Chapter 23: Their New Home

24.7K 574 34
                                    


"Good morning, mommy!!!"

Napangiti ako nung bumungad sa akin ang anak ko na masayang-masaya. Kakagising ko lang pero siya ay mukhang kanina pa gising. Hindi na kasi siya nakapantulog at medyo basa pa ang buhok niya. I was sure manang helped her to take a bath since hindi ko siya pinapaligo na mag-isa baka malunod sa tub or masunog ang balat niya pag naka-heater ang tubig.

"Good morning, sweetheart." She gave me a kiss on my lips. "You woke up so early," I said when I saw that it was only seven in the morning.

She smiled and flipped her long hair as she laid down beside me and hugged my waist. "I miss waking up next to you, so I woke up early to make sure you're still next to me."

I pulled her closer to me and planted a kiss on her forehead. She's my sweetest girl.

"I love you, mommy." A tear escaped my eyes upon hearing it from her. Kagabi lang ako umiyak at medyo maga pa ang mga mata ko pero ito na naman at umiiyak ako. Pero this time, umiyak ako dahil sa saya. It felt so great to wake up seeing my daughter first thing in the morning. Inspite of everything that happened, this was the only thing that made me happy and keeping me sane right now.

"I love you too, sweetheart," I answered and kissed her lips. I was always thankful to manang dahil maganda ang tinuturo niya sa anak ko. Hindi ito kailan nagsalita ng masama sakin.

"Are we staying here in lolo and lola's house?" She glanced at me.

"Yeah, this is where we are going to live now. Is that okay with you?"

She nodded her head, "I am okay with anything as long as you are with me, mommy."

She made my heart thumped again.

Napabangon ako saka nagpaalam sa kanya na mag-aayos lang ako at maliligo. I told her na mauna na siya sa baba dahil matatagalan pa ako baka mainip lang siya sa kakahintay sakin.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako saka bumaba. Dumiretso ako sa kitchen at nakita ko si manang na tinutulungan ang mga maids na magprepare ng breakfast.

"Anjan kana pala, Gwen. Pumunta kana sa hapag. Nandoon na si Rose at ang parents mo," sabi sakin ni manang.

"Okay po. Sumunod narin po kayo."

Tumango siya at sinabing susunod na lang siya pagkatapos ng ginagawa niya.

Naabutan kong nagbabasa si daddy ng newspaper at si mommy naman ay kinakausap si Rosetta at tinutulungan sa pagkain.

"I can do it myself, granny," sabi nito kay mommy in a nice way.

Natigilan si mommy saka binaba ang kutsara saka nilagay iyon sa plato ng anak ko. Nakalimutan ko palang sabihin sa kanila na napaka-independent na ni Rosetta sa maraming bagay.

Lumapit ako kay dad saka hinalikan siya sa pisngi na lagi kong ginagawa sa umaga para batiin siya. Hindi niya man lang ako nilingon o pinansin. Napabuntong-hininga ako ng malalim bago lumapit kay mommy at sa kanya naman sunod na humalik. Galit din siya sa akin pero hindi gaya ni dad, mas kinakausap ako ni mommy pero halata sa tono niya na hindi parin kami okay.

"Tabihan mo ang anak mo," sabi ni mommy. Napangiti ako sa loob ko. I knew it was her way of saying na kumain na din ako.

Kumuha ako ng pagkain at nilagay sa plato ko. Habang kumakain ako ay naalala kong sabihin sa kanila ang tungkol kay Rosetta.

"Mas gusto po ni Rosetta na kumakain ng sarili niya kesa sa subuan siya. At her age, marami na po siyang kayang gawin ng sarili niya," I told them hoping they would care.

Behind Her Innocence (Hughes Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon