Ilang araw na ang nakalilipas pero hindi pa rin nagpaparamdam si celine kay caloy. Naiinis din naman si caloy dahil hindi nya alam kung bakit nagalit si celine sakanya.
"Caloy? Spacing out again?" pagtatanong ni ayel.
Nasa UPTC sila ngayon at naghahanap ng makakainan at dahil weekend ngayon wala silang pasok at training nagulat na nga lang din sila ng magtext ang coach nila na wala daw silang training ngayon.
"Caloy? Kelan mo ko kakausapin para mainform ako kung kelan din kita kakausapin" ayel.
"Yel?" caloy.
"Thank God may dila ka pa" ayel.
"Tara mag out of town" caloy.
Nagtataka na lang na tumingin si ayel kay caloy
"Wala ba tayong class? Wala ba tayong training buti nga na-swertehan natin na walang training ngayon eh" ayel.
"Aaaaaah! Gusto ko talagang magkaron muna ng break dito sa mga nakalipas na nangyare, yel, parang sobrang bilis ng mga nangyayari" caloy.
"Aba napansin mo rin pala? Bilis mo kasi maattach eh tsaka sinabihan na rin kita na tigilan mo muna kasi walang madudulot na maganda yan dun sa nangyaring problema dati" ayel.
"Pero kasi ayel ayaw kong mangyari kay celine ulit yon at pino-protektahan ko lang sya kasi kaibigan ko sya" caloy.
"Talaga? Friend lang?" ayel.
"Friend lang talaga promise! Nothing more nothing less!" caloy.
Pero napaisip rin si caloy sa huli nyang sinabi kung hanggang friend nga lang ba talaga ang tingin niya kay celine.
"Uy! Nabasa mo nga pala yung tweet ni jho?" ayel.
"Ha? Anong tweet ni jho?" caloy.
"Wala, akala ko sakanya galing yung pa" nothing more nothing less" na yan eh" ayel.
"Bakit? Anong nangyari?" ayel.
"Ewan basta basahin mo na lang yung tweet hirap explain" ayel.
"Nga pala ayel kanina pa tayong naglalakad wala pa tayong nahahanap na makainan ah" caloy.
"Aba! Napansin mo ulet? Gutom na nga ako eh pero dinadaan ko na lang sa daldal" ayel.
"Gago kasi eh ang daming kwento eh" caloy.
Habang naglalakad sila biglang nakatanggap ng text si tots.
"Yel magtake out na lang tayo hinahanap daw ako ni coach ASAP" caloy
"Bakit daw?" ayel.
"Di ko alam pero mukang seryoso" caloy.
---------------------------------
"See! Ate kyle! Natitiis talaga ni caloy na wag akong kausapin!" naiinis na sabi ni celine habang naglalakad sila papunta sa building ng susunod nilang subject.
"Talaga namang matitiis ka nan eh. Bakit? Ano bang meron kayo para i-update ka nya sa lahat ng gagawin nya? Di ka naman nya dati tinetext at tinatawagan pero di ka naman nagrereklamo ng ganan ah" kyle.
"Pero hindi maayos yung huli naming pag uusap kaya dapat kausapin nya ako!" celine.
"Bahala ka dyan, pasok na ako sa next subject ko" kyle.
"Ay! Nga pala! Pakitanggal yung flowers na nasa room ah! Allergic ako" pahabol na sabi ni kyle bago sya makapasok ng room.
"Sabi ko naman kasi sayo di ko na lang tatanggapin yung bulaklak pero sabi mo tanggapin ko! Hayst!" pasigaw na sabi ni celine kahit alam nyang di naman sya narinig ni kyle.