Part 3: Wag Pamarisan, Adik Kami!

14.8K 270 37
                                    

By Micahel Juha

getmybox

***

Nang pumasok si Jerome sa kuwarto upang iwanan muna ang kanyang mga gamit, doon ko na sinisi ang aking inay. "Ba't mo ba inimbita iyon? Hindi pa natin kilala iyon!"

"Syempre, anak, gusto ko namang makilala ang friends mo. Lalo na ka-kuwarto mo. Kapag may nangyaring hindi maganda sa iyo, gusto kong siya ang mag-alaga sa iyo kung wala ako, o siya ang magreport sa akin kung need mo ng tulong. I need that. Alam ko namang may pagka-introvert ka at pihikan sa mga kaibigan. Gusto kong suportahna kung sino man ang mapipili mong kaibigan."

"Hindi ko iyan kaibigan ma! And he will never be my friend!"

"Hindi mo kaibigan pero magkasama kayo sa kuwarto. In the long run ay magiging kaibigan mo rin iyan, nak. Or assuming na hindi mo magiging kaibigan iyan, siya ang unang taong makakaalam kung ano ang mangyayari sa iyo."

"Yeah, right." Ang sarkastiko kong sagot. Tama nga naman siya. Iyong Jerome na iyon talaga ang unang taong makakaalma kung ano ang mangyayari sa akin. Kagaya nang pagnakaw niya sa motorsiklo ko, kagaya ng pangha-harass niya sa akin kapag kaming dalawa lang sa loob ng kuwarto. At malamang, kapag napatay niya ako, syempre, siya ang unang makakalam. At baka siya lang ang tanging makakaalam. "Kaka bad-trip talaga kayo Ma." Iyon na lang ang nasabi ko. Sinarili ko na lang ang lahat ng pagkadismaya.

Nang lumabas si Jerome mula sa aming kuwarto, nakangiti si Jerome na tiningnan kami. Hindi naman siya talaga ngumingiti kapag kami lang. At never ko pa siyang nakitang nakangiti. Palaging galit ang mukha na tila kaaway ang lahat ng tao sa mundo. Maliban na lang kung tulog saka ko makikita ang kampanteng mukha niya. Iyo pa lang ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko siyang ngumiti. At di ko maipagkaila sa sarili na kahit galit nag alit ako sa kanya, mistulang lumambot ang aking puso sa pagkakita sa ngiti niyang iyon. "Ang guwapo niya!" ang sigaw ko sa aking sarili. Nakasuot siya ng butas-butas na itim na jeans at puting rubber shoes. At kahit iyong suot niyang puting semi-fit na t-shirt na may print na "Kiss Me, I'm Yours!" na kupas na dahil sa kalumaan ay bumagay pa rin sa kanya. Ganyan tlaga siguro kapag sadyang guwapo ang isang tao, may tindig at porma, kahit ang pinakapangit na damit ay ipasusuot mo, babagay pa rin ito sa kanya at lilitaw at lilitaw pa rin ang kanyang kapogian. Dagdagan pa na sobrang confident siya sa kanyang sarili, lalaking-lalaki sa paglalakad at postura, pati sa pananalita.

Pinuri na naman siya ng inay. "Ang pogi-pogi talaga ng roommate ng anak ko!" ang sambit niya.

"Hi Steff! Sensya na sa damit ko. Sensya na, wala akong damit. Wala namang dress code ang restaurant, di ba?" ang sambit niya.

"Diyos ko! Ano k aba Jerome! Walang paki ang mga tao sa restaurant na iyon. Kahit maghubad ka pa ng pang-itaas wala silang pakialam. At granting na may dress code nga, di ka nila puweding palabasin. Sa guwapo mong iyan." Ang sagot ng inay.

"Tara na ma. Sayang ang oras sa walang ka-kwenta-kwentang usapan." Ang pagsingit ko naman.

Tumalima naman ang aking ina pagkatapos niyang muestrahan ng ngiti si Jerome na itinuro pa ako sa mata, na ang mensahe ay, "Nagseselos!"

Tinungo namin ang kotse ng inay na nakaparada sa glid lang ng kalsada, sa labas ng gate ng boarding house. Sa driver's seat umupo ang inay, tumabi ako sa kanya. Si Jerome naman ay nasa likuran.

Nang nagsimula nang umandar ang sasakyan, "Ma, mag-ingat ingt tayo sa pagtitiwala sa mga tao...maraming traydor at ahas sa paligid." Ang sambit kong patutsada kay Jerome na isinama pa talaga niya.

"Sa work ko, okay naman ang mga trabahante roon. Alam mo naman tayo, palakaibigan, palabiro, very approachable. Tuwang-tuwa nga sila na ako ang na-promote eh. Botong-boto silang lahat sa akin." Ang sagot ng inay.

Ang Roommate Kong SigaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon