siyang iyon ang gagawin nito, sa tingin niya ay ipipilit ng Daddy niya ang pagkakararoon niya ng bodyguard. Aalamin niya sa sariling paraan kung ano ang nagpabago sa isip nito.

Rigorr (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon