Sa isang lugar sa bayan ng Atimonan ay may tatlong magkakaibigan na naninirahan sa isang barangay.
Ang tatlong ito ay sina James, Luna at Aries.
Silang tatlo ay kapwa mga ulila na sa mga magulang.
Nagkakilala ang mga ito noong araw na maaksidente ang kanilang mga magulang sa isang pampasaherohang Bangka, lumubog ang ito at nalunod ang mga pasahero dahil sa bagyong dumating.
Simula nung araw na iyon ay nagpasya ang tatlo na magsama-sama nalang.
Sa kasalukuyan si Luna ay nasa ikatlong taon na sa kolehiyo, si James naman ay isang teller sa isang electric company samantalang si Aries ay isang guwardiya sa isang grocery store tuwing gabi.
____________________
Isang Umaga....
(Time Cheeck 6:37 A.M)Katulong: Hoy! mga senyorita at senyorito magsibangon na kayo at nakahanda na ang almusal. (Kasabay ang pagkatok sa bawat pinto ng tatlo.)
Luna: Opo ate, lalabas na.
James at Aries: (walang sagot)
Lumabas si Luna at dumeretso sa bathroom, kasunod namang lumabas si James.
Samantala nanatiling nakahiga at tulog si Aries dahil puyat sa duty.Magkasabay na kumain sina James at Luna...
James: Sabay na tayong pumasok.
Luna: Hindi na James, dadaan daw dito yung mga kaklase ko,
sa kanila nalang ako sasabay.James: Ah sige, basta mag-ingat ka nalang.
Luna: Oo naman ako pa ba?
Matapos kumain ay agad namang dumating ang mga kaklase ni Luna...
Kaklse 1: Tara na late na tayo na oh! (Sabay tingin sa relo)
Kaklse 2: Naku! siguradong wala na naman si mam. Si Dora yon eh.
Luna: (Napatawa sa sinabi ng kaklase ) Pano James pasok na kami.
James: Sige ingat.
Habang naglalakad papasok sa eskwelahan..
Kaklse 2: Uy! Bes! ,kelan mo na ako ipapakilala kay future bf?
Kaklse 1: Ay naku Bes ako nalang, tignan mo naman ang beauty ko. Dyosa!
Luna: Mga Bes wag na kayong umasa pihikan yon, ang totoo nga wala pang nagiging gf yon.
Kaklse 1: Confirm! Bes
Kaklse 2: kaya nga, bakla ba sya? Sayang naman.
Luna: (Napatawa) Hindi naman siguro.
Ilang sandali pa ay nakarating na sa paaralan ang tatlo..
____________________
(Time check 10:00 A.M)
Nagising at bumangon na si Aries, diretso sya sa sa kusina para kumain. Habang nag-aalmusal ay may bigla syang naisip.
Aries: Oo nga, bakit nga ba hindi ko yon gawin tutal matagal na akong may pagtingin sa kanya.
Matapos kumain ay umalis na si Aries. Dumeretso sya sa isang Jewelry Shop.
________________
Pagsapit ng gabi sabay-sabay kumain ang tatlo.
Aries: Ano kamusta ang maghapon ninyong dalawa?
Luna: Ayos naman, gaya parin ng dati kangalay sa kamay ang pagsusulat.
James: Nakakapagod ang maghapong ito ang daming nagsipagbayad ngayon. Ikaw ba kamusta?
Aries: Syempre ayos lang din maghapong tulog, hahahaha..
Luna: Yan puyat pa more. hahaha..
Aries: Bakit para sa atin din naman yon ah.
James: Naku. Tigilan nyo na nga yan, kumain nalang tayo
Aries: Sya nga pala Luna may ibibigay ako sayo. (inilapag sa mesa ang isang maliit na kahon)
Luna: O ano naman to? (Dinampot at binuksan nya ito na siya niyang ikinagulat)
Aries: Mahal kita Luna, noon pa man , mahal mo rin ba ako?
Nagkatinginan si James at Luna..
James: (Tumayo at inilagay sa lababo ang pinagkainan. Lihim din itong may pagtingin kay Luna pero walang lakas ng loob para sabihin.)
Luna: (Napaiyak) Oo naman mahal din kita.
Aries: (Niyakap si Luna) Mahal na mahal kita.