Bakit ba ginaganito mo ko?

245 4 0
                                    

(Jannyn's POV)

"Ehh mommy tama na yan okay na oh. Baka masyadong kumapal."

"Anak, pale pa. Umayos ka. Aayusin pa natin buhok mo."

"I already smell like hair spray."

"Mapapatungan ng pabango yan."

"Mommy naman eh" >.<

"Konti na lang anak."

Hi guys, andito ko ngayon sa CR. Nagreretouch. Yung final make up na ba. Halos 2 hours na ko dito. Nakakaburyo na. Buti na lang maganda yung CR ng Edsa Shangrila. Haayyy =.=

"Oh, tapos na. Sige, eto camera oh, nilagay ko na sa purse mo."

"Yay! Thank you mommy love you."

"Sige, pero picture muna tayo"

Wala akong choice. =.= Last prom na kasi, kaya puro picture na. Habang tinitignan nila mommy yung pictures, may nagtext sakin.

From: Rex

First one on the guest list :bd Let's rock Shang. Yeheh!

;BEATS

-end-

Ay, andito na sila! Sabay sabay kasi yung lahat ng BEATS, ako lang hindi sumabay kasi hindi ako nagpamake-up sa mga salon salon sa smf. Si mommy lang. Kasi sabi ni mommy mas magaling daw sya mag make-up sa David's Salon. Haha!

Lumabas na ko, pagkalabas ko, maingay na. Pero yung BEATS lang yung tao. Haha!

"Hoy table! Sit here. Picturan ko kayo."

"Maka table ka Rex ha porket maganda lang yang necktie mo. Necktie lang."

"Eh basta picture na all girls!"

"All girls tas wala ako. Sige ganyan kayo." sabi ko as my grand entrance. Haha!

"Janeneeeennnggg!!!!" sabi nilang lahat tas sabay group hug. Parang di magkatext eh no. Ayun, tas picturan din. Pictorial ang peg namin, syempre, photographer si Rex. Tas nung lumabas si mommy sa cr, sya naman yung photographer.

"Nakanuxx Nica. Feather kung feather ah. Ilang manok sinakripisyo mo para jan? Hahaha! Ouch!" sabi ni Psyche kay Nica na kinurot ni Nica. Hahaha!

Si Nica kasi naka dark blue ball gown na pa tube tas puro feathers yung top. Ang ganda promise. Tapos nakataas yung hair nya sa bun, may tiara pa. At ang shoes ay wedge na mukhang rubber shoes na blue. Buti na lang di kita. Baliw lang eh no.

Si Psyche naman naka cocktail dress na dark blue green at nakalugay yung har nya. Kamukha nya si Aubrey Miles, taray din nung heels 3 inches na silver na puro glitters.

"Guys! May photobooth!" turo ni Kathrin sa may corner nung venue. Si Kathrin naman ay nakasuot ng green satin na may patong na black lace na may floral pattern, straight gown lang sya na naghuhug ng curves ni Kath. Naka heels din na silver na puro glitters. Nakalugay na may konting waves yung hair.

"Group picture tayo mamaya ah!" aya ni Yanna na naka blue na straight gown din na backless tas nakatali sa leeg nya. nakataas yung hair nya, naka bun.

"Asan na yung boys ng BEATS? Bakit naging babae na kayo?" tanong ni Prince na naka suit na black na may touch of satin na black din. Pangloob nya, red tas nakataas yung hair na may highlights na brownish gold.

"Oo nga. Hahahaha! Tangkad natin Yanna ah." sabi ni Kintaro kay Yanna, sabay batok kay Yanna. Si Kintaro din ay nakasuit na black at blue yung pangloob.

"Kin, tawag ka ni ma'am Jenny mag practice daw kayo." sabi ni Yoon Jin kay Kintaro. Si Yoon Jin din ay nakasuit. Malamang. May lalaki bang naka gown? Hahaha! Basta yellow yung pangloob.

Hindi ko na sya crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon