AJ's POVBinuksan ko ang pinto ng front seat at doon siya binaba. Inupo ko ito ng maayos bago ko sinarado ang pinto. Umikot ako para pumunta sa driver's seat.
Nang makapasok ako ay tinignan ko siya.
"Wasted." Bulong ko. Tumingin ako sa harapan at saka umiling ng paulit-ulit.
"D-duh. I'm not." She uttered with her drunk voice.
Binalik ko ang tingin ko sa kaniya pero nakapikit parin ito habang nakabaling ang ulo niya sa bintana.
Yeah right. Last time I checked ay nawalan ka ng malay kanina. I thought.
"Iuuwi na kita." Saad ko dito at inilagay ang susi sa ignition.
Binaling niya ang ulo niya sa akin at hinawakan ang braso ko kaya napatingin ulit ako sa kaniya.
"N-no.... wag. B-bata pa... ko." Saad nito.
I chuckled. "Uuwi na kita sa bahay niyo." Muli kong saad.
I started the engine pero pinatay niya ito.
"No. Dito lang tayo."
Huminga ako ng malalim at sinandal ang katawan ko sa upuan.
"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko habang malalim na nakatingin sa kaniya.
"Talk." She answered at nilabanan niya ang tingin ko. "Let's talk."
Umiwas ako ng tingin sa kaniya. "About?" Saad ko.
Isinandal niya ang ulo niya sa upuan at muli itong ibinaling sa bintana.
"About..." Saad nito at parang nagiisip pa. "Dun sa girl na kasayaw mo kanina." She continued.
"Ah, so what about that girl?" Tanong ko dito at ipinatong ang kaliwa kong kamay sa manibela.
Tinignan niya ako at saka ito umirap.
"That fuckin' flirty bitch." She said. Umayos siya ng upo and she crossed her arms.
Hindi ako nagsalita at tinignan ko lang siya.
I don't get it. Hindi ko magets kung bakit kailangan niyang suntukin yung babaeng kasayaw ko kanina. Maybe, nagselos siya? Pero no, hindi. Imposible, kasi wala naman siyang gusto sakin right? Kaya bakit siya magseselos? Why? Wait... bakit nga ba hindi ko siya tanungin? Tutal lasing naman to. For sure magsasabi to ng totoo. Right?
"So why did you hit her?" I asked and raised my eyebrow.
She rolled her eyes again. "Kasi ang landi niya at nilalandi kaniya." At bumusangot ang mukha nito.
"Ano naman kung malandi siya at nilalandi niya ako?" Tanong kong muli.
Huminga ito ng malamin at parang nagpipigil ng inis.
"Argh! Isa ka pa eh. Ang landi mo din! Akala ko ba mahal mo 'ko? Kasasabi mo lang kanina diba? You said you love me! Tapos ngayon, nakikipaglandian ka nanaman sa kung kani-kanino. My God AJ! Buti nalang talaga hindi na kita binigyan ng chance. Buti nalang talaga walang tayo! Buti nalang talaga!" Mahaba nitong saad at halatang inis na inis ito.