~2~ Flashback

164 4 0
                                    

Flashback

          "All freshmen, please fall in line. Please bring out your admission slip and look to the upper right corner to see what is your section." Sigaw ng student council leader.

          "Sino kaya maka-kaklase ko sa section na to?" Star section sya, or sa ibang school, pilot section, section 1 whatever.

          "Hi, kaklase ba kita? Tanong ng matabang babae.

          "Star section ka din ba?" Tanong nya.

          "Yup, Ako si Ellie ano naman ang name mo?" Tanong nito sabay nguya ng pagkain na hawak nito.

          "Missy, although nickname ko lang yan. Mikail Sirefina Alfonzo ang full name ko." Bibong sabi nya.

          "Lahat ng star section dito na po pumila at sumunod lang po sakin." sigaw na naman ng maingay na student council.

          "Halika, tingnan natin kung may gwapo tayong kaklase." Tuwang-tuwang sabi ni Ellie.

          First day of highschool, magulo at pasikatan ang mga bagong magkakaklase. Nakikitawa si Missy sa mga kaklase nya ng biglang manahimik ang mga ito at sabay sabay lumingon sa pinto. Sinundan nya ang tingin ng mga ito. May kaklase pa pala sila, Isang mahiyaing lalaki na hindi nya alam kung bakit first day of school eh parang punong-puno ang bag.

        Recess noon, kumakain sila ni Ellie sa loob ng classroom. Gaya ng typical highschool student, may baon sila. May isa pa silang kasama, yung lalaking mahiyain.

        "Alukin natin sya? Kanina pa sya nagbabasa, baka nagugutom na." Bulong sa kanya ni Ellie.

        "Ako na." At nilapitan ang kaklase, "Hi, gusto mo? Kanina ka pa kasi nagbabasa eh, baka lang nagugutom ka na." Nginitian nya ang lalaki. Pero patuloy pa din ito sa pagbasa.

        "Ang sungit mo naman." Nakangusong sabi ni Missy.

        "Ay, baka bingi?" Bulong sa kanya ni Ellie, nakalapit na pala ito sa kanya.

        "Hindi naman siguro, baka hindi lang tayo narinig." Tumango naman ito sa kanya. "Huy, ano bang pangalan mo? Malapit ng tumunog ang bell, kain ka kahit kaunti lang. Para hindi ka magutom." Pangungulit nya rito. Pero para syang hangin na hindi man lang nito tinapunan ng tingin.

         Isang linggo din siguro syang nangungulit dito tuwing recess, pero talagang matibay ito. 

         "Missy, hayaan mo na. Ayaw ka yata nyang maging kaibigan." Hinila na sya ni Ellie, lunch break noon at nasa quadrangle sila. Nasa ilalim ito ng puno at nagbabasa ng librong paborito ata nito.

         "Hindi ako kakain hangga't hindi mo ko kinakausap!" Sigaw nya sa lalaking nasa harap. Dala ng pagkagulat, nalaglag ni Ellie ang lunch box nito. Pati ang mga naglalarong lalaki ay napatingin sa kanya. Halos lahat ng naroon ay napalingon sa gawi nya, "Narinig mo yon? Simula ngayon, hindi ako magrerecess at lunch break! Hangga't hindi mo ko kinakausap!!!" At nagmamadaling umalis.

        Ng lingunin nya ito, nakita nyang nakatingin ito sa kanya. At binigyan nya ng katakot-takot na irap.

        Halos tatlong araw din na ganoon ang sitwasyon sya school. Hindi sya nagrerecess at lunchbreak, kaya ang perang binibigay sa kanya ng Mommy nya. Iniipon na lamang nya.

        "Gutom na gutom na ko." Lunch break noon, nasa isang bench sila ni Ellie at pinapanuod nya lang itong kumain.

        "Ikaw kasi eh, kung bakit kasi sinabi mo pa iyon. Oh halika sumalo ka na sakin." Alok nito.

Ang Boyfriend kong BaduyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon