Part 1: Mama's Boy

39.8K 495 63
                                    

By Michael Juha

email: getmybox

***

Nagsimula ang kuwento ko noong first year College na ako sa kursong Management. Dahil first year college, bago lang ako sa lugar, walang alam sa pasikot-sikot at sa mga tao. Syempre, bago lang din sa boarding house na iyon. Iyon ang napili kong boarding house dahil hindi kalayuan asa unibersidad. Wala pang labing-limang minuto kung lalakarin at pangdalawahan lang ang boarders sa isang kuwarto, may sariling banyo at may washing machine. Libre rin ang agahan. At hapunan.

"Mag-ingat ka sa ka-kuwarto mo, bully iyan. Lider iyan ng mga siga sa school." Ang pabulong na sabi sa akin ni Troy, ang isa sa mga boarders na nasa tabi lang ng kuwarto ko ang kuwarto, kasama niya sa kuwarto ay si Edcel. Pareho silang fourth year college ng Engineering at apat na taon na rin sila sa boarding house na iyon. Sa pagpigil niya sa boses ng kanyang pagsasalita, ramdam kong nasa loob na ang nasabing ka-kuwarto ko na "siga". Iyon kasi ang pinakaunang pagreport ko sa boarding house na iyon. Hila-hila ko pa ang aking trolley bag.

"T-talaga?" ang medyo kinakabahan kong sagot.

"Oo. Marami nang ka-kuwartong umaalis d'yan dahil hindi nakatiis sa ugali niyang ka-kuwarto mo. Jerome pala ang name n aka-kuwarto mo. 3rd year management."

Nahinto na lang ako, tiningnan siya dahil may naramdaman akong kaba. Syempre, first year pa lang ako, walang kaibigan. Tahimik na tao, at ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay gulo. At nagkataong pareho rin pala kami ng department.

"Joke!!!" ang pagbawi rin ni Troy sa kanyang sinabi nang mapansin niyang nakatingin na lang ako sa kanya. "Kalimutan mo na ang sinabi ko, Biniro lang kita, pare. Ganyan din ako dati, biniro din nila. Sabi, may nagbigti daw na estudyante sa kuwarto ko. Hindi ko alam kung totoo. Pero kung totoo man, okay lang. Di naman ako takot sa multo eh,"

Napangiti na lang ako sa sinabing iyon ni Troy.

"Welcome pala sa boarding house natin na magulo, pare!" ang dugtong niya habang kinamayan ako.

Tinanggap ko ang kanyang pakikipagkamay atsaka pumasok na sa loob ng kuwarto.

Bukas ang fluorescent na ilaw nang pumasok ako sa kuwarto. Pagpasok ko pa lang sa kuwarto ay tamang-tama ang pag-ikot ng electric fan na nasa dingding patungo sa aking mukha at nalanghap ko ang amoy ng sigarilyo na humalo sa amoy ng pawis at paa. May ashtray na nakapatong sa mesa na puno ng upos ng sigarilyo at abo, ang iba ay nagkalat sa mesa na puno ng alikabok. May nagkalat din na mga basyo ng bote ng beer sa sahig, kasama ang mga maruruming damit, sapatos, medyas, at iba pang gamit. Bahagyang nakabukas ang kanyang cabinet na may iilang damit na naka hanger, ang iba ay nasa ibaba. Sa ibabaw naman ng kama ay ang naka-puting brief lang na si Jerome, nakahigang naktaob, nakapatong ang ulo sa unan, ang kumot ay magulong naka balandra sa kanyng tagiliran.

Dahan dahan kong tinumbok ang katabing kama. Nakita ko sa sahig naman pinagitnaan n gaming kama ang dalawang dumbbells. Doon ko naisip kung bakit may halong amoy pawis ang kuwarto dahil doon din pala siya nagi-exercise.

Halatang bagong ayos ang aking kama gawa nang naka-tiklop pa ang kumot na ipinatong sa unan ngunit may bakas na hinigaan ito. Dumeretso ako sa aking cabinet at inilipat ang aking mga damit doon mula sa aking bag. Inilgay ko rin ang aking mga notebooks sa ibabaw ng aking mesa at binuksan ko ang aking laptop.

Nang matapos ay babalik na sana ako sa may mesa ngunit sa hindi inaasahan, aksidenteng nasipa ng aking paa ang isang bote ng beer at kumalampag ito nang tamaan nito ang iba pang mga bote na nagsitumbahan.

Bigla akong nahinto. Tiningnan ko si Jerome na may takot sa aking mga mata. Lumingon siya sa akin.

"Tangina naman nito o! Gago ka ba? Nakita mong may natutulog eh! Puta!" ang sigaw niya na mistulang nanglilisik ang mga namumulamula pang mga mata habang nakatingin sa akin.

Ang Roommate Kong SigaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon