Four

106 1 0
                                    

NAGISING ako ng matamaan ako ng sinag ng araw. Tiningnan ko naman agad yung phone ko. It's 8:00 in the morning.

Tumayo agad ako sa kama at pumuntang cr para maligo at mag toothbrush.

Pagkatapos ko maligo ay bumaba na agad ako. Naabutan ko si Nana na nagluluto.

"Good Morning Nana Linda" bati ko sa kanya. Nagulat naman siya ng makita ako.

"O iha bakit gising kana? Wala namang pasok ngayon ah? "tanong niya.

"Maaga po kasi ako natulog kagabi. " sagot ko sa kanya.

"Osiya, kumain kana at nagluto ako" sabi ni nana. Nagpasalamat ako kay nana at nagsimula ng kumain. Pagkatapos ko kumain ay nagpahinga ako ng konti sa sofa.

Tiningnan ko muna kung anong oras na. 01:10 palang naman kaya umakyat na akong kwarto at nagsocial media.

Pinindot ko muna ang log in at nagtype ng email at password and poof! Log in na ako sa facebook.

As expected, maraming friend request and messages pero una ko munang binuksan ang notification.

'Cryde Santos is in a relationship with Aliena Madrigal.'

Biglang huminto ang mundo ko.

Bakit ang sakit? Bakit hindi ko parin matanggap? Bakit hanggang ngayon apektado parin ako?

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Pinagdikit ko ang tuhod ko at duon ipinagpatuloy ang pagiyak.

--SIBLEY--
Hi! Ako nga pala si Sibley Martins 16 years old at first time kong mag pov dito! Kaya susulitin ko na.

Anyway, aalis pala kami ngayon ni Hatice na aking twin sister, dadalawin namin ang pinakamamahal naming kaibigan na si Jia.

Pagkalabas namin ng pinto ay sumakay na agad kami ng trycicle. Wala kasi yung sasakyan gamit ng mommy ko.

Pagkababa namin ng trycicle ay bumaba na kami at bumaba. Dumiretso agad kami sa bahay nila Jia. Tinanong namin si Nana Linda.

"Nana nasaan po si Jia? "tanong ni Hatice.

"Oh mga ineng kayo pala. Nanduon siya sa kwarto niya. Puntahan niyo nalang. "sabi ni nana at nagpasalamat kami bago umakyat sa kwarto niya.

Pagkabukas namin ng kwarto niya ay nakita namin siyang nakaupo sa kama...............umiiyak. Tumakbo kami agad sa kanya.

"Anong nangyari sayo?"tanong ko. Tiningnan ko si Hatice. Nakatingin siya sa laptop ni Jia. Tumingin din ako.

'Cryde Santos is in a relationship with Aliena Madrigal'

Tumingin ulit kami ngayon sa kanya. Pinaharap namin siya. Itinaas niya ang kanyang ulo.

"Bakit ganto parin? Matagal ng wala yun diba? Bakit ang sakit sakit parin?"umiiyak niyang tanong.

"Shhh, tahan na"pagpapatahan namin.

Nang tumahan na siya ay pinaharap ko siya sakin.

"Mahal mo pa ba siya?"

Nanahimik siya saglit.

"H-hindi..... Hindi ko alam....."

"Kailangan mong alamin, para rin sa ikabubuti mo yun." sabi ko.

Tumahimik kami saglit at may nagsalita.

"Diba may party kayong pupuntahan ni Gale ngayon? " tanong ni Hatice.

Nanlaki ang mga mata niya.

"A-anong oras na? "tanong niya.

--JIANA KAITH--
"A-anong oras na? " tanong ko.

Accidentally In Love With My Gay Bestfriend (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon