11: Ryu from Ford Clan

151 5 0
                                    

XAIZEYI

I shot the arrow and it's a ten pero hindi tumama sa pinakagitna. Fuck! What's happening to me!? "You're distracted" sabi ni Papa. Nakakainis lang!! Sa dinami-dami ng oras na nagtraining ako, ngayon pa talaga siya nanuod, ngayong distracted ako. Ever since that encounter with Kai from Incognit Clan, I've been distracted. Maybe because he's familiar.

Kumuha ulit ako ng arrow at sinubukang tamaan ang pinakagitna pero nabigo ako. Bwesit! "Stop. Come with me, may ipapakilala ako sayo." Padabog kong nilagay  ang bow sa lalagyan nun at sumunod na ako kay Papa. Nakakabwesit talaga yung Kai na yun! He's also good at hiding, hindi siya nasundan ng mga tauhan ko at hindi rin siya nahanap ng mga pinadala kong tauhan sa base ng Incognit Clan.

Pumasok si Papa sa office niya kaya sumunod narin ako. Minsan lang ako makapasok sa office ni Papa, kapag may importante at confidential kaming pag-uusapan. Sa buong base, office niya ang pinakasafe dahil walang sino man ang pwedeng pumasok, unless, Papa say so. Nang isara ko ang pinto at humarap sa sinasabi ni Papa, nakita ko si Zeus, yung 7 days straight winner sa Underground battle. Hindi ako interesado sakanya dahil natalo ko siya nung one time na hinamon ko siya. But that Kai...Uggh!! I should stop thinking about that Kai!

Binati naman ako ni Zeus pati narin nung isang matandang katabi niya. Nakipaghand shake lang ako sakanila at naupo na. Di ko naman kailangang mag-aksaya ng laway para sakanila. "So, Zeyi, anak. Tour Ryu around the base. May pag-uusapan muna kami ng tatay niya." Tumayo na ako at nagpaalam kay Papa bago lumabas at ramdam kong nakasunod sakin si Ryu or Zeus. "Hey, I'm Jonathan Ryu." Hinintay ko namang ilahad niya ang kamay niya pero wala. Napatingin naman ako sakanya at ngiting-ngiti siyang nakatingin sakin. I can still see his cut on the lips. "If you're not going to look at me like I'm your husband, then don't. Cause your eyes are scary" sabi niya. Agad naman akong napaiwas ng tingin at nagfocus sa paglalakad. It's weird kasi he should be asking my name right? I mean, I know he's interested in me pero ayaw niya bang malaman ang pangalan ko? O baka alam niya? But still, appropriate naman yung ganun diba? "Hindi mo ba itatanong ang pangalan ko?" tanong ko sakanya.

"No, don't worry. Hindi naman kailangang magmadali. We still have forever para malaman ko ang pangalan mo." Is it me o talagang ang corny niya? Anong forever? As if namang forever siyang aaligid sakin. Teka. Di kaya... "Yes, you're right. I'm your fiance." WHAT THE FUCK!!?!? Ano daw!? Fiance? Pinagtitripan ba ako nito!? O baka nakadrugs!? Ang taas ng pangarap! "It seems fine to you, wala kang reaksyon eh" sabi niya at nauna nang maglakad. Walang reaksyon!?!? Tang ina!! Gulat na gulat po ako!!! Kasalanan ko bang sanay na ang mukha ko sa pagiging expressionless!?! Tss. Agad naman akong sumunod sakanya. "Dream on, mister" sabi ko sakanya. "Of course, Mrs. Ford. You see, my father and your father is talking about an alliance with us." Ano daw!? Mrs. Ford!?!? In his dreams!! At saka anong alliance!?! "If you want to ask, just ask. It's worth your breath" sabi niya habang nakasunod parin sakin. No way!! I won't ask!! I'm confirming it myself.

"My father-in-law told you to tour me. Why aren't you? Baka gusto mong mawalan kayo ng kakampi sa paparating na digmaan. Di ba sinabi sayo ng ama mo kung gaano na kalakas ang Soign Clan ngayon?"

Hinarap ko naman siya.

"Shut the fuck up, will you!? I'll show you around the base so zip your fucking mouth!"

Ngiting ngiti naman siyang tumatango na parang aso habang nagkunware pa siyang zinizipper ang bibig niya. I just raised my middle finger at him at nagsimula na ulit maglakad.

"Training area."

"Conference field."

"Office ko." At bago pa siya magtanong kung pwede ba siyang pumasok ay pinagsabihan ko na. "Walang pwedeng pumasok maliban sakin at kay Papa."

Murderous [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon