Pinky Swear

1.7K 33 10
                                    

"Never say goodbye because saying goodbye means going away and going away means forgetting.."

Magandang araw mga apo.. Merong akong ibabahaging kwento maraming taon na ang nakalipas.. Ito ay kwento ng dalawang taong sinubok ng tadhana ngunit patuloy na nagmamahalan..

Sina Anthony a.k.a Toto at Stephanie a.k.a Panyang ay magkababata.. Sabay silang lumaki at nag-aral sa kanilang baryo.. Naging matalik din silang magkaibigan.. Magkaramay sila lagi sa hirap man o ginhawa..

"Toto, anung gusto mung maging paglaki mu? Ako gusto kong maging guro.."

"Ahm ako naman gusto ko maging doktor Panyang.."

"Sana matupad natin mga pangarap natin noh?"

"Ou nga ei.. At sana kahit maging successful tayo balang araw ei hindi pa rin natin makakalimutan ang isa't-isa.."

"Ou naman noh.. Lika mangako tayo.. Ako si Panyang, nangangakong hindi kakalimutan si Toto kahit kelan.. Oh ikaw din.."

"Hehe.. Sige.. Ako si Toto, nangangakong hindi kakalimutan si Panyang kahit kelan.."

"Pinky swear?"

"Pinky swear.."

Lumipas ang ilang taon, magkasama pa rin silang naglalakbay at patuloy na inaabot ang kanilang pangarap.. Naging isang magaling na guro si Panyang at naging mabisang doktor naman si Toto.. At hindi nga sila nakalimot sa isa't-isa gaya ng pangako nila nung mga bata pa sila..

"Panyang mahal kita.. Will you be my girlfriend?"

"Yes! Mahal din kita Toto.. Gusto kong maging girlfriend mu.."

Naging masaya ang kanilang pagsasama bilang magkasintahan.. Marami man silang napagdaanan ngunit nalalampasan nila ito.. Mas lalo silang tumatag at lumalim pa ang kanilang pagmamahalan..

Nung ika-anim na taon nila bilang magkasintahan, naisipan nang yayain ni Toto si Panyang ng kasal.. Hindi nya kayang mawala pa ito sa kanyang buhay.. Sya lang ang tanging pangarap nitong makasama hanggang sa pagtanda..

Nagpareserve si Toto sa isang mamahalin na restaurant kung saan gaganapin ang pagsorpresa nya dito.. Nais nyang maging memorable ang araw na ito para sa kanilang dalawa..

"Toto si Panyang naaksidente!"

Habang patungo si Panyang sa restaurant ay nawalan ng preno ang minamaneho nitong sasakyan at tumama ito sa isang poste..

Agad pinuntahan ni Toto ang ospital kung saan tinakbo si Panyang.. Bilang isang doktor, ginawa nya ang lahat mg kanyang makakaya upang isalba ang buhay ng kanyang mahal..

"Toto kumusta si Panyang? Anung lagay ng anak ko?"

"She's in a coma tita.."

Labis silang nalungkot sa sinapit ni Panyang ngunit hindi sila nawalan ng pag-asa.. Laging nananalangin si Toto at humihiling sa Diyos na sana ay malampasan ni Panyang ang kanyang lagay.. Araw-araw din nya itong kinakausap at umaasang naririnig sya nito at magising na..

"Panyang mahal ko.. Naaalala mu pa ba yung panahong tinanong mu ako kung anung gusto ko paglaki ko? Diba kako gusto kong maging doktor at natupad nga.. Nasunod din yung pangako natin na hindi tayo makakalimot.. Pero alam mu mahal ko, hindi pala ito ang gusto ko.. Ang tanging gusto ko na lang ngayon ay makasama ka habang buhay.. Kaya please lang gumising ka na.."

Paulit-ulit na ganito ang kanyang ginagawa kapag dinadalaw nya si Panyang ngunit wala pa ring progress sa lagay nito..

Isang araw, papunta na si Toto upang muling dalawin ang kanyang sinta.. Nakasakay sya ng elevator ng biglang nawalan ng kuryente.. Nawalan din sya ng lakas at tuluyan ng napaluhod kasabay ng walang tigil na pag-iyak.. Lahat ng pag-asa nya ay gumuho na.. Napakasakit na kanyang nadarama at hindi nya ito kaya.. Dahil sa mga oras na yun ay wala na ang kanyang pinakamamahal.. Tanging kuryente na lamang kasi ang bumubuhay dito..

Maraming taon na ang nakakaraan ngunit di ko pa rin malimutan at masakit pa rin ang mga pangyayari.. Ou, tama kayo mga apo.. Ako nga si Toto.. Nawala man si Panyang sa aking piling, hindi naman sya nawala sa puso ko.. Mahal ko pa rin sya hanggang ngayon..

Panyang mahal ko.. Hintayin mo ako.. Malapit na tayong muling magkasama at pangako ko sayo na hindi na tayo muling magkakahiwalay pa..

"Pinky swear?"

"Pinky swear.."

"Our love will never die, even if the body quits life.. You're in my soul, together, forever and always.."

*THE END*

Pinky Swear (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon