A//n:
Yo mga tropapits! Sorry kung magulo ah? First story ko kasi to. Anyway enjoy reading!Prae's POV
Nagising ako na sobrang sakit ang ulo, kaya dahan dahan lamang ang pag mulat ko sa mga mata ko. Sinubukan kong umupo at nang magawa ko yun, naramdaman ko ang sakit sa pagitan ng mga hita ko, hindi lang sa pagitan ng hita ko kundi buong katawan ko. Baket ang sakit ng buong katawan ko?
Tatayo na sana ako nang may naramdaman akong nakadantay saken, pag lingon ko ay may lalaki akong katabi.
WHAT?! MAY LALAKI?!
Nilingon ko ito at laking gulat ko na wala itong saplot, napatingin din ako sa katawan ko at nakita kong kagaya ng lalaking 'to nakahubad din ako. Anong nangyari kagabi? Wtf?!
Habang pilit kong inaalala ang nangyari ay gumalaw tong katabi ko kaya napa kislot ako. Hindi niya ko pwedeng maabutan dito pag gising niya!
Dahan dahan kong tinanggal yung paa niya na nakadantay sakin ng magawa ko ay dali dali kong hinanap yung mga damit ko.
Fuck! Di ko makita yung panty ko! Napalingon ako dun sa lalaki tapos biglang gumalaw yon kaya sinuot ko nalang yung mga damit ko. Kahit wala ng panty bahala na!
Sumakay ako dun sa private elevator tapos pinindot yung 1st floor, sumandal ako at pilit inaalala yung nangyari kagabi.
Niloko ako ng hayup na Harold na yon
Ngumawa
Nag bar
Uminom ng bloody mary
Sumayaw sa gitna ng dance floor
Nakasayaw ko yung lalaki kanina
Tapos tapos---
Tang ina di ko na maalala yung nangyari! Anong kagagahan na naman tong ginawa ko?!
Nang makarating sa 1st floor ay nag madali akong lumabas at tumawag ng taxi kaya tapos nagpahatid sa apartment ko. Habang nasa taxi di ko maiwasang mapa iyak.
Niloko ako ni Harold, gago siya! Porke ba mataba ako dapat na akong lokohin ng ganun? Dapat na ba ako pagsabihan ng masasakit na salita? Tang ina akala ko iba siya pero siya pa pala tong gagago sakin ng ganto. Tapos binigay ko yung V-card ko sa isang stranger! Baka mamaya may sakit pa yon tapos mahawa ako! Wag naman sana Lord!
"A-ahm miss nandito na po tayo" pag tingin ko sa bintana nandito na nga ako sa apartment ko.
"E-eto five hundred kuya oh. Sayo na yung sukli"
"Salamat miss!" nginitian ko nalang si kuya sabay pumasok sa apartment ko. Deretso sa kama at umiyak ng umiyak tang inang buhay talaga to oh oh.
———
Narinig kong nag riring yung cellphone ko kaya nagising ako. Nakatulog pala ako sa kakaiyak ng hindi ko namamalayan. Pag tingin ko sa phone ko tumatawag yung bestfriend ko. Si Natalie. Dali dali ko itong sinagot, ayaw pa naman neto ng naghihintay
"H-hello" sabi ko habang kinukusot kusot ang mga mata ko.
"Hoy gaga ka anyare sayo? Kanina pa ko tawag ng tawag" tila naiinis na sabi niya.
"Kagigising ko lang teh. Nakatulog ako kakaiyak eh"
"Anyare ba? Mag kwento kang bulbol ka" napatawa nalang ako sa sinabi niya
"Punta nalang ako dyan mamaya mag kukwento ako. Kain lang ako tapos maliligo"
"K. Dalian mo ah?! Ingat ka"
"Oo na bye." binabaan ko agad to ng tawag dahil malamang hindi kami matatapos kapag hindi ko pa binaba. Sinabihan pa ko ng ingat eh magkalapit lang bahay namin. Gagang to.
Kagaya ko mataba rin si Natalie malaki rin ang dalawang bundok niya kaya lalo siyang nagmumukhang malaki kagaya ko. Lagi rin kaming inaasar at pinagchichismissan ng mga tao at kapit bahay namin pero madalas dinededma nalang namin yon. 23 na siya habang ako naman ay 22. Medyo matangkad rin siya sakin dahil 5'6 siya habang ako ay 5'5 lang.
Nagluto muna ako at kumain bago maligo tapos nag ayos. Suklay pulbo at liptint lang ready to go na ko. Nilock ko muna yung apartment ko bago ako umalis. Aba kahit walang makukuha dyan kailangan pa ring ilock no!
Naglakad ako papunta sa bahay ni Natalie tapos dere-deretsong pumasok sa loob, feel at home eh HAHAHA.
"Baks? Dito na me" pasigaw kong sabi. Nakita ko siyang nanunuod ng movie tapos may hawak na popcorn. "Enge" dagdag ko pa sabay kuha sa popcorn nya.
Tinignan lang niya ako. "Hawak mo na eh, may magagawa pa ba ko?"
Umupo ako sa tabi niya, pinapatay ko sa kanya yung TV tapos nag simula ng mag kwento. Kinuwento ko sa kanya lahat, as in lahat lahat.
"What?! Niloko ka ng gagong Harold na yon?!" tumango lang ako sabay tumulo yung luha ko. Niyakap lang niya ako hanggang sa tumahan ako.
"Nako bakla, kung ako sayo wag mong pag aksayahan ng luha yung ex mong gago, pero teka" napatingin naman ako sa kanya.
"Baket?" tanong ko
"Hindi ka na virgin?!" Kunot noong tanong niya.
"O-oo b-baks"
"Puta! After 22 years nadiligan na rin yang petsay mo!" pumapalakpak na sabi niya
"Gago!" Natawa nalang ako sa sinabi niya. Gaga talaga to kahit kelan.
"Akala ko baks kukulubot nalang yan at di mo papadiligan eh" the heck?!
"Wtf?! Tarantado! Hahaha" tawa ako ng tawa sa sinasabi niya, minsan napapaisip ako kung pano ko naging kaibigan to eh.
Nagkwentuhan lang kami ng kwentuhan. Pati itsura nung lalaking naka dilig sakin este naka talik ko sinabi ko pa sa kanya eh. Kilig na kilig naman ang loka.
Kapag kasama ko talaga to nakakalimutan ko na malungkot ako eh, tama siya. Dapat di ko na iniiyakan yung taong dumurog sa puso ko. Oo nga masakit yung ginawa niya pero hindi naman tama na habang buhay kong dalhin yun.
✔