Chapter 8: Bangayan, Asaran, biglang Nagustuhan?

39 36 11
                                    

Oliver's POV:
Nandito naman ako nakatayo dito sa tabi ng daan na sinabi ni Adalyn na maghintay lang dun at susunduin nya kami. Malamang yung buong grupo kasama ko diba? Hahaha! Mangaasar na naman ako neto! Hahaha. At yung napili naman naming topic ay about sa effects of social media to social communication.

Maya maya at dumating na si Adalyn, na mukhang pagod na pagod.

"Uhm...guys! Tara na!" pagyaya nya

"Saan?"

"Magiinterview! Diba???"

"Ang tinatanong ko ay, saan tayo magiinterview??!"

Hahaha! Bangayan na naman, yes! Hahaha

"Dito! Tsaka pwede ba....wag ka puro side comments? Eh kung ganyan ka ng ganyan eh di sana sa inyo na lang tong research ginawa!"

Napipikon na sya, parang ang sarap lang patuloy tuloyin ang ganito kaso hindi pwede.

"Ok. Tara na nga!"

Maya maya naman ay natapos na kami. Nakita ko rin syang umuposa tabi at saka yumuko.

"Pagod ka na agad??"

"Anong pake mo? Tsaka tapos na naman diba? Kaya pwede ba, umalis ka na?" sabi nito sakin na parang pinalalayas ako.

Hinila ko sya at biglang napatayo sya at napahilig sa dibdib ko. Bigang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Sorry..." sabi ko

"Marunong ka pa palang magsorry, tsk tsk! Nga pala....inaatake ka ba? Kasi ambilis ng tibok ng puso mo eh." pagsasabi ni Adalyn sakin

Hala! Narinig nya! Hala pano ba toh?

"Ah...eh..baka sa sobrang pagod at init rin ngayon, hiningal lang ako" palusot ko

"Okay. Umuwi ka na, baka lumala pa yang paghihingal mo"

"Hindi mo man lang ba ako paiinumin ng tubig sa inyo?" pangaasar ko

"Tsk! Napakareklamador mo talaga"

Siguro nawalan na sya ng choice at pinapasok ako sa kanila at umupo sa isang upuan.

Adalyn's POV:
Nandito ako sa may kusina para kumuha ng isang baso para lagyan ng tubig. At bigang....

"Sino yang bisita mo, ha??"

"Leader po namin sa Research Team. Nagconduct lang po kami ng survey kanina, dyan malapit satin, ma" sagot ko sa curious na si mama

"Baka naman....nanliligaw na Adalyn ah, kailangan munang dumaan saakin yan"

"Nagbibiro ka ba mama??Eh napilitan lang talaga ako bigyan ng tubig yan eh. Reklamador kasi masyado" sagot ko

"Ok ok. Sabi mo nga! Dalian mo na dyan at baka nauuhaw na yung bisita mo at ikaw muna ang bahala sa bahay, may bibilhin muna ako sa grocery" paalala nito kay Adalyn

"Samahan ko na po kayo ma"

"Wag na, kaunti lang naman ang bibilhin ko" sagot ni mamana may ngiti at umalis na, hanggang sa narinig ko ang boses ni Oliver.

"Ingat po tita!"

Tsk ang kapal talaga nyang tawagin na tita ang mama ko, tsk tsk.

Nang mabigay ko na kay Oliver ay nagulat ako ng napadampi ako sa maarte nyang kamay at sa kasamaang palad ay hindi ko inaakala na hindi nya pa pala hawak ng mabuti ay nahulog ang baso at nabasag.

"Hala! Sorry Adalyn"

"Kung hindi mo kasi hinawakan ng maayos, hindi sana to naging ganyan!"

"Alam mo namang hindi ko pa hawak ng maayos eh" sagot pabalik nito

"So ako pa ang pinalalabas mong masama at may kasalanan??"

"Hindi naman sa ganun Ada...." hindi pa sya tapos magsalita ay....

"Will just shut the fuck up???!!! Sge ako na ang may kasalanan, ako na ang mali, ako na ang tanga tanga, okay na ba yon sayo?! Masaya ka na?! Kung yun lang naman ang magpapasaya at makakapagpatahimik sayo eh. At nagsisi ako dahil ikaw ang naging kagrupo ko! Dahil wala ka nang ginagawa kundi MAGREKLAMO DITO AT MAGREKLAMO DOON. PARANG LAHAT NA LANG NG GAWIN KO, PINUPUNA MO!" galit kong sabi na hindi ko namamalayan na tumutulo na ang mga luha sa mga mata ko

"Ganun ba ang tingin mo sa mga ginagawa ko?" tanong nito

Hindi na ako sumagot at tumalikod na kasi kukuhanin ko na ang walis at dustpan para ligpitin ang mga nabasag na parte ng baso at sa sobrang luha na tutulo sa mata ko ay parang blur lang ang nakikita ko.

"ARAY!!!!" sigaw ko dahil nakaapak pala ako ng piraso na mga nabasag sa baso.

Oliver's POV:
Nagulat ako sa mga sinabi ni Adalyn sakin. Hindi ko akalain na ganun pala ang nakikita nya sa mga ginagawa ko. Tumalikod sya sakin habang umiiyak at ako ay napatungo na lang at umupo para mahimasmasan. Nagulat talaga ako nung marinig kong sumigaw si Adalyn.

"Anong nangyari??"

"Napasukan ata ako ng basag na parte ng nabasag na baso"

Balak ko na sana syang buhati dahil hindi talaga ito makakalakad at biglang

"Teka teka! Anong ginagawa mo??" tanong nito

"Bubuhatin ka paputa dun sa sofa. At para matingnan natin kung malalim ba yan o malaki o maliit lang ang pumasok sa paa mo"

Nang mabuhat ko sya ay, hindi na sya umimik dahil alam kong may atraso pa ako dito. Nawala ako sa mood na mangasar. Tsaka sino bang may gusto na magbiro sa mga oras na to diba??

"Oliver? Masakit, wag mong masyadong anunhin"

"Ang arte arte mo, kailangan na nating pumunta sa ospital. Malaki yung pumasok na parte ng basag sa paa mo"

"Ha? Ano? Ospital???! Hindi mo ba kayang alisin na lang???" takot na tanong nito

"Hindi, medyo malaki yung pumasok sa paa mo. Okay lang naman kung gusto mong lumala yan" asar ko

Nakita ko na ngumisi sya at hinfu na sumagot. Binuhat ko sya papunta sa sasakyan at pumunta na ng ospital. Nagtataka talaga ako, dahil parang kabadong kabado at takot na takot si Adalyn habang nandito kami sa ospital. Mabilis naman natapos ang pagtanggal ng basag na parte ng nabasag na baso sa paa nya.

"Anong ginagawa mo?"

"Malamang tumatayo na ako at uuwi na ako, baka hinahanap na ako ni mama" sarkastikong sagot ni Adalyn

"Wag kang magalala, nasabi ko na sa mama mo, at pinakiusapan ako na wag munang aalis sa tabi mo, in other words.....I'll stay with you"

Hahaha, ang galing ko talagang mangasar. Ang gusto ko lang naman iarating sa kanya ay mapasaya sya.

"Wow ah. Bentang benta na agad si mama sayo ah. Baka ano na namang gayuma ang ginawa mo kay mama ah!"

"Hindi ako ganon ka desperado noh! Tsaka bakit ko naman gagawin yun? First of all....hindi kita gusto, and second hinding hindi ako magkakagusto sayo" sagot ko

"Asa ka rin na magkakagusto ako sayo! Masgugustuhin ko pang mabulok dito kesa magkagusto ako sa isang katulad mo!"

Ouch! Ang sakit nun ah. Pero seryoso ako, parang may tumusok bigla sa puso ko. At parang gusto kong bawiin ang mga nasabi ko kay Adalyn, kasi parang nagugustuhan ko na sya. Sa mga oras at lanahin na nagbangayan, nagsungitan at nagasaran, parang napapasaya nya ako sa mga oras na nakasama ko sya. Simula pa lang nung nagbangayan kami ay nakaramdam na ako ng kakaiba dito kay Adalyn..... parang syang isang tao na nagpapasigla ng bawat araw ko. Para sakin........






Special si Adalyn sakin.



Sorry for the typographical errors, kung meron man :) Please support me po, that would be a great help po :) 

Be Fearless (ON GOING) #ChAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon