Chapter 1 - Meet my old man

25.1K 368 80
                                    

AUBREY'S POV

“Duh? I will never marry that guy!!”

Ito 'yung ayaw ko ang arrangged marriage napapanood ko to sa palabas sa tv at sa mga pocket books ko lang nababasa ang ganitong eksena.

Pero bakit kailangan mangyari sa totoong buhay. At sa buhay ko pa talaga.

“Ate, umayos ka nga. Ito ka,  ito ako magkatabi tayo. Kaya pwede ba huwag kang sumigaw riyan,” Si Chloe habang nag su-surf sa internet.

Itong kapatid ko talaga panira ng moment.

“E, kasi naman e, bongga 'yung big news kanina ni daddy. Ikaw ba hindi ka ba nagulat?”

“Hindi! Ba't naman ako magugulat ako ba 'yung involve hindi naman 'di ba?” Bara niyang tanong.

Kahit kailan talaga napaka-maldita nito.        

“Waah! Waah! AYOKO! As in capital A – Y – O – K - O!” sigaw ko.

“Ate, pwede ba huwag kang OA. Malay mo gwapo iyon. Edi jackpot ka. Saka  matutupad na 'yung pangarap mong mala-fairytale na love story.”

“Jackpot sinasabi mo diyan. HELLO! Saka hindi ganito yung pinangarap kong love story, no. Saka Hindi mo ba narinig 'yung sabi ni daddy, anak daw ni Tito Danny 'yung ipapakasal sa'kin.”

“So...anong problema mo?” tanong niya. Nag-angat pa siya ng kilay.

“Sabi ni mommy sa states daw 'yon nagtapos ng pag-aaral.” dagdag ko.

“That’s great for you ate.” Sabay ngiti niya ng nakakaloko sa'kin.

“Ayy ewan! Bahala ka nga riyan labas muna ako magpapahangin. Kapag hinanap ako ni daddy alam mo na kung saan ako nagpunta.” Tumayo ako naglakad na palayo.

“No! Sabi ni daddy rito magdidinner ang soon to be husband mo kaya dapat nandito ka. Give me a good reason kung bakit aalis ka.” Pinag-ekis niya ang braso niya sa tapat ng dibdib niya.

“Sige na naman, I need some air. Babalik din ako before dinner promise. Ahmmmm, I will bring you an ice cream. Double dutch flavor. Okay na ba 'yon?” Suhol ko. Baka makalusot.

“Okay. You’re the best ate talaga! Sige na. Tsupi! alis na baka mag bago pa isip mo este isip ko. Don’t forget to go home before dinner dahil kung hindi wala ka ng kapatid. Bye ate, don’t forget my ice cream. Love you!”

“Kahit kailan ka talaga. Kailangan may suhol bago gawin?’’

“Ganoon talaga sige na alis na. Ako nang bahala kay daddy. You need some air tignan mo hitsura mo mababaliw ka na okay bye.”

Sabay sara ng pinto.

Haaaayys! Makaalis na nga baka may makakita pa sakin.

Siguro naman walang body guard doon sa gate sa likod- bahay. Madalas kasi sa ganitong oras sila nagmemeryenda.
                               
Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Talon!

“Ayy pusang kalabaw.” Nagulat ako naang may isang lalaking nakatayo sa tabi ng poste. Kanina niya pa ba ko pinapanood? Nakakahiya kababae kong tao nakita niya ko sa ganoong sitwasyon.

Haays! Never mind at isa pa wala syang pakialam. Yumuko na lang ako hanggang sa malampasan ko ang lugar kung nasaan siya.

“Miss nakakahiya talaga yung ginawa mo.”

Hah? Nababasa niya kung ano nasa utak ko. Teka, sinong kinakausap niya ako ba? Baliw ata 'yon?

Lumingon ako sa kanan, kaliwa, sa harap at likod bukod sa pusang hinahalukay ang basurahan wala namang ibang tao kundi ako lang.

I married an old Man [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon