Simula

71 2 2
                                    

"Bruha tignan mo grabe kinabog nung bata ang hinaharap ko kaloka" napalingon ako ng mapansing walang sumagot sakin. Nasan na ba yon bigla biglang nawawala kanina katabi ko lang mag sun baiting nawala agad ang bruha.

"Claaa! Asan ka" tawag ko ng may biglang tumulak sakin sa pool.

"Raveeeeen!!!" Galit na sigaw ko sa lalaking tumulak sakin kahit kailan talaga walangya to eh pero napatigil ako ng mapatingin ako sa katawan nya pababa takte bakit ba may pandesal to. Tinulak sya ni clarisse palayo.

"You're an ass epal ka talaga! Lage mo nalang pinagtitripan si purity" Pabirong galit nito sa pinsan nya na ikinatawa naman nito bago naglakad palayo.

"Oh yah nice ass" tango tango kong sabi habang nakatingin sa matambok na pwet nito.

"Ang laway punas punas tumutulo na aba" pabirong punas ni cla sa gilid ng labi ko na bigla ko naman tinanggal.

"Oyy asa tulo laway ka dyan! Ni hindi ko nga tinitignan yang monggi na yan kala mo gwapo" tanggi ko habang nakatingin sa paalis na si raven. Humalakhak ito.

"Kow neknek mo bruha ka talaga di tulo laway di gwapo makatitig ka kala mo nagyuyugyugan na kayo sa kama"

Napatawa ko "Bunganga mo!" Oo na inaamin ko gwapo sya may saltik nga lang. Sinabuyan ko sya ng tubig mula sa pool dahilan para magsisigaw sya.

"Ano mangaasar ka pa! O baka naman gusto mo lang din magpapansin kay .." tumingin ako ng may ngiting pangasar sa sala nila kung san tanaw mula sa mga salamin sila raven kasama sila carlos na kaibigan nito "Car...uhmmmm!" Sigaw ko ng biglang takpan ni cla yung bibig ko.

"Hindi na wag kang maingay!" Namumulang sabi nya.. di ko naman sasabihin yon inaasar ko lang sya ganti ganti hahaha

"Pikon! ang aking tropa inlove na sa isang matinik na fafa" sabay kaming natawa bago binato nya ko ng tsinelas

"Baliw ka talaga! Tara na nga sa loob nakahain na yung tanghalian" napangiti ako basta pagkain gusto ko yan tiyak na masarap na naman ang hinain ni manang.

"Takaw mo talaga di ka naman nataba ako tignan mo tong tiyan ko ang laki konting kain lumolobo magdidiet pa talaga ko" disididong sagot nito habang hawak yung tiyan nya.

"Sige balitaan mo ko pag totoo na yan" tumatawa kong sagot. Di naman kasi talaga katabaan si cla sadyang napaka self concious lang jusko di ko kakayanin ang ginagawa nitong pag didiet papak ulam lang baka mahimatay na ko sa gutom kaloka
"tsaka wag ka na nga magiipit ng ganyan mukha kang papaya" hinampas nya ko totoo naman kasi habang akoy tawang tawa haha

"Salbahe ka! Pero totoo nga pansin ko din laki kasi ng ulo ko kasalanan to ng lumalangoy na may malaking ulo na sperm ni daddy dahil yun ang pumasok sa itlog ni mommy" nakitawa nyang sagot. Minsan may saltik din talaga tong babae na to kung ano ano lumalabas sa bibig.

Pagpasok namin sa loob ay bumungad sila raven na busy sa pagluluto dahil nagpapractice sila ng putahe na iprepresent nila para sa food festival. HRM kasi ang mga kinikuha nilang kurso nanuot ang amoy ng niluluto nila sa ilong ko at talagang amoy palang ulam na.

"Tikman nyo nga kung tama na yung lasa" tawag ni carlos habang may hawak na kutsara.

"Tikman mo daw" siniko ko sya. Syempre pagkakataon na nya para dumamoves wag ng palampasin sabi nga nila when there is a chance grab it. Lumapit naman ito at sinubo yung bigay ni carlos. Kunwari pa serious na sumubo at ngumunguya pero sa loob loob kinikilig na yan.

"Uhmmm masarap" sagot nito bago ako lumapit at nakitikim.

"kilig ang tumbong" bulong ko na ikinatawa nya. Napatingin ako kay raven mula ulo hanggang paa na tanging suot lamang ay boxer shorts pero kahit ganon angat parin ang kagwapuhan nito, nagangat ulit ako ng tingin, bakit kailangan kasi habang nagluluto nakahubad kala mo nangaakit. "Naaakit ka naman" sabi ng malandi kong utak. Di kaya medyo medyo lang.

Sabay sabay kaming napalingon ng dumating sa kusina si manang celya.

"Mga hija, hijo magsikain na kayo lalamig na yung hinanda ko" magkakasama kaming pumunta at umupo na sa mga kanya kanya naming pwesto. Syempre dahil gutom kami at una na ko don wala ng patumpik tumpik pa at chibog agad. Nakakatuwa lang kasi sinasalinan ako ng pagkain ni harren feeling ko tuloy prinsesa ko.

"Salamat" ngiti ko na ginantihan nya din ng isang ngiti.

"Ikaw pa babygirl takaw mo talaga" kinurot nya yung pisngi ko. Mula bata magkaibigan na kami di ko din alam basta naging magkasundo nalang kami sa maraming bagay.

"Eto masarap to" napalingon ako kay raven na ngiting aso kala mo ulol habang sinasalinan ako ng paborito kong sinigang ng may pagtataka.

"May sapi ka ba?" Natawa sila. Ngumiti lang to may iba talaga ih. habang sinipa naman ni cla yung paa ko aba daig pa ko nauna pang kinilig ang bruha.

Agad kong niluwa yung sinubo ko at naubo, inabutan ako ng tubig ni raven pero tinabig ko to buti nalang agad akong inabutan ng tubig ni cla habang naluluha sa sobrang anghang at alat. Napahawak ako sa dibdib ko dahil nararamdaman ko ang pagsikip nito dahil allergy ako sa kahit anong sobra sa anghang at nagsisimula na kong mahirapan huminga. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Ano masaya ka na? Pwede ba kung wala kang magawa o bored ka sa buhay mo wag ka ng mandamay!" inis kong sabi habang umiiyak "wala ka ng ginawa kundi pagtripan ako raven sobra na di ka na nakakatuwa"

Tahimik akong nakatingin sa langit habang nakababad yung paa ko sa pool at iniisip bakit nga ba ganon sakin sa raven?. Wala naman akong matandaan na kasalanan ko para lage nya kong pagtripan. Napatingin ako sa dalawang paang kahit di ko tignan kilala ko kung sino na bumabad din sa pool pero hindi ko ito nililingon.

"Purity"

When You Were HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon