Prologue

31 3 0
                                    

3rd person's P.O.V

Nakikita ang mga ngiti at galak na nakapinta sa mukha ng mga taong naka suot ng lab gown.

Nasaloob sila ng isang kwarto kung saan sila'y masayang nagdidiriwang.

"Sa wakas! Nagawa na nating tama ang Project: 626" wika ng lalakeng malawak ang ngiti habang nagsasalin ng alak sa baso.

May isang lalaking tumayo sa kanyang ikinauupuan at itinaas ang kanyang baso. "Cheers! Sa ating tagumpay!" rinig ang malakas na kalansing ng nagdidikitang mga baso. Tila walang makapawi sa kaligayahan nila ngayon.

"Ano ipapangalan natin sakanya?" Tanong ng lalakeng nasa tabi nito.
"626, tutal sya naman ang pang six hundred twenty six nating subject." sagot ng lalaking nasa dulo.

"Anya"

*****************************************************
(5 years later)

May kotseng itim na pumasok sa malagubat na daanan, ilang kilometro pa ang nilakbay nito ng huminto ito sa isang bakanteng parte ng gubat kung saan walang puno. Bumuka ang sahig nito at pumasok pababa ang kotse doon.

Nang makarating ito sa ilalim, may matandang lalaking lumabas mula rito. May kasama rin syang batang lalaki na tila limang taong gulang pa lamang ito.

"Lolo? Where are we?" Tila natatakot na tanong nung bata ng kumapit ito sa laylayan ng damit ng kanyang Lolo

"Don't worry apo, we're here to meet a new friend" nakangiting pagpapakalma ng Lolo sa kanyang apo.

Pumasok sila sa loob ng makasalubong ng maglolo ang lalakeng may ari ng laboratoryo.
"Mr. Dela Cruz!" nakangiting lumapit ang lalaking naka lab gown. "Nice to see you!" kinamayan nya ang matanda
"Just in Time kakagising lng niya."

Lumawak ang ngiti ng batang lalaki dahil alam nya na Meron nga syang makikilalang bagong kaibigan.

Naglakad sila patungo kung saan nandoon ang kikilalanin ng batang lalake. Huminto sila sa puting pintuan at binuksan iyon ng Lalaking naka lab gown.

Bumungad sa kanila ang isang playroom kung saan maraming laroan. Nilibot ng maglolo ang kanilang paningin at nasilayaan na may batang babae na naglalaro ng teddy bear sa loob ng playroom.

"Siya na ba ito Dr. Alvarez?" Nakangiting hnd makapaniwalang tanong ng matandang lalake.
Binitawan ng batang lalake ang pagkakahawak sa lolo at lumapit ito sa batang babae.

"H-Hi." nahihiyang bati ng batang lalake.

"Hello"

*****************************************************
(3 years later)

Tatlong taon ang lumipas at naging matalik na kaibigan ng batang lalaki ang batang babae. Tuwing weekends at pag walang pasok nito dinadalaw, minsan syang hnd madala rito ay nalulungkot ang batang lalaki.

Kaarawan ng batang lalaki ngayon, inimbitahaan nya ang kanyang babaeng kaibigan sa kaarawan na to. Tila hindi ito kumpleto pag wala ang kanyang kaibigan.

Ilang oras ang lumipas may dumating na limousine na kulay puti. Kumaripas ng takbo ang batang lalaki palabas ng kanilang mansiong bahay, nadapa pa ito pero tila wala itong pake at hindi nawala ang kanyang ngiti. Nakita nya ang limousine at lumabas doon ang kanyang kabigan. Tumakbo sya papunta rito at niyakap.

"I miss you, Welcome to my party."Aniya na nakayakap parin sa kaibigan.

Tumogon sa yakap ang batang babae at ngumiti. "Happy 8th Birthday." bulong nito sa tenga ng batang lalaki.

Ngumiti ang batang lalaki at hinila sya papasok sa bahay nila. Tumingin ang batang babae sa lalaking kasama nya na tila nag papaalam at tumangong nakangiti lng ito bilang sagot na pwede muna sya makipaglaro sa batang lalaki.

Pinakilala siya ng batang lalaki sa lahat ng kilala nito, bata man o matanda. Ng matapos ito sa pagpapakilala hinila nya ang babae papunta sa hardin. Umikot ang mata ng babae at namangha sa ganda ng hardin.

"A-Asan tayo?" tanong ng batang babae na tila hnd nya alam ang tawag sa magandang lugar.

"Sa garden namin." nakangiting sagot ng batang lalaki.

"Garden." bulong ng batang babae sa sarili nya at tila prinoproseso nito sa utak nya ang sagot ng lalaki.

Kumuha ng dalawang stick ang batang lalaki at ibinigay ang isa sa batang babae. "Hayaaah!" sigaw nito na ikinagulat ng batang babae. Tinutok niya ang stick sa batang babae at ngumiti. "Lalaro tayo, ikaw si Wendy ako si Peter Pan. Tapos mag lalaban tayo. " nagtilt ang ulo ng batang babae pa kaliwa na tila may mali sa sinabi ng batang lalaki ngunit hnd nya pinansin at ngumiti nalang upang sundin ang sinabi nv kanyang kaibigan.

Nag habolan sila ng naghabolan hanggang sa nakulong ang batang lalaki sa isang gilid. Napalingon sya sa kanyang kaibigan, nagulat ito at natakot sa aura na linalabas ng kaibigan.

Itim ang aura, nakakatakot, namumula ang mata ng batang babae, tinutok nito ang stick sa kanyang kaibigan. Hindi ito nag sasalita. Mabilis ang pangyayari at bigla nalang sumigaw ang batang lalaki.

"Aaaaaaaaahhhhhhh!!!" nakahawak ito sa dibdib niya at umiiyak.

Napailing ang batang babae at tila naalimpongatan ng makita ang batang lalaki na dugoan. Nabitawan nito ang stick at napahawak sa kanyang bibig. Nagsidatingan ang mga tao at may sumampal sa batang babae. Tinignan nya kung sino ang sumampal sa kanya, nagulat sya ng malaman ang lolo pala ito ng batang lalaki.

"Halimaw ka!!" galit na galit na wika nito. "Mula ngayon hinding hindi mo na malalapitan ang apo ko!" tumulo ang luha nito at niyakap ang apo na dugoan. Napatingin ang batang babae sa kanyang kaibigan. Nabalotan sya ng takot at tumakbo.

Lumipas ang maraming taon nagkulong lng ang batang babae sa kanyang kwarto at hnd na lumabas pa.

PROJECT: 626Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon