xxviii: her love story (part 2)

3.2K 32 4
                                    

Denise’s POV

Tapos na ang lunch break, pero parang apektado parin kaming tatlo sa kwento ni Carla.

Hindi ko alam na ganun pala ang mga pinagdaanan niya. Nakakalungkot lang isipin... napaka sweet ni Zayn >______< sana lahat na lang ng lalaki kagaya niya.

Di kagaya ni Dustin...

UGH!!! Iniisip ko nanaman siya. Tsk!

“Okay ka lang?” –loraine

“Ha? Ah ehhh... oo hehehe. Iniisip ko lang yung mga nangyari kay Carla.”

“Grabe no? Nakakalungkot... haaayyy...” –loraine

Ang haba naman ata ng buntong hininga nya. May pinagdadaanan? Hahaha

“Oh ikaw okay lang?”

“Oo naman... :)” –loraine

Nauna na kami sa classroom ni Loraine, nag cr lang saglit sila Carla at Ali. Hihintayin na lang namin sila dito.

“Oh ikaw naman mag kwento samin ngayon Denise! Wag yung malungkot ah!” –loraine

“Ha? Baka ikaw! Ako nga yung nagtatanong sa inyo about sa lovelife niyo diba?”

“Ha? Ang daya mo naman eh!” –loraine

“Ganun talaga! hehehe” di ko naman pwede i-share yung sakin. Di ko pwedeng sabihin na kasal na ako. At wala naman akong lovelife eh! -____-“

“Excuse me, is this 1Archi-B?”

Bigla na lang may pumasok sa room namin. Napatingin naman kaming lahat sa prof na yun.

“Yes sir!” –class president

“Oh, I just want to inform you guys that mr. de castro wont be able to come here in this class. He was rushed into the hospital a while ago.”

Lahat kami nagulat sa binalita samin. Yung iba naman natuwa kasi nga wala kaming math subject ngayon. Mga salbahe. -________-“ tsk!

“So you guys are already dismissed in this class. Paki sign na lang yung attendance sheet niyo.”

“yes sir!” –mga tuwang tuwa

Pagkalabas ng prof, nag kagulo na dun sa attendance sheet.

“Anong meron? Bat may gulo dun sa unahan?” –carla

“ahhhh... attendance sheet yun, wala kasi tayong class ngayon. Nasa hospital kasi si sir de castro.”

“ahh, kawawa naman siya. Mabait pa naman siya.” –ali

“onga ehh... pero tignan mo yung iba, tuwang tuwa pa kasi walang klase. Parang gusto pa nila yung nangyari kay sir.” –loraine

Mostly mga lalaki yung nagkakatuwaan. Tinignan ko sila isa isa. Mga nakangisi, may mga plano na kasi ata. Hay nakoooo.

“tignan mo yung mga barkada ni Dustin.” –carla

“ha?”

Tinignan ko sila like what Carla said. Iba sila dun sa mga lalaki na nag kakagulo sa harapan. Hindi sila nakisali. Wow ah! Totoo ba toh? Bat parang ang bait nila. Nag kkwentuhan lang sila....

“sus if I know, masaya din sila di lang pinapakita. Maya maya nasa harapan na yan!”

“girl, maya maya pupunta din tayo sa harap para pumirma, dont tell me gusto mo mag stay dito hanggang sa next subject natin? No way, gagala tayo no!” –loraine

Bat ba parang kinakampihan nila yung barkada ni Dustin?! Edi sila na mabait sa paningin nila!

“Oh sige na! tara na! pumirma na tayo! Basta ikaw na sunod mag k-kwento samin Loraine ah!”

My Seatmate My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon