CHAPTER 40

398 5 2
                                    


Nagpahatid ako sa taxi pauwi sa amin. Pagkaratingbko doon ay di ako dumaan sa gate. Inakyat ko ang bakod dahil ayaw kung malaman nilang nandito ako. Umuwi na ako. Kaya tumakbo ako para maka pag bwelo paakyat sa bakod ng makatungtong na ako ay tiningnan ko muna angbpaligid baka mahuli ng cctv. Mabuti na lang at malayo. Pagkababa ko ay kailangan ko namang dumaan sa terrace ng kwarto ko. Mabuti na lang at merong puno malapit dito. Dito na ako umakyat at sumampa papuntang terrace.

Ng nakapatong na ako ay kailangan ko pang kali kutin ang sliding door para maka pasok sa loob. Mabuti na lang at lagi akong handa may hairpin akong dala dala lagi.

Konting kalikot lang at mabubuksan ko na. Then Viola it's open. Hinay hinay akong pumasok ayaw kung makalikha ng ingay. Ng nakapasok na ako ay dahan dahan ko na ulit ito isinara.

Kinapa ko ang switch ng ilaw. Ng mabuksan ko ay tumambad sa akin si Dad.

"Dad!" Gulat kung sabi.

"Nice to see you my daughter. Where have you been?"

"Unwind."

"Unwind. You've been gone for two days. Tumakas ka pa sa hospital."

"I'm sorry. Gus----."

"Sorry. Pinag alala mo kami dito sa bahay. Sarili mo lang ang iniisip mo. Bakit anak. Magagawan naman natin ng paraan ang nangyari. Mahahanap natin ang hustisya sa nangyari." Halos malagot na ang hininga ng kanyang ama sa galit sa kanya. Hanggang sa huminahon na ito.

"Just. Just apologized to your mother tomorrow."

Tumulo ang mga luha ko sa mata. At tumingin kay dad. May bahid ng lungkot ang mga mata niya. Di ko alam kung anu ang sasabihin ko alam kung tama naman siya ngunit. Di ko alam.

Lumabas na si Dad sa kwarto ko. Habang ako nanlalambot na napa upo sa sahig. Wala akong magawang paraan para mabigyan ngbhustisya ang mga kaibigan ko. Hanggang ngayon ay di ko pa nahaharap ang mga pamilya nila. Pinanghihinaan ako ng loob. Sino ba talaga ang nasa likod ng lahat ngbito. Kung may galit sila sa akin sana ako na lang ang sinaktan nila.

Gusto ko ng magpahinga. Kahit na mabigat ang pakiramdam ko ay pinilit kung tumayo at pumasok sa loob ng banyo. Tumapat ako sa shower. Binuksan ko ito at hinayaan kung dumaloy ang tubig sa damit ko. Tumingala ako tumama sa mukha ko ang  tubig at sinabayan ng luha ko ang agoa nito.

Lumipas ang kalahating oras na pagbabad sa ilalim ng shower ay naisipan ko ng lumabas. Hinubad ko na lahat ng saplot sa katawan ko. At nagpalit na ng pantulog.

Kinabukasan ay naalimpungatan ako dahil sa katok.

"Miss Akhira gising na po kayo."

Kaya napilitan akong bumagon at pinagbuksan ang isa naming kasambahay.

"Yaya. I'm tired. Just let me sleep."

"Pero miss pinapapatawag kayo ng Daddy niyo. Sabay po kayong mag breakfast."

"Just tell him na wala akongvgana gusto kung matulog."

"Pero---."

"No buts yaya. Just tell them that I'm full. Don't you get it."

"Sorry po Miss."

Tumalikod na ang kasambahay at umalis saka lang niya isinara at inilock ang pinto. Gusto niyang matulog ulit. Kaya humiga ulit siya sa kama at muling isinara ang mata. Di niya alam kung saglit lang ba siyang napa idlip ng may kumatok ulit.

"D*mn it."

Padabog siyang tumayo at binuksan ulit ang pinto.

⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐

Miss Nobody (PAST) #MNPAST #TOA2018 #KidlatAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon