Pagka dating ko palang sa bahay ay sinalubong na agad ako nila Mom. Nagtataka ako kasi lahat ng mga katulong sa bahay ay nagaayos. Wala naman akong matandaan na may okasyon ngayon kaya naisipan kong tanungin si mom habang inuutusan nya si ate Jane.
"Mom, what's happening here? wala naman akong matandaan na may okasyon ngayon dito sa bahay?"
"Ah... We will be having a business meeting here with your tito Dave so... napagisipan namin ng Dad mo na dito nalang din mag dinner sila Dave with his family." Sagot ni mom sa akin.
Bigla naman akong napaisip sa sinabi ni mom. So If tito Dave will be having dinner with us with his family so it means...kasama si Marcus? OMG im so excited! Naiisip ko palang na makikita at makakasama ko nanaman sya ay nagdidiwang na agad ako sa isip ko.
"It seems that you're too excited for our dinner later sweety? Don't be too obvious." Mom said while laughing.
I turn my head to my mom after what she've said to me. Bigla akong nahiya dahil nahahalata pala ako.
"Ok mom. Tawagin nyo nalang po ako pag mag didinner na. Pupunta po muna ako sa room ko."hinalikan ko si siya at dumeretcho na ako paakyat papunta sa room. Napagod ako ngayong araw na to dahil narin siguro sa paglilinis namin ng office ng isang oras. Buti nalang 3 days nalang bago matapos ang parusa namin. Humiga muna ako sa kama para magpahinga lang sana pero di ko inaasahang makakatulog ako.
Nagising nalang ako ng may narinig akong kumakatok sa kwarto kaya napabangon ako bigla. Tinignan ko yung clock at nakitang 7:30 pm na pala. Gabi na ng magising ako, halos dalawa at kalahating oras din akong nakatulog kaya dumeretcho ako sa pinto para tignan kung sino yung kumakatok.
"Ma'am Steph pinapatawag na po kayo ng mommy nyo sa baba mag didinner na daw po kayo"sabi ni ate Carmina na isa din sa mga katulong dito sa bahay.
"Sige po ate Carmina susunod nalang po ako. Pakisabi nalang po kay mom na magaayos lang ako kagigising ko lang kasi."
"Sige po ma'am"
"Ok. Salamat po ate."
Nagayos ako agad para makababa na. Ayoko naman kasi yung ako pa yung hinihintay nila, hindi naman ako pa VIP kaya pagkatapos kong magayos bumaba na ako at nakita kong nakatingin silang lahat sa akin ng nakangiti pero si Marcus lang ang walang reaksyon. Lagi naman eh sanay na ko. Lumapit ako kila tito at tita para makipag beso.
"Hello Steph how are you?!" Masiglang pagsalubong sa akin ni tita Jasmin ang mommy ni Marcus
"I'm ok po tita. kayo po kamusta na po kayo?" Nakangiti kong sagot sa kanya.
Mahahalata mo sa kanya na kahit medyo may katandaan na ay muka parin itong bata dahil hindi halata sa edad nya ang itsura at pananamit nya. Simple lang syang manamit at hindi sya tulad ng ibang mga business woman na sopistikada at matataas ang tingin sa kanilang sarili. Iba si tita jasmin dahil napakabait at mapagmahal nya sa lahat, hindi rin sya nagdadalawang isip na tumulong sa iba pag may nangangaylangan ng tulong.
"Mabuting mabuti naman ako. Balita ko kay Marcus kayo daw ang representative ng class nyo para sa Mr. and Ms. Intrams. So anong plano nyo? naku bagay na bagay talaga kayo ng baby Marcus ko."
Natawa ako sa sinabi ni tita Jasmin kaya napatingin ako kay Marcus na walang gana. Halatang ayaw nyang tinatawag syang baby. Kahit sino naman kasi maiinis pag tinawag kang baby sa harap ng ibang tao lalo na ang tanda mo na. Nahihiya siguro sya kaya ganun.
"Bakit parang wala namang nasabi si Steph sa amin tungkol dyan?" Singit ni mom sa usapan namin. Oo nga pala nakalimutan kong banggitin kanina kay mom, di ko tuloy alam kung ano gagawin ko.
"Magandang pag-usapan natin yang mga yan habang kumakain tayo." Sabi ni dad kila mom at tita
Dumeretcho kami sa dinner table. Katabi ko sa gilid ko sila mom at dad at sa other side naman ng table ay sila tito Dave. Nasa tapat ko naman si Marcus kaya kitang kita ko kung ano ginagawa nya.
"So Steph ano yung sinasabi ng tita Jas mo about sa intrams nyo?" Pagtatanong ni mom.
"Ahh...about po dun mom, napili po kasi ako saka si Marcus as the representative of our class na sumali sa Mr. and Ms. intrams eh kaso po alam nyo namang ayokong sumasali sa mga pageant. Kaso po no choice ako kasi final na daw yun sabi ni ma'am." Pagpapaliwanag ko sa kanila habang kumakain.
"Etong si Marcus nga nagulat ako nang sabihin nya kanina sa amin ng dad nya na pumayag daw syang sumali. Alam ko namang di sya sumasali sa mga ganyan kaya nagtaka ako dito ewan ko kung sino ba o ano ang dahilan hahahaha."
Napatingin naman ako sa kanila ng binabawal ni Marcus ang mommy nya sa pagsasalita. Halata naman kasing nahihiya sya dahil nasa kanya lahat ng atensyon.
"So the both of you will compete. Ano na ngayon ang balak nyo?" Tanong ni dad sa aming dalawa ni marcus.
"This coming weeks after po ng class may practice po kami para sa pageant. Medyo malelate po kami ng uwi kasi malapit narin po ang intrams." Paliwanag ni Marcus kay dad na tinanguan lang nya.
"kung malelate lang din kayo ng uwi, ikaw nalang din ang maghatid kay Steph pauwi. Tutal halos magkalapit lang din ang mga bahay natin, saka para hindi mag alala ang parents ni Steph at makasiguro tayong lahat na walang mangyayare na masama sa inyo." Saad ni tito Dave. Napangiti nalang ako sa kinauupuan ko at napatingin kay Marcus na mukang tutol ito sa sinabi nang ama.
"Oo nga Marc ganun na lang." Pagsangayon nila mom at tita Jas sa sinabi ni tito Dave. Tumango nalang si Marcus kasi wala rin naman syang magagawa.
Hanggang sa tungkol sa business nalang ang pinagusapan ng mga magulang namin ni Marcus at kaming dalawa naman ay tahimik na kumakain.
BINABASA MO ANG
I'm In Love with my Childhood Friend
Teen FictionEvery person has a soft heart, most especially women. They can fall for someone in just a snap of a finger. Because just showing importance and treat them like a princess is already a big deal for them. It's not really hard for women to be attached...