Chapter 10: Cats and Dogs

2 0 0
                                    

After ng dinner dumeretcho ako dito sa may pool malapit sa garden. Tinanggal ko yung slippers ko at binabad yung paa ko sa pool. Tahimik kong pinagmamasdan yung paligid habang hinahawi yung tubig sa pool ng may nagsalita sa likuran ko.

"Do I really need to take you home every night?" Saad ni Marcus sa likuran ko na mahihimigan mo nang pagkairita kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit ako ang tinatanong mo nyan? hindi naman ako ang nag suggest nyan kaya wag ako ang kausapin mo." Sabi ko sa kanya. Imbis na masaya ako kasi akala ko okay lang sa kanya yun pala napilitan lang tsss! anong klaseng kaibigan to.

"Malamang pumayag ka eh di sana umayaw ka agad para hindi ako yung mabubulabog mo."

"Tss ako talaga ah?! makasisi ka dyan...di sana ikaw ang hindi pumayag, diba ikaw ang tinanong?! nakita at narinig mo bang nagsalita o tumango ako? diba hindi?! pero ikaw tumango ka, so its not my fault anyway!." Pabalang kong sabi sa kanya. Medyo nainis narin ako sa inasta nya para bang ako ang may dahilan at ako ang nag suggest na gawin nya yun. Ano ba'ng problema nya?

"Kung tumango nga ako kanina di sana tumanggi ka parin. Hindi ba halata na ayaw ko?."

"What is your problem?! hindi kita maintindihan...dahil lang don nagagalit kana sakin tas pupuntahan mo pa ko dito para lang awayin ako tungkol sa bagay na yan?! nananahimik ako dito tas pupunta ka sakin para lang pagsabihan ako na kesyo bakit ako pumayag, bakita di ako nagsalita na kesyo ganito ganyan! jeez!! kung ayaw mo eh di wag mo!! simple as that pero ginagawa mong bigdeal."

Marcus was speechless after what i've said to him mahahalata sa kanya ang pagkagulat. Nagulat din ako sa mga nasabi ko sa kanya kaso di ko na kinaya kaya huminga ako ng malalim at nagpipigil ng luha para lang hindi nya makita na sobra akong nasaktan sa sinabi nya at sa pinapakita nyang wala syang pake sakin.

"Why are you doing this to me? we've know each other since were young, pero ni minsan di ko naramdaman na itinuring mo ako na kaibigan mo.  All this time...akala ko kaibigan kita kasi lagi mo akong tinutulungan noon pag binubully ako o kaya lagi kang andyan pag umiiyak ako. Ikaw ang naging sandalan ko kahit alam kong hindi mo ko minsan pinapansin. Pero mali pala ang akala ko cauz you didnt even care for me and you never treated me as your friend. Ngayon alam ko na, puro awa lang pala ang pinakita mo sa akin. At pambubulabog lang pala ako sayo." Nakangisi kong sabi sa kanya at di na napigilang pumatak ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.

Napansin kong gusto akong lapitan ni Marcus pero naglakad na ako paalis. Pumunta ako sa room ko para makapagpahinga nalang. Di ko akalaing sasabog ako nang ganun, hindi ko napigilang magalit kay Marcus dahil sa pinakita nya sa akin. Nasaktan ako sa ginawa nya,parang ni minsan hindi nya ako itinuring na kaibigan para sabihin sa akin iyon. Sa tuwing kasama namin sya parang may sarili syang mundo lalo na pag ako na kausap nya lagi syang walang gana pero kapag si Gale ang kausap nya abot langit ang ngiti nya. Gustong gusto ko sya pero sobra akong nasasaktan sa mga ginagawa nya sakin.

***

(Marcus POV)

Natulala nalang ako after naming magusap ni Steph, gusto kong sapakin yung sarili ko dahil sumobra na ko sa mga pinagsasabi ko sa kanya. Alam kong mali ako kasi hindi ko sya kinausap ng mabuti tas sinigawan ko pa sya. Di ko inasahang ganun ko na pala sya nasaktan sa tuwing iiwasan o sa tuwing pabalang ako kung kausapin sya, na ni minsan di ko nagawa kila Cath at Aj o kahit kanino.

Di ko maintindihan bakit ganito ako sa kanya. Hindi ko alam bakit lagi ko syang sinusungitan kahit na wala naman syang ginagawa sa akin. Hindi ko inaasahang magagalit sya sakin ng sobra kanina at sa tingin ko sumabog na sya sa pagtitimpi sakin. Nung makita kong umiyak si Steph sa harap ko gusto ko syang lapitan at yakapin pero na duwag ako. Importante sya sakin sobra, tinuring ko syang kaibigan at kapatid pero hindi ko lang pinakita sakanya. Hindi ko alam kung bakit ayaw kong masyadong mapalapit sa kanya o kung bakit ayaw kong maging showy sa kanya, pero God knows everything how much I care for her kasi bata palang kami sya na ang nakakasama at tinutulungan ko sa lahat ng oras. Hindi kaya dahil takot ako'ng  mahulog sa kanya? Hindi ko magagawa 'yun dahil ayokong masira yung pagkakaibigan na meron kami. posible kasing mangyare yun at yun ang ayokong mangyare baka masaktan lang namin ang isa't isa. Aaminin ko na gustong gusto ko sya noong mga bata pa kami pero iba na ngayon.  Ayokong nasasaktan si Steph kaya simula palang nung mga bata kami ako na ang laging nasa tabi nya at ayoko nang maulit pa iyon.

Ako nalang ang iiwas, ayoko syang masaktan pero ayoko'ng ako rin ang maging dahilan kung bakit sya nasasaktan. Alam ko at halata na matagal nang may gusto sa akin si Steph pero binabaliwala ko kasi ayokong isiksik sa utak ko na tama yung hinala ko. Gusto ko sya pero hanggang kaibigan nalang at ayoko syang saktan kasi sobra syang importante sa akin. Pero paano ako iiwas nang hindi ko sya masasaktan? Gusto kong mag sorry sa nagawa ko ngayon pero di ko rin alam kung paano ko pa sya lalapitan after what I've said to her.

"I'm sorry Steph...I did'nt mean to hurt you and I wish that someday you'll forgive me. Mas maganda sigurong lumayo nalang ako kaysa masaktan pa kita. Don't worry I'm always here watching you and help you whenever you need me because that's how I really care for you." Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa dinaanan nya at mapait na ngumiti.

***

Done na! Abangan nalang next chapter. I hope you're still reading my story kasi ginagawa ko ang lahat para lang masatisfied kayo sa bawat UD ko.

Don't forget to vote, comment and follow guys😉😘

Lovelots!😍😘

IILCF💕

I'm In Love with my Childhood FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon