Chapter Eight: Him?

8.3K 111 0
                                    

Isang linggo na ng may mangyari samin ni tyron. Isang linggo na din akong hindi pumapasok sa bar para lang hindi siya makita. Gusto ko ng umiwas sakanya. Siguro tama na yung isang gabing pinag saluhan namin. Nakuha na naman na niya yung gusto niya sakin kaya wala ng dahilan para lapitan niya pa ako..

"Ashh ang tanga tanga mo kasi ehh!! Ba't kasi hindi ka nag isip ng gabing iyon!!" sigaw ko habang sinasambunutan ang sariling buhok. Bigla namang may tumulong tubig sa pisngi ko ng maalala ko kung paano niya ako pasukin ng gabing iyon. Kung paano niya biglain ang pag pasok niya sakin.

"So ang tingin niya pala sakin di na virgin?! Bakit dahil nag ta-trabaho ako sa bar?! Ganun ba kababa ang tingin niya sakin?!!" sigaw na sabi ko habang panay ang tulo ng luha ko.

Shit!! Ba't ba ako umiiyak dahil sa lalaking iyon?!! Hindi dapat ako umiiyak ng ganito!! Hindi dapat.....

"Dapat makita niyang hindi ako affected sa nangyari samin.. Tama ayun nga dapat ang gawin ko..." bulong ko sa sarili ko habang inaayos ang sarili ko..

*KNOCK* *KNOCK*

Bigla naman ako napatingin sa pinto. Kahit na kinakahan ay pinilit ko paring pumunta sa bintana para tignan kung sino yung tao sa labas.

"Hoy ann LUMABAS KA RIYAN!! ILANG BUWAN KA NG HINDI NAG BABAYAD NG RENTA, ABAY GUSTO MO YATANG PALAYASIN KITA RITO!!" malakas na sigaw ni Aleng mareng. Marami na ring tao ang nakiki tsismis kung ano bang nangyayari..

"AHMM!! MAG BABAYAD DIN PO AKO SAINYO ALING MARENG!!" malakas na anas ko din sa kanya. Dalawang buwan na kasi akong hindi nakakabayad dahil laging napupunta sa pang tuition fee ni Jason. Siya ang step brother ko sa ama nakatira siya sa ina niya. Gusto man niyang doon ako tumira humindi ako. Ayoko maging pabigat pa sa ibang tao..

"ABA'Y LUMAYAS KA RITO KUNG HINDI KA MAG BABAYAD NGAYON!! LUMAYAS KA!!" sabi nito habang kinakampay ang kamay. Siguro tinatawag nito ang mga tauhan nito..

"Aleng mareng naman please mag BABAYAD naman po ako eh!" sabi ko habang nag mamaka-awa sakanya.

"Ohh aleng mareng ano pong nangyayari dito? Tsaka bakit nila nilalabas ang gamit ng ate Ann ko?!!" sabi ng kakadating lang na si jefferson. Ang step brother ko.

"Aba'y ilang buwan na hindi na kakabayad ang ate mo ng renta. Aba'y malulugi ako sa ginagawa ng ate mo eh!!" palayaw na sabi ni aleng mareng. Bigla namang napatingin sakin si jefferson.. Parang nag Tatanong ang mga mata nito habang taimtim na nakatitig sakin.

"Aleng mareng naman.. Please.... Nag mamaka-awa na ako sainyo. Mag babayad din naman po ako eh!" sabi ko habang naluluha na. Shit naman oh... Paano na ako nito kung hindi pumayag si aleng mareng? San ako nito pupulutin sa kangkungan? Badtrip naman!!

"Hala sige, ilabas na ang mga gamit niyan!!" sabi ni aleng mareng sabay lakad paalis. Arghh!! Kainis naman ohh.. Susundan ko pa sana si aleng mareng para sana humingi pa ng one chance kahit na hanggang bukas na lang yung bayad ko kaso bigla akong hinila ni jefferson..

"Bakit hindi mo sakin sinabing hindi ka pa nakakabayad ng renta mo ate?!! Edi sana hindi ko na tinanggap ang perang binigay mo sakin para sa pang tuition ko!! Hindi ka ba nag iisip ate! Ako may matitirahan eh ikaw?!! San ka titira sa kalsada!!" mahinahon pero madiing sabi nito. Napayuko naman ako sa sinabi niya. Alam kung mali ang ginawa ko.. Pero para rin naman sakanya yun ehh.. Kaya nga ta-trabaho ako para sa pag aaral niya. Ayoko magaya siya sakin..

"Ako ng bahala doon!! Wag ka nang mag alala kay ate ha!! Tsaka doon na muna ako kila Danilla.. Ang intindihin mo yung pag aaral mo!!" sabi ko sabay yakap sakanya.. Bigla namang tumulo yung luha ko. Pinunasan ko din yun agad at kumalas na sa yakap namin.

"Sige na umuwi ka na!!" nakangiti kung sabi sakanya. Nag aalangan man ay umalis na din siya agad..

"San na ako nito pupunta?" bulong ko sa sarili ko.. Habang nag lalakad at hawak hawak ang mga bag na nag malaman ng mga gamit ko.. Gabi na rin kasi at hanggang ngayon wala pa akong maisip kung saan ako makiki tuloy pansamantala

*BEEP* *BEEP*

Bigla naman akong na pa tingin sa car na nag bubusina sakin. Hindi ko makita yung nasa loob kasi naka bukas yung ilaw sa harap ng kotse niya. Pero kahit di siya lumabas alam kung si tyron iyon..

A/N: That's it..
Comment and Vote Mga beberose :)

Marko Tyron Thomson III [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon