Chapter 3: Present Life

5 0 0
                                    

Alarm ringing.....
6:30 am

Napabalikwas ako ng bangon ng biglang mag alarm ang clock. It is just a normal day again. Dumeretcho na agad ako sa cr para makaligo at makapaghanda na para pumasok sa school. Nagmadali akong magbihis at nagayos ng itsura habang nakatapat sa salamin.Tinitigan ko ang repleksyon ko sa salamin at napangiti. Im not the old Stephany that they knew na chubby and old fashion. Ngayon iba na, kase meron na akong mahahabang buhok at pilikmata,mala porselanang kulay,rosy cheeks at ang kinaiinggitan ng lahat ay ang maganda at tamang pangangatawan ko. Pero meron paring hindi nagbago sa akin, yun ay ang pagkagusto ko kay Marcus.

Im already a grade 12 student and I take an ABM course but guess what?sa St. Xaviers Uiversity parin ako nag aaral. After what happened in my childhood life Im still in that damn university hahaha but not as a weak girl. Because after elementary days, no one can dares to bully me. I don't know what happened pero ang alam ko lang masaya ako kasi wala ng may balak na ibully ako.

Pagbaba ko ng hagdan ay sinalubong na agad ako ni mom at dad. Hinalikan nila ako sa noo at inakap.

"Good morning baby." Bati sa akin ni mom at pinaupo ako sa tabi nya para makakain ng breakfast.

"How's your school?" Tanong ni dad. Wala namang problema sakin kung magtanong sila tungkol sa acads because I'm confident sa mga isasagot ko kasi hindi ko pinapabayaan ang pagaaral ko.

"Syempre dad ganun parin po kasi di ko naman po pinapabayaan ang pag-aaral ko."

"Then good." Nakangiting sabi ni dad sa akin.

"Naguusap parin ba kayo ni Marcus? napansin kasi namin ni dad mo nung pumunta sila dito eh...hindi kayo nagpapansinan. What happened?"

Bahagyang napatingin ako kay mom dahil sa sinabi nya.Nagkaroon kasi kami ng hindi pagkakaunawaan ni Marcus,ewan ko ba dun sa lalaking 'yun may pagka wierdo. Minsan mabait tapos minsan masungit at bigla nalang hindi namamansin.

"Ahh... mom let's talk about this next time papasok na po ako baka malate po ako eh hahaha." Pag iiba ko ng usapan kay mom hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Alam ko naman kasing paguusapan nanaman nila mom at tito Dave Garcia ang tungkol sa amin ni marcus. Ang akala kasi nila sobra kaming close pero di nila alam na hindi kami masyadong nagpapansinan. Actually ako lang naman ang nagpapapansin sa kanya eh kaso wala eh ayaw nya kong pansinin kahit anong gawin ko.

"Oh! hahaha I forgot baby sige pumasok kana."

"Bye mom. Bye dad!" Sabi ko at hinalikan sila sa pisngi. Lumabas na ko sa bahay at dumeretcho sa sasakyan.

"Good morning ma'am Steph."sabi ng driver namin na si Kuya Gabb. Nginitian ko lamang sya at pumasok na sa sasakyan.

Paalis na kami ng mag vibrate ang phone ko. Nag text si Cath na kaibigan ko since first year high. Sila lang ang naging close at nakasama ko ni Aldrin. Pati si Marcus pero ako lang talaga ang di ganon ka close sa kanya dahil di naman nya ako pinapansin.

From: Cath
Hey Steph! where are you? kanina ka pa namin hinihintay dito malapit sa field.

Sabi ko na nga ba pagagalitan nanaman ako neto. Daig pa sila mom kung magalit sa akin lalo na pag late ako sa usapan namin. tadtad nanaman ako sa kakadakdak neto mamaya. Hindi ko nalang sya sinagot dahil alam ko namang malapit narin kami sa school.

Pagkadating na pagkadating ko sa loob ng campus dumeretcho na agad ako malapit sa field para puntahan sila cath.

"Jusko Steph pano ka ba gumalaw ha at lagi ka nalang late pumasok?" Iritang saad ni Cath pagkakita sa akin. Tinawanan ko naman sya sa inasta nya.

"Bakit ba sa tuwing ako lagi ang nakikita mo eh lagi kang galit? Daig mo pa sila mommy at daddy ah."

"Eh lokaret ka pala eh! ikaw ba namang laging late pumasok sinong di maiinis sayo." Linapitan ko naman sya at ngumingiting yinakap sya.

"Grabe ang sungit mo talaga. Lagi ka nalang pikon hahaha pero pag ikaw nangaasar kalakas mo."

Inirapan lang ako neto at hinila na paalis doon.Nagpipigil naman ng tawa si Aj sa tabi ko habang wala namang reaksyon ang muka nung isa. As usual sino pa ba eh di si Marcus.

Nasa hallway na kami malapit sa room ng biglang sumulpot si Gale sa gilid ni Marcus. Napatingin ako sa gilid ko at bahagyang nangiti ng makita ko ang itsura ni Cath na animoy nandidiri kay gale.

"Hi Marcus." Maarteng saad nito. Akala mo kagandahan napuno lang naman ng make up ang muka.

Ewan ko ba magmula nung nakainkwentro ko siya noong bata kami eh lagi nang kumukulo ang dugo ko sa kanya.

"Hi Gale how are you?" Nainis naman ako ng ngumiti si marcus sa kanya.

Kahit kelan talaga pag sya ang kausap laging nakangiti pero 'pag ako laging galit o 'di kaya ay walang emosyon. Minsan gusto ko na tuloy manapak ng tao eh napaka unfair nya. Akala mong hindi manlang akong itinuring na kaibigan nya kahit minsan.

"I'm totally fine because I already saw you." Natawa pa ito sa sinabi nya kaya napairap nalang ako.

"Guys can you please stop that nonsense talk? Were going to be late." Saad ni Aj na mahahalata mong may pagkairita sa boses nito. Alam kong ayaw na ayaw rin nya si gale dahil halata mo naman agad na ma attitude ito.

Nagpaalam na si marcus at dere deretchong pumunta na sa room kasabay kami. Medyo maingay ang room ng nadatnan namin pero hinayaan nalang namin at pumunta na sa kanya kanya naming upuan. Magkakatabi lang din kami kumbaga sa left side ko si Cath at sa right side ko ay si Aj katabi naman nya si Marcus.

Isinalpak ko nalang yung earphone ko at nagpatugtog habang hinihintay namin yung teacher namin na dumating.

Minsan napapaisip ako na ako kaya, kaylan kaya ako mapapansin ni marcus tulad nang kay gale? Mamahalin din kaya nya ako higit pa sa kaibigan lang? Minsan natatawa ako pag naiisip ko yun kasi halata namang hindi mangyayare yun.  Ngayon na ngalang parang lagi nalang syang naiirita 'pag kausap ako eh.

Napatigil naman ako sa pagmumuni ng dumating ang teacher namin at humarap sa amin na may ngiti sa labi.

***

Hindi ako satisfied sa gawa ko pero gagalingan ko pa para sa inyo😊😄

Don't forget to vote, Comment and follow guys!😉😊

Lovelots!!😍😘


IILCF💕

I'm In Love with my Childhood FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon