U4

2 0 0
                                    

A//N:
Please vote pooooo😘

———

Prae's POV.

Dalawang linggo na ang nakakalipas since niloko ako ni Harold at nakuha ng isang stranger yung V ko. Medyo okay na rin pakiramdam ko, 'di na ko gaanong umiiyak unlike nung mga naunang araw. Siguro ngayon iiyak nalang ako kapag naririnig ko yung chismisan ng mga kapit-bahay namin, akala mo alam na alam nila yung buhay ko eh.

Matatapos na rin yung 3 weeks leave na hiningi ko sa trabaho, isang linggo nalang babalik na ko sa company na pinagtatrabahuhan ko. Kaya naisipan kong mag bakasyon sa bahay namin sa Baguio, siguro kahit 1 week lang ako dun mababawasan tomg stress na nararamdaman ko.

"Bakla mag iingat ka sa byahe ha?" pang ilang ulit na paalala ni Natalie sakin.

"Oo nga paulit ulit teh? Mag iinggat ako. Paki tingin tingin nalang yung bahay ko ah? Eto yung susi" nang maiabot ko na sa kanya yung susi nag paalam na kami sa isa't isa tapos nagyakapan bago ako sumakay sa bus. Hinatid niya kasi ako dito sa terminal eh.

Banayad lang yung takbo ng bus, kalaunan ay naging mabilis na ito. Napakapit ako sa upuan at napapikit. Patuloy lamang sa mabilis na takbo 'tong bus nang biglang sumigaw yung driver na nawalan ng preno 'tong bus kaya nagpanic kami! Diyos ko po! Gabayan niyo po kami!

Habang mabilis at tuloy tuloy pa rin yung takbo ay bigla nalang kaming sumalpok sa railings dito at nahulog kami sa bangin. Puro nakabulagtang mga pasahero ang huli kong nakita bago ako mawalan ng malay.

———

"Papasukin niyo po ako! Bestfriend ko yung nakaratay dyan oh!" Sigaw ng kung sino kaya nagising ako. Pamilyar yung boses ng nagsalita ah?

"Ma'am I'm sorry po pero hindi po talaga pwede dahil baka kami ang mawalan ng trabaho" sagot naman ng isa. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko, naramdaman ko agad yung kirot ng ulo ko at sakit ng kanang braso ko pati na rin sa kaliwang paa ko. Lumingon lingon ako sa paligid at napagtanto kong nasa hospital ako, pero bakit parang masyadong sosyal to? Wala akong pambayad!

"E gusto ko nga malaman yung lagay ng bestfriend ko diba?! Paraanin niyo ko!!" Boses ni Natalie yun ah?!?!

Taena di ako makaupo! Masakit pa yung katawan ko!

Nilingon ko yung gilid ng kama ko at natanaw ko yung buton na kapag pinindot mo pupuntahan ka agad ng mga nurse at doctor. (Di ko alam tawag dun pasensya na HAHAHAHA) Pinindot ko yun at agad agad na bumukas yung pinto sabay pasok ng doctor at nurse, nakita ko si Natalie doon. Tinawag ko siya kahit  nahihirapan ako.

"N-nat" nauutal kong tawag sa kanya kaya wala nang nagawa yung mga bantay sa labas at pinapasok agad siya.

"Oy bakla akong nangyari? Ayos ka na ba? May masakit ba sayo?" Sambit niya pagkalapit niya sakin. "Doc ok lang naman yung bestfriend ko diba? Wala namang abnomalities na nakita sa kanya? Yung kamay niy-" di na niya natuloy yung sasabihin niya kasi inawat ko na siya.

"Ikaw lang naman abnormal dito eh, dahan dahan sa pag sasalita. Huminga ka naman" natawa yung Doctor at nurse maging ako kaya napanguso nalang siya.

"Nag aalala ako eh" nakangusong ani niya

"Ok naman na tong kaibigan mo Miss. Wala naman blood cut na nakita sa ulo niya, kailangan nalang niyang pagalingin yung mga bali niya" nilingon ako ng Doctor. "Maswerte ka Ma'am at eto lang natamo mo, yung mga kasama mo kasi sa loob ng bus grabe mga natamo. Merong 8 na na coma dahil may namuong dugo sa utak nila." Napapikit ako ng mariin. Diyos ko! Sana maging okay na yung lagay nila at salamat na rin po sa pagkakaligtas saamin at walang namatay.

"Eto yung mga dapat mong inuming gamot Ma'am. Di mo pa ganong nararamdaman yung mga sakit na dulot ng mga sugat mo dahil sa gamot na tinurok namin sayo, pero mamaya lang babalik na yun." Iniabot saakin nung nurse yung mga gamot.

"Sige po Miss, Ma'am labas na po kami at mag roronda kami sa iba pang pasensyente" nag pasalamat muna ako sa kanila bago sila tuluyang lumabas ng kwarto.

Speaking of kwarto-- "Bakla! Bakit dito ako sa pinaka mahal na suite niconfine?! Alam mong wala akong pambayad!" singhal ko sa bestfriend ko.

"Gaga di ko rin alam basta napanuod ko sa TV na may bus na nahulog sa bangin tapos pagka tingin ko bus no. mo kaya nagmadali ako papunta dito. Tapos nung tinanong ko kung san ka naka confine eto yung tinuro nila." mahabang paliwanag niya.

"Hala baks tatry ko mamayang magpalipat ang mahal dito" nag kwentuhan pa kaming dalawa hanggang sa nag pasya na siyang umuwi dahil gabi na rin. Pag bukas niya ng pinto iba na yung nag babantay sa labas.

Pero teka bakit may bantay pa? Ano ako kriminal?

Binuksan ko yung TV tapos pinapatay ko yung ilaw sa kwarto, manunuod nalang ako kesa isipin yang mga yan.

Nasa kalagitnaan na ako ng panunuod ng may nagsalita.

"Enjoying yourself huh?" Agad akong napalingon sa pinang gagalingan ng boses. Ewan ko ba, tumaas yung mga balahibo ko nung narinig kong yung salitang binitawan ng boses na yun. May isang bulto ng tao akong nakita pero dahil madilim hindi ko ito gaanong maaninag

"Looking for me babe?" Sasagot sana ako ng buksan niya ang ilaw. Para akong sira na di makagalaw, na estatwa ako't hindi magawang maibuka ang aking mga bibig.

Dahan dahan siyang lumapit saakin at hinaplos ang pisngi ko.

"I-ikaw?" Di makapaniwalang sambit ko.

"Found you" he said with a smirk on his face.

UnattractiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon