Part 4: Ang Mapa Ng Sri Lanka

15.4K 290 17
                                    

By Micahel Juha

getmybox

***

Agad ko siyang nilapitan. Inalog ko ang katawan niya. Doon ko naaaninag na duguan pala siya. "Jerome! Jerommeeeee! Sagutin mo ako, tangina mo! Jeromeeeee!" ang sigaw ko.

Doon na ako nahimasmasan nang umungol siya.

"Tulungan niyo po ako! Tulungan niyo po ako!" ang sigaw ko nang may dumaaang mga estudyante.

Ngunit dahil kilala nga si Jerome na notorious na bully, hindi palakaibigan kaya siguro dinaanan lang nila kami. Ang iba ay nakiusyoso, may nag-video pa kahit med'yo may kadiliman sa parteng iyon. Hindi ko naman din sila masisisi. Ako man ay ganoon din siguro ang gagawin dahil sa inis ko sa kanya at sa awa ko na rin sa mga estudyanteng na bully at nabugbog niya.

Ngunit wala akong magawa sa pagkakataong iyon kundi ang tulungan siya. Hindi lang dahil ako ang kasama niya, ako ang ka-kuwarto nya, ngunit dahil siguro kahit sino man na may nagyaring ganyan na nangangailangan ng tulong ay dapat tulungan, regardless kung criminal siya, or rapist siya, magnanakaw... hindi importante ang issue niya sa buhay. Ang importante sa sandaling iyon ay kailangan niya ng tulong, at lalo na urgent ang kalagayan niya, maaaring between life and death. At kahit papaano din naman ay pinakitaan niya ako ng kabaitan sa araw na iyon sa pamamagitan ng paghatid at sundo sa eskuwelahan.

"Dalhin kita sa ospital!" ang sambit ko.

"Huwag na. Uuwi na lang tayo sa boarding house. Kaya ko ito." Ang sagot niya habang pinilit ang sariling tumayo. Doon ko talag napansin ang tapang niya. Tila normal lang sa kanya ang nangyari. Feeling ko ay mas ako pa ang takot.

Ngunit kahit anong pilit niya, hindi niya kayang tumayo. Kitang-kita ko sa kanyang mukha na nasaktan siya habang pilit niyang igalaw ang kanyang katawan.

"Dalhin na nga kita sa ospital." Ang sabi ko.

"Wala akong pera, 'Tol. Wala akong pambayad. Sa boarding house mo na lang ako dalhin." ang galit niyang sabi.

Hindi na ako umimik. Dahil wala namang tumulong at wala ring dumaang tricycle, kinuha ko ang bisekleta, pinatayo iyon at isinandal siya sa aking tagiliran. Sa kabilang tagiliran naman ay hinawakan ko si Jerome at pilit na ipinatayo. "Magbisekleta tayo. Kaya mong sumakay?" ang tanong ko sa kanya.

"K-kaya ko iyan." Ang sagot niya.

Tinulungan ko siyang makaangkas muna bago ako sumakay. Nahirapan man at namilipit sa sakit, pinilit niya ang kanyang sariling maupo sa likurang upuan. "Kapit ka sa akin upang hindi ka malaglag." Ang utos ko nang nakaupo na siya at handa ko nang patakbuhin ang bisekleta. Kumapit naman siya. Inilingkis niya ang kanyang braso sa aking baywang.

"M-may saksak ako sa may kaliwang balikat... sa bandang kilikili. Myroon din sa kanang braso nang nasangga nito ang saksak sana na sa dibdib ko tatama." Ang sambit niya nang pinapatakbo ko na ang bisekleta.

"Yan! Tapos ang sabi mo ay huwag magpa-ospital. Gago ka!" at pinagalitan ko talaga siya. Dahil sa sinabi niyang iyon ay inilihis ko ang bisekleta sa daan patungo sa ospital imbes na sa daan patungo sa boarding house.

Nang napansin niyang lumihis ako ng kalsada, doon na siya nagalit, "Saan mo ba ako dadalhin? Dapat sa boardinghouse!" ang pilit niyang pagsasalita bagamat halatang nahirapan.

"Tumahimik ka nga!"

Hindi na siya nagsalita. Marahil ay nawalan na siya ng lakas dahil napansin kong lumuwag ang pagkapit niya sa akin. Dahil doon ay binilisan ko ang pagpadyak sa bisekleta. Hanggang nakarating kami sa ospital. Doon ko na nakita na halos mabalot ng dugo ang kanyang damit ast pantalon, at noon ko lang din naramdaman na may dugo rin ang aking kamay at basa ang aking likod.

Ang Roommate Kong SigaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon