Araw na isinulat: Setyembre 12, 2017
Ang unang lalaking inibig ko
Sa unang beses na nadapa ako
Ikaw ang nandiyan upang ako'y itayo mo
Sa unang beses na nalungkot ang puso ko
Ikaw ang nandiyan upang pagaanin ang nararamdaman koGabi ko ang araw at araw naman ang iyong gabi
Kung kaya't, nasanay ako na palaging nasa iyong tabi
"Sasama ako", sambit ng aking mga labi
Nagsawa ka bang ako'y bitbit mo palagi?Sa aki'y ipinadama mo ang tunay na kaligayahan
Ako'y hindi mo pinabayaan
Ako'y hindi mo iniwan
Ako'y buong puso at tapang mong ipinaglabanNaging maganda kang halimbawa sa iba
Ako'y labis mo lang na napahanga
Siguro kung sa tabi ko'y wala ka
Hindi ko malalaman ang mali sa tamaIsang umaga, minulat ko ang aking mga mata
Hinanap kaagad kita
Pinakiusapan akong maghanda na raw sa pagpasok sa paaralan habang hinihintay kita
May sumagot ng tawag sa telepono at sa aki'y ayaw nilang ipaalam ang natanggap na balitaMahal mo ako pero bakit ka lumisan
Habang ikaw ay nakahimlay, ang tanging nakita ko na lang ay ang pulbos na bumabalot sa buo mong mukha at ang namamahinga mo ng katawan
Sa sobrang sakit na aking nadama, sa pag- iyak ay hindi ko magawang tumahan
Sa mga panahong iyon, may isang katanungan na gumugulo sa aming mga isipan
Ama, bakit mo kami iniwan?P. S. Happy Father's Day, Papa and to all the fathers out there! Thank you & Jesus loves You! 🙏👆💙
YOU ARE READING
Love: Make or break?
Poésie"Ako'y tutula Mahabang- haba Ako'y uupo Tapos na po". This is a compilation of my poems about love reminding you that it can either make or break you in showing it to the people important to you.