Mejo palubog na ang araw at nasa beach ako habang nag-aantay na maayos ang dinner namin. Ang sarap ng feeling sa palad ko ng fine sand. Inilubog ko ang kamay ko at unti-unting pinadaan sa mga daliri ko ang buhangin.
Nag-buntong hininga ako at tumingin sa napaka-calm na dagat.
Napalingon ako sa kanan ko at nakita ang isang super puti at napaka-sexing si Ms. Claire na unti-unting inaalis ang mga damit nya, una ang t-shirt nya then her shorts. Underneath her clothes she's wearing a black bikini, halter top showing her impressive boobs and a low rise bikini bottom. She kicks off her slippers at naglakad papunta ng dagat.
She yells at me, "C'mon Andi! Swim tayo!"
Kumaway lang ako and tumango. As if naman na sasabak ako at makikipagsabayan sa pag-swimsuit nya no? No thanks.
Talagang ang saklap ng tadhana diba? Nakita ko pwet nya parang mas makinis pa sa mukha ko. Wala manlang bahid ng ube, pantay na pantay.
Wala akong choice kundi panuorin sya habang nagpapabalik balik sya sa pag-swim. Mejo magaling pala mag-swim tong si Ms. Claire kasi mejo malalim na pero parang wala lang, dinadala-dala rin sya ng alon pero she seems capable of being on her own.
After a few minutes parang may narinig akong sigaw so lumingon lingon lang ako, I tried to look for Ms. Claire pero hindi ko na sya makita. Oh my God.
I stand up and look for someone that can help pero bakante yung pwesto ng lifeguard, I look around at wala akong makitang tao sa paligid. Hindi pa naman ako magaling lumangoy, pucha. Pagtingin ko sa dagat kung saan ko huling nakita si Ms. Claire kamay na lang na kumakaway ang nakita ko, so kahit na mahina ako lumangoy I kicked off my sneakers at tumakbo papunta sa tubig habang sumisigaw ng saklolo.
Pagtama sa paa ko ng tubig napa-hinga ako ng malalim, shit ang lamig. Unti unti nang umakyat ang lamig sa mga binti ko, sa hita, sa bewang hanggang sa leeg ko na lang ang kita. Umikot ako at hinahanap ang kamay ni Ms. Claire, nang makita ko parang ninenerbyos na ako kasi ang layo pero huminga lang ako ng malalim at habang abot ko pa ang lupa sumipa ako at inilubog ang ulo ko sa tubig.
At this point puro adrenaline na lang ang nag-pu-push sa katawan ko para lumangoy, feeling ko pa sobrang bagal ko at pagdating ko sa pupuntahan ko e baka lunod na yung sasagipin ko. Or worse baka ako na yung mangailangan ng saklolo.
Nang feeling ko mejo nakalayo na ako tumigil ako sa paglangoy at tumingin tingin sa paligid, hindi ko na makita ang kamay ni Ms. Claire. At dahil tubig alat masakit na ang mata ko sa pagtingin tingin. Dala na rin ng pagod lumubog ako at nagkukumahog na lumangoy ulit pataas, paglutang ko wala pa rin sa paligid si Ms. Claire.
Nanghihina na ako and ngalay na ngalay na ang mga binti ko kaka-kick sa ilalim ng tubig.
Naisip ko nang bumalik na lang sa beach nang makarinig ako ng malakas na tawanan.
Paglingon ko sa beach nandun na si Ms. Claire at nakayapos sa isang lalaking napaka-toned ng katawan.
Kahit na hindi ko pa nakikitang shirtless si Chuck I have this nagging feeling na siya yun, and my suspicions are confirmed nang umikot sya at humarap kung nasaan ako. Para akong sinaksak ng paulit ulit sa dibdib, at ang tubig parang naging ice cold. Napatigil pala ako sa pag-kick at bigla akong lumubog.
Bilang wala akong hanging naipon, nag-panic ako habang nag-ttry umahon at nang nakalabas na ang ulo ko sa tubig sumigaw ako, "Chuck!"
Kumaway kaway ako para makita nya ako habang pinipigilang lumubog ulit, pagod na pagod na ako. Naghanap si Chuck at sa general direction ko nag-squint sya at tinabing nya ang kamay nya sa mga mata nya. Nang alam kong nakita na nya ako sumigaw ako ulit, "Chuck!"
At di ko malaman ang reaction ko sa susunod nyang ginawa, ngumiti lang sya at imbes na tulungan ako kumaway lang rin sya at naglakad palayo kasama si Ms. Claire.
Parang nawala lahat ng energy ko sa katawan at unti-unting lumubog sa tubig.
***
"Andi."
Unti-unti kong binuksan ang mata ko at nakita ang mga mata ni Chuck. Nakangiti sya at nakatingin sa akin, "Wake up, sleepyhead."
Nakangiti sya at biglang nagbago ang reaction ng mukha nang nag-umpisa na akong umiyak. Take note, hindi yung magandang klase ng iyak ha, yung iyak na nakakapangit. Yung laki butas ng ilong at humahagulgol na parang bata.Narealize ko na lang nasa kotse pa pala kami, tinulak nya ako papasok ng sasakyan at umurong ako sa pagkakaupo ko habang sumakay naman sya sa tabi ko at niyapos ako ng mahigpit.
"What's wrong?" Tanong nya habang hinahaplos haplos ang likod ko.
Nag-antay muna akong mejo maka-recover sa pag-iyak at nang mahimasmasan sumagot ako, "Hinayaan mo akong malunod."
Umatras sya at kinapitan ako sa mga balikat habang sinasabing, "What? What are you talking about?"
Alam kong ang pangit ko umiyak tsaka pag nakikita ko yung mukha nya naiiyak ako ulet so hinatak ko yung shirt nya at sumiksik ako sa dibdib nya habang nagsasalita, "Nanaginip ako, hinayaan mo raw ako malunod. Tinulungan mo si Ms. Claire pero ako nalulunod lang kinawayan mo pa."
Naramdaman ko yung pag-shake ng katawan nya at tinulak ko ang dibdib nya para i-confirm yung hinala ko, pagtingin ko sa mukha nya through blurry eyes eh nagtakip sya ng mukha at tumawa ng tumawa.
Aba, gago rin umiiyak na nga ako tumatawa pa. At dahil sa magkahalong hiya at inis, binuksan ko yung kabilang side ng kotse at nag-attempt bumaba pero epic fail dahil biglang sumulpot yung long arm nya sa tagiliran ko at sinara ang pinto bago pa ako makalabas. I whipped around at hinataw ang braso nya, "Ano ba!"
He laughs harder and pulls me to him, "Lika nga rito baliw ka."
Nanlalaban pa rin ako pero ang lakas nya so nahatak pa rin nya ako hanggang sa nasa dibdib nya na naman yung mukha ko, pahiran ko nga ng sipon.
"I'm not going to let you go, so suminga ka jan kung gusto mo." He laughs again.
Hinataw ko ang dibdib nya, "Napaka mo, umiiyak na ako tapos tawa ka pa ng tawa." Umiyak ulet ako, "Ang sakit kaya, iniwan mo ako dun."
He stops laughing and caresses my hair, "It was just a bad dream. I would never do that to you."
Naiyak ako lalo, "Parang totoo."
He hugs me tighter, "I'm sorry you have to worry yourself over this, pero I've been saying to you over and over again na wala na kami - na ikaw lang, I just wish you would believe it."
Nag-isip ako at nang mejo nakahinga na ng maayos, "So you mean kasalanan ko kung bakit ako nanaginip ng ganun?"
He sighs, "Fine. What were you thinking before you dreamt that?"
I roll my eyes, "Malay ko. Hindi ko nga alam na nakatulog ako e."
He says, "You were worrying about what we are talking about habang nag-pretend sleep ka kaya ka nanaginip ng ganun. You should have just toughed it out at pinakinggan yung conversation namin para nalaman mong there's nothing to get worked out over."
I pushed at his chest para makita ko yung mukha nya, "I didn't want to pero she asked me to pretend to sleep, what am I supposed to do?"He looks annoyed so I put my hands on his cheeks, "Wag ka nang magalit sa kanya, she just wanted to talk to you."
He puts his hands over mine, "That's the last time that's gonna happen, okay? I did what you asked so we're done with this, do you understand me?"
I nod. He did his part naman na talaga and I can't force him to talk to her if he doesn't want to. At ayoko na rin, hirap magpaka-manhid ha.
He puts his arms around my waist and pulls me closer, I wrap my arms around his shoulders and hug him tight.
Nuon ko lang narealize na nasa kotse pa rin pala kami sa parking lot ng resort. I look outside and parang nakita ko ang retreating back ni Cherrie - yung officemate namin.
Oh no.

BINABASA MO ANG
She's So Extra (Kiligserye Book1) | ✅
Romansa"Pagdating sa pag-ibig ayaw ko ng sakto lang, ang gusto ko yung pag-ibig na nakakawasak ng pagkatao. Mas gugustuhin ko nang magmahal ng tunay, magmahal ng EXTRA kaysa sa nagmahal ka nga hindi mo naman tinodo 'di ba? Para saan pa?" - Olga Andrea Mart...