Chapter 10

783 21 12
                                    

As for this chapter gagamit po ako nang 3rd person's POV kasi nahihirapan ako eh tsaka ginawa ko na rin na dalawang update para dun sa reader na nag request. Para dun sa reader na nagrequest this one is for you.

-------------------
3rd Person's POV

"Omg ate giiiiirrrl sino daw nagpapabigay naaaaaan?" gel.

Ibinigay nang crew kay celine ang dress na tinutukoy ni isa at ayel kanina pagkababa nilang lahat galing sa kani-kanilang mga kwarto. Hindi naman maipinta ang mukha ni caloy nang makitang nagliwanag ang mukha ni celine nang ibigay sa kanya ang dress.

"Try mo dali!" natutuwang sabi ni chinchin.

Tumingin naman si celine kay caloy na para bang humihingi ng apruba ngunit naalala nya na magkausap nga pala ito at si yhan kanina at naalala nya na naiinis nga pala sya kay caloy kaya pumayag na lang sya na isukat ang damit at isinama nya si cza sa cr.

"Ceddy? Nagulat ako pumayag kang isukat yang dress na yan ah?" cza.

"Why not, diba? Mukang maganda naman eh" celine.

Pero lingid sa kaalaman ni cza gusto lang naman ni celine na mas magalit lalo si caloy dahil ewan ba nya hindi nya alam gusto nya lang magalit dito.

Pagkalabas nila ni cza nakita ni celine na napatigil silang lahat sa pag uusap ngunit kay caloy lang sya nakatingin na hanggang ngayon ay hindi pa rin natingin sa kanya kaya nainis sya lalo.

"Celine?"

Nagulat silang lahat nang may tumawag sa pangalan ni celine at nakita nilang lahat si john vic.

Samantalang inis na inis si caloy nang makita ang dress na pinabigay ni john vic.

Habang sinusuot ni celine yung damit umupo muna si caloy at ayel sa may malapit sa pinto ng lobby.

"Puta naman kasi ayel eh bat kelangan pang tanggapin at isukat ni celine yung damit na yon? Im sure naman kasi hindi bagay sa kanya yon" caloy.

"Titigil ka o uuwi na tayo?" seryosong sabi ni ayel.

"Oh ayan na pala si celine tingnan mo oh" ayel.

Iniignora ni caloy ang sinasabi ni ayel dahil nagtatampo ito kay celine.

"Celine?"

Ngunit nagulat at napatayo sya nang marinig ang boses nang lalaking kinamumuhian nya.

"What's this dress for?" celine.

"May party kasi akong pupuntahan" john vic.

Lumapit si john vic kay celine at hinawakan ang kamay.

"Can you be my date?" pagpapatuloy nito.

Nakita naman ni caloy na parang papayag si celine kaya bago pa makasagot si celine ay hinila niya si celine at dinala sa kotse ni isa. Napag isip isip na lang ni caloy ay mabuti na lang na sumunod sa kanya si ayel at si isa dahil ayaw na nyang bumalik sa lobby para sunduin ang dalawa.

"Ano bang problema mo!" naiinis na sabi ni celine pagkapasok nilang dalawa sa kotse. Kasunod na pumasok si isa sa driver's seat at si ayel naman ay sa shotgun seat.

Hindi umimik si caloy pagkasabi ni celine nan.

"Ano ba caloy naguguluhan na ako sayo!" celine.

Ngunit ilang segundo pa ay hindi sumasagot si caloy.

"Babalik na ako don" celine.

"Hindi ka babalik don!" naiinis na sabi ni caloy.

"At ano? Galit ka nanaman? Tapos ako wala nanamang karapatang magalit? Kahit lagi nalang na kay yhan ang atensyon mo!" naiinis na sabi ni celine.

DECISION (ToLine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon