Sinabi ni Summer sa kanyang sarili.
"Eh anu naman ang naisipang gawin ng mokong na 'yun? Serious date? Lunch date? 1 on 1? Serious talk? Anu baaaaaaaa? Nakkapraning naman si Hail. Anu ang isasagot ko? Oo o Hindi? Eh paano kung yayain ako ni Rain? Ayokong mamili sa kanilang dalawa. Mahirap yun. Ba yaaaan. Help meee."
Kinabukasan.
Hindi pa rin kinakausap ni Summer si Rain sa di malamang dahilan. Nagulat na lang si Summer nang nag'open siya ng fb account nya. Habangg nagso'scroll sya sa News Feed, may nakita syang palitan ng comment ni Rain at Autumn.
Wallpost ni Autumn kay Rain.
"Someone cooked Carbonara for me. So sweet. Thanks Dear for the food. Effort pang pumunta dito sa Taguig. Mwuah."
R: Hahahaha. Thank You for appreciating it. It's fine if you don't like it. It's my first time to cook for someone.
A: Hahahaha. That's so sweet of you, Rain.
R: You're welcome Autumn.
Kinahapunan ng nakita iyon ni Summer ay lubos ang sakit na naramdaman nya. Imagine, inakala nyang mas may mahalagang bagay na pinagtutuunan si Rain ng pansin, yun pala si Autumn lang. Kaya hayun, umiyak na naman si Summer.
"Siya na lang 'tong iniisip ko tapos nagawa pa nyang makipag usap kay Autumn. Aray naman. Ayoko na siyang makausap kasi. Ayoko na nga. Last na yun. Last na 'to Summer. Ngayon tila alam kung anu ang mas mahalaga. Yun yung pag iwas ko na sa kanya, sa nararamdaman ko para sa kanya."
Pero katulad pa ren ng nakagawian, hindi magawang iwasan ni Summer si Rain. Hindi na ata nya mabilang kung ilang beses nyang nilunok ang mga sinasabi nya.
Rain texted Summer.
Rain : Buday. Good Evening. Nakapagsimba ka na?
Summer : Yep kakatapos lang.
Rain : Baka nga pala, hindi na ako makapag reply any time soon. Hindi na ako makapag'register sa unli, kulang na ang load ko. Sayang lang kahapon unli ko, hindi man lang kita nakausap ng matino. Ingat ka pag uwi.
Summer : Ok sige. Ingat ka din. Mga ilang araw?
Rain : Oo, a week maybe. But I'll text you as soon as I'm free or kapag nagpunta ka ng Manila this week, just text me.
Summer : Ok sige. Hindi muna din ako magloload ng isang linggo. Hindi muna kita itetext.
Rain : Ayy hindi talaga magloload? If it happens na pupunta ka ng Manila, tell me or else I'll get mad. Gusto din kita makita and have some moments with you. Wag madamot. Already using regular load. I might use this up worth it naman ang katext ko. Pag uwi mo kumaen ka na, katatapos ko lang din kase.
Summer : Yeah. Umangkas ako kay Kuya, yung pinsan ko. Nagkita kami dito sa may kanto. Ok sige Bye.
Rain : Bakit pa pala ako magtetext eh di ka pa rin naman pala magrereply? :( Sige tulog na na ako. Hintayin ko na lang na ikaw magtetext. Til next time. Night.
Patuloy na naiisip ni Rain kung bakit ganuon makitungo si Summer lately. Kaya kinabukasan ay nagtext siya kay Summer ng pagka aga-aga.
"Morning. Wala ako pasok. Saya. Haha. Hope you're doing good. Nagpaload pala ako since I told you I'll text when I'm free. Now I'm free. I miss you beautiful."
Naging sunod sunod na naman ang palitan ng SMS ng dalawa. Tuwang tuwa si SUmmer sa mga panahong iyon. Habang nanunuod si Rain ng pelikula, abala naman si Summer sa pag'oorganize ng isang school event.
Kinagabihan, pag uwi ni Summer sa bahay, magkatext pa rin ang dalawa.
Rain : Tapos na ba pinanunuod ko. Ako ba pag kinagat ng zombie, iiwan mo?
Summer : Hindi, babantayan kita. Walang iwanan.
Rain : Sus. Bolera. Takot mo lang makagat ko.
Summer : Hindi nga. Kawawa ka eh. Sasamahan pa ren kita kahet zombie ka na.
Rain : Ayoko ng makikita kang maging ganun Sum. Ayokong maging Zombie ka. Ilalayo kita. Para sayo rin yun 'Teh.
Summer : Di nga kita iiwan. Psh.
Rain : Wag ka na makulit. Pag ako pinilit mo pa, baka magbago isip ko, ikaw itulak ko sa mga zombies. Hahahaha Joke lang Sum.
Summer : Inang. Ipinagkanulo na ako. Walang awa. Ayoko na. Walang kwenta.
Rain : Huhug naman kita eh.
Summer: Huhug tapos hahayaan din akong mamatay. Ayos. Bait mong bwiset ka. At kelan mo ako iha'hug? Pag naging zombie na ako?
Rain : Before and after.
Summer : Ang sama mo. :(
Rain : Yee. Kilig ako. Haha.
Summer : Yuck ka. Kilig? Totoo?
Rain : Kilig nga ako. Toh naman,KJ!
Summer : Ay teka masyado ng gabi. Bakit taas pa ng energy mo. Dapat mga ganitong oras natutulog ka na di ba? Nasa gimikan ka no?
Rain : Secret. Baka magalit ka eh.
Summer : Saang bar kayo? Yung totoo. Di ako galit. Iniisip lang kita baka kase ano na naman maramdaman mong di maganda.
Rain : Republiq po. :(
Summer : Sinong mga kasama mo?
Rain : Sina Snow, Spring tapos ibang barkada.
Summer : Si Autumn?
Rain : Oo. Kasama ko siya.
Summer : Sige. Enjoy.
Rain : ha? Labo mo Teh.
Lumipas ang mga oras. Tuluyan ng umuwi si Rain matapos nyang ihatid si Autumn. Biglang nagtext si Summer kay rain.
"Rain. Si Autumn na lang. SIya na lang i'keep mo Rain. Tama na 'to."
Itutuloy. . . . . .