Episode 1 PART 5 #STORM

65 0 0
                                    

#STORM

STORM POV

Bilang isang Mondroadou ay hindi normal at madali, lahat ng atensyon nang nasa paligid mo ay na sa'yo, para bang wala ng privacy ang buhay mo, 'yong kahit saan ka magpunta, kilalang-kilala ka.

"Hi Storm!"

Bati sa'kin ng mga babaeng nakakasalubong ko, ni 'di ko man lang sila mangitian o kahit simpleng tango lang. Minsan gusto ko gawin ang mga bagay na gusto ko, tulad na lang ng nakakalakad ako sa daan na walang sinumang nakakakilala sa'kin.

Buhay nga naman, minsan hindi patas... Naalala ko no'ng bata pa ako, wala akong ibang gustong gawin kundi ang makipaglaro, although okey naman kina Daddy para daw ma-enjoy ko buhay ko, ang reason niya gawin ko ang gusto ko, pero walang nakikipaglaro sa'kin kasi sa kadahilanang isa akong Mondroadou

"Gezzzz ba't ang tagal ni Victoria."

Si Victoria Lee ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin si Steven, ngunit 'yong isa sa 'di mo malamang dahilan ay lagi nitong sinasaktan si Victoria, he always date with a different woman then break up with them.

Mahigit isang oras na akong naghihintay kay Victoria Lee, matagal na itong kakilala nang pamilya namin, at dahil dati itong kaibigan ni Steven ay naging kaibigan ko na din siya. Pero sa 'di maintindihang dahilan, nang mag dalaga at binata si Victoria at Steven ay naging malayo sila sa isa't isa.

Simula no'ng bumalik galing Paris si Steven ay naging malayo na ang loob nito kay Victoria kaya naman naging malapit ito sa akin. madalas kasi itong iniiwasan ni Steven, kaya naman kami ang naging malapit sa isa't isa.

Sa kakahintay ko may mga studyanteng naglalakad na ang iingay at panay ang tawanan. Nakatalikod ako sa mga ito kaya 'di ko sila nakikita kung saan papunta, pero sa tantya ko ay mga naglalakad papalapit sa akin.

"Hi Storm!"

Bati sa akin ng tatlong babae na may kilig pa, maliban sa isa na umagaw sa aking pansin, para itong walang nakita nang dumaan sa tabi ko, samantalang ang mga kasama niya ay kilig na kilig.

"Ang gwapo niya 'di ba?"

Halos mangisay pa na sabi no'ng kasama niya, samantalang siya deadma lang.

"Galing no'n ah, deadma lang?"

Natanong ko na lang sa sarili, kasi sa lahat ng babae sa lugar na 'to siya lang ang babaeng deadma nang makita ako.

"Storm!"

Napalingon ako sa tumawag sa'kin, napangiti ako nang makita ko siya, si Victoria Lee, Steven's childhood sweet heart.

Ang 'di ko maintindihan ba't nilalayo niya ang sarili niya kay Victoria. I know Victoria really loves this Casanova, but this stupid person always ignores her and her feelings for him.

"Hi"

Maiksing tugon ko, may sasabihin pa sana siya ngunit napatigil siya nang makita niya ang gropo ng mga babaeng naglalakad.

"Wait" aniya sa akin "Isiah!" Pagtawag niya sa gropo ng kababaihan, napalingon naman ang mga ito at huminto. Hinila ako ni Victoria papalapit sa kanila, gusto ko tumanggi pero nahila na niya ako.

Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon