[Play the multimedia Sa’yo by: Silent Sanctuary]
Mahal na ata kita.
Oo kingina ‘MAHAL NA ATA KITA’. Yan yung mga katagang sinabi mo sa’kin na hanggang ngayon nakatatak parin sa puso ko.
Ewan ko ba. Bespar kita. May girlfriend ka. Umamin ako sayo. Then in the end ako parin yung nasaktan.
Kasi par kinakailangan kong magparaya.
Kingina bakit ba kasi umamin pa ko?!
Tapos ngayon iiyak iyak ako na parang tanga eh kasalan ko naman.
Oh diba bobo lang?
Nung una talaga type na kita eh. Nasayo na lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki.
Funny, may sense of humor, palamura de jowk lang, basta nasayo na lahat ng type ko sa isang lalaki.
Pero tinago ko dahil ayokong malaman mo. At ang mas katangahan pa don.
Pinagtulakan kita sa iba.
May kaibigan ako. Si Ashley. Pinakilala kita sa kanya. Nagkamabutihan kayo. In the end naging kayo. Putspa. Hindi ko alam pero nung malaman kong kayo na nasaktan ako.
Pero binalewala ko lang yon.
Lumipas ang mga araw na mas lalo pa kong napapalapit sayo. Bawat araw na kasama kita.
Masaya ako.
Kapag nandyan ka.
Bumibilis yung tibok ng puso ko.
Mali ‘to.. may girlfriend ka na. Sinubukan kong pigilan yung nararamdaman ko para sayo pero kahit anong pigil ko wala.
Parang kapag pinipigilan ko lalo lang syang nagpupumiglas?
Parang gusto na ng puso ko na aminin na mahal na kita kahit sinasabi ng isip ko na mali.
Bawat gabi, bago ako matulog ikaw yung iniisip ko.
Nagulat nalang ako na isang araw mahal na pala kita. Higit na pala sa kaibigan yung turing ko sayo.
Kaya ang ginawa ko...
Umamin ako.
Hindi ko alam kung anong lakas ng loob na meron ako nung mga time na yon para aminin ko sayo yon. Ang plano ko that time eh pagkasabi ko non sasabihin ko na joke lang haha.
Pero hindi ko inaasahan yung sinagot mo. Pinigilan kong wag umiyak non. Tinatagan ko yung loob ko.
“Par? Lam mo naman na may girlfriend ako. Pero bat parang iba ka na din? Magulo.”
“Ha?” Naguguluhang tanong ko na rin sayo. Pero alam ko na sa mga oras na yon. Masaya ako dahil kahit papano pala may pag-asa ako.
“Naguguluhan din ako par.”
“Kingina naman par.” Sagot ko nalang.
And...
“Par mahal na ata kita putcha. Pano si Ashley? Putanginang buhay to.”
‘Par mahal na ata kita..’
‘Par mahal na ata kita..’
‘Par mahal na ata kita..’
Paulit-ulit na nagreplay sa utak ko yung sinabi mo.
Napangiti ako. Merong sa puso ko na naghahangad na sana tayo nalang. Na sana.. na sana.. pwedeng maging tayo na walang ibang taong nasasaktan.
Pero..
Meron ring parte sa puso ko na sinasabing mali to. Mali na hinahangad ko na mahalin mo rin ako dahil may ibang masasaktan.
“Nung una talaga par meron na, kaso ayokong umamin ngenang nakakabakla amputs.”
Natawa ako sa sinagot mo.
“Tapos tinulak mo pa ko sa iba.”
Yun yung katangahang ginawa ko..
Pagkatapos nung pag-uusap nating yon nawalan tayo ng communication sa isa’t isa.
At..
Nalaman ko nalang na..
Ikakasal na pala kayo ni Ashley..
Sya yung pinili mo.
Ang sakit. Ang sakit sakit..
Mahal na mahal kita par eh. Hulog na hulog nako sayo. Tapos ganon? Bullshit!
Mas pinili ko na magmove-on dahil yun yung the best na dapat kong gawin na kalimutan ka.
Siguro..
Isa ka nalang sa masasayang alaala na hinding hindi ko malilimutan.
Basta ito lang ang nasisigurado ko..
Kung maging tayo..
Sayo lang ang puso ko..End