page 3

56 0 0
                                    

Nagsend ako ng friend request sakanya kinagabihan at tanghali niya in-accept ung friend request ko. Sobrang adik ako sa friendster non kaya oras oras akong online. Updated lagi XD

Nag comment din siya sakin (tunay kong account) .. Sabi niya, san ko daw nakuha account niya. Sinabi niya rin sakin na nandun din daw siya sa Gig ng Red Jumpsuit Apparatus sa trinoma non.. Siguro nakita nya ung mga picture ng RJA non sa mga Albums ko. 

Hanggang sa nag usap usap na kami ng konti.. tinanong nga niya number ko e. Pero hindi ko binigay. Nakalimutan ko yung dahilan ko e. Hindi kasi ako ung tipo ng tao na nagbibigay agad ng number sa mga nakilala lang sa Internet. 

Gabi gabi kami nag uusap non.. Minsan tungkol sa mga Banda.. Minsan tungkol sa mga personal info.. tulad ng san nag aaral, san nakatira at kung ilan taon na... at dun ko din nakumpirma na magkasing edad lang kami. Medyo crush ko na siya non.. Natutuwa kasi ako pag nakikipag usap sakanya.. Minsan kasama ako sa mga post niya sa "Bulletin Board". (nababanggit lang name ko)

Nagkakilala kami non panahon ng bakasyon. Kaya umaga, tanghali at gabi e nag uusap kami. Hirap na hirap ako mag isip ng topic non para lang hindi maputol usapan namin.

Hanggang sa sumapit ang pasukan. 2nd year high school na kami. Parehas kaming busy at nakalimutan na namin ang isa't isa ni JC. Kanya kanya na kaming buhay. Nagkaron narin ako ng ibang crush na naging "FIRST LOVE" ko pa. Schoolmate ko. At... ayoko na pag usapan! :)

PLEASE READ MY STORY "BACK TO YOU" (above)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon