⚜️ Kiss in the Rain ⚜️
Mellea's POV
Naputol ang pag-iimagine ko ng bigla akong nautog sa isang matigas na bagay. Huminto kasi sya sa paglalakad. Minsan biglang maghihila tapos ngayon biglang hihinto sa paglalakad.
May sakit ba sya?
"Ay pader! " sambit ko ng tumama ako sa likod nya.
"May payong ka bang dala?" tanong nya sa akin habang inaayos ang sarili ko sa likod nya.
"Wala. Bakit?" mahinang tanong ko.
Tumingala naman sya para sagutin 'yong tanong ko. Napansin ko naman na makulimlim ang langit. Nagbabadya 'atang umulan ngayon.
"Hala sabi ko sayo kasi dalhin mo 'yong kotse mo." pagmamaktol ko sa kanya. Tumingin naman sya sa akin at naningkit ang mata. Parang sinasabi ng mga tingin nya na sya ang sinisisi ko dahil hindi nya dinala ang kotse nya.
"Eh ikaw dapat nagdadala ka ng payong dahil babae ka, dapat always ready ka. Ano ba 'yan?" asar na sabi nya sa akin.
Bwesit ka talaga.
Binilisan na lang namin ang paglalakad namin para hindi kami maabutan ng ulan na nagbabadyang bumuhos. Napansin ko naman na kanina pa walang dumadaan na sasakyan, wala ding mga building o establishment na pwedeng silungan kung sakaling umulan.
"Bakit parang ang layo ng napuntahan natin?" tanong ko habang nagmamadali pa rin sa paglalakad.
"Bilisan mo na lang ang paglalakad mo dyan. Ang bagal mo." supladong saad nya.
"Tss." bulong ko saka mas binilisan pa ang paglalakad.
Nasa sidewalk kami ng bigla bumambon. Huminto naman si Prince kaya napahinto din ako. Biglang hinila nya ako at kinuha ang sling bag ko. Itinaas nya ang kanyang kanang kamay at hinila ako ng mas malapit pa sa kanya. Ginawa naman nyang pandong ang sling bag ko.
"Prince." mahinang bulong ko.
Bumibilis na naman kasi ang tibok ng puso ko. Sobrang lapit ko sa kanya. Nakatingin sya sa akin ng malagkit habang ako naman ay nakatingala sa kanya.
Maya-maya ay lumakas pa ang ambon hanggang sa naging ulan na 'to.
"Ayy! Prince tara na." sabi ko habang akmang tatakbo na pero pinigilan nya ako at hinila ulit sa kanya pabalik.
"Prince. Umuulan na. Gusto mo bang magkasakit?" sabi ko habang patuloy pa rin sya sa pagtitig sa akin at nananatiling nakapandong sa amin ang sling bag ko.
"Would you mind if I kiss you now in the rain?" saad nya.
BINABASA MO ANG
Constellatopia Kingdom: The Water Goddess
FantasyA new born baby carries the demon blood of Treyvor, the Lord of Darkenian World. This child named Mellea, she didn't know that she is the successor of the Dark Prophecy and the missing formula for the successful reigning of the Darkenian World to th...