Chapter 29
Ara's POV
"1 2 3 *block* Good job!" Rinig kong isa-isang puri ni Mika sa mga bata habang nakapila sakanya "Basta extend niyo lang yung arms niyo at maintain yung strength sa arms at legs." Pag papaalala pa nito
Siya kasi ang toka sa blockings. Pangatlong araw na ng camp at nakakatuwa na nakikita naming malaki ang na naibabahagi namin sa mga bata. Sobrang overwhelming din minsan nga't bigla na lang akong napapangiti sa kawalan dahil sa tuwa kapag nakikita kong nag eenjoy hindi lang ang mga participants kundi pati kaming mga facilitators.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Easy matunaw si ye." Na putol ang pag i-ispace out ko ng mag salita si Kim.
"Sira! Natutuwa lang ako na tumulong siya satin." Oo. kasali siya. dumating siya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
(Flashback)
1st day ng Camp.
"Ano okay na ba? Yung food para sa lunch mamaya settled na rin ba? Eh sila Kim? asan na?" Aliga gang aligaga ako. Hindi ko alam na pi-pressure ako para nga akong principal na first time mag ooperate ng bago kong school.
"Chill Ara. May mga nakatoka naman na sa bawat gagawin sigurado akong ayos na yan." Paalala sakin ni Cams.
"Sorry kina kabahan lang kasi ako."
"Oh ayan na pala sila Kim." Convoy ng sasakyan nila kim ang bus na ni rent ko para mag hatid at sundo sa mga bata. Napili namin ang tatlong orphanage para maging participants para sa camp. Lahat naman ay willing at interesado na lumahok sa ganitong event dahil nga sa kasikatan na rin ngayon ng volleyball sa bansa.
Nag simula ng mag si babaan ang mga bata mula sa kani-kanyang bus, tulong tulong naman sila Mela, Kim at Cams sa pag guide sa mga ito.
"Girls pila tayo dito sa left kay ate Carol for registration." Pag instruct ni Cienne sa mga bata gamit ang isang megaphone "Boys dito sa right kay Ate Ria."
Mag isang dumating si Ria. Na ang ibig sabihin hindi pupunta si Mika. Nalungkot ako, dahil alam kong gusto niya ang mga project na ganito. Dahil sa pareho kaming advocacy ni Ye ang maka tulong sa mga bata sa paraang alam namin.
Naalala ko ng college kami lagi niyang sinasabi gusto niyang ma impart yung talents at kaalaman niya sa volleyball sa ibang tao, lalo na sa mga bata. Kaya nga siguro kung hindi niya lang alam na ako ang nag organize nito malamang ay isa rin siya sa excited para sa project na to.
"Eh pano naman po pag pusong babae katawang lalaki?" Tanong ng isang bata na kinatawa naman nila Cienne, Carol at Ria.
.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
Almost over you (Ara Galang - Mika Reyes - Ria Meneses)
RandomMika Reyes - Ara Galang - Ria Meneses Fanfic