Part 5: Kupal, Langib, At Kulangot

16.6K 292 119
                                    

[5] Kupal, Langib, At Kulangot

By Micahel Juha

getmybox

fb: Michael Juha Full

***

Sobrang pagkagulat ko sa pagsisigaw ni Jerome na iyon. Bakas sa kanyang mukha ang matinding galit. Bagamat naka-sling ang kanang braso niya, sinutok-suntok ng kaliwang kamay niya ang dingding na semento.

Nilapitan ko siya. "Bakit? Anong nangyari?" ang tanong ko.

Ngunit hindi siya sumagot. Huminto siya sa pagsusuntok sa dingding at hindi na umimik. Halatang tinimpi niya ang kanyang nararamdaman. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin.

Hinayaan ko na lang siya. Halatang tuliro ang kanyang utak at ang kanyang tingin ay mistulang tumatagos sa dingding ng kuwarto.

Nang magtanghalian na, tinanong ko siya kung ano ang gusto niyang kainin. Sabado kasi iyon kaya wala kaming pasok.

"Wala akong gana." Ang sagot niya.

"Gusto mo sa labas tayo kakain?"

"Kakargahin mo ako?"

"May wheel chair naman eh."

"Ipamukha mo sa mga tao na baldado ako? Para pagtawanan?"

Natahimik na lang ako. Halatang mainit ang ulo niya. "Okay bibili na lang ako ng pagkain sa labas. Anong gusto mo?"

Nilingon lang niya ako. Tinitigan ng matulis na para bang ang pahiwatig ay, "Ano ba ang gusto mong kainin? Iyan ang bilhin mo!" Kaya lumabas na lang ako ng kuwarto. Tila nagbago na naman ang kanyang character sa sandaling iyon.

Kaya lumabas ako at bumili ng pagkain. Barbecue na manok at nilagang baboy ang binili kong ulam. Bumili rin ako ng maruya at dalawang soft drinks.

Nang nakabalik na ako, dumaan ako sa mess hall at nanghiram ng plato. Inilipat ko roon ang aming pagkain. Ipinatong ko ito sa isang maliit na mesa at ipinuwesto sa sa gilid lang ng kanyang kama. Umupo rin ako sa gilid ng kanyang kama. Nagsandok ako ng kaunting kanin sa isang plato, nilagyan ko riin ito ng ulam at sabaw ng nilagang baboy.

"Kain na tayo." Ang sambit ko habang humarap sa kanya hawak-hawak sa aking kamay ang kutsara at handang subuan siya.

"Sinabi nang ayoko eh!" Ang bulyaw niya.

"Kumain ka naman, Jerome. Para manumbalik ang lakas mo at mabilis kang gumaling!" ang sigaw ko rin na iginiit talaga na kumain siya, inilapit ang kutsara na may pagkain sa kanyang bibig.

"Sinabi nang ayoko eh!" ang sigaw niya uli sabay siko sa plato na hinawakan ko.

Nalaglag ang plato na hinawakan ko at nabasa ang aking damit sa ulam. Napatingin na lang ako sa kanya.

"Ang kulit mo kasi eh! Ang tigas ng ulo mo! Pag ganitong mainit ang ulo ko ay hayaan mo ako! Masasaktan ka lang! Tanginang buhay naman 'to, o!" ang sigaw niyang paninisi sa akin.

"Walang imik na tumayo ako at tinungo ang banyo. Naintindihan ko naman siya dahil sa inis niya sa kung ano mang issue mayroon siya sa kanyang pamilya. Alam kong nadamay lang ako. Marahil, kung ibang tao siguro iyon, bugbog-sarado na sa kanya.

Sa banyo ay ay naghalf-bath ako upang mawala ang amoy ng sinigang na baboy na dumikit sa aking balat. Pagkatapos ay nagbihis atsaka bumalik sa gilid ng kanyang kama upang ilipat ang pagkain sa mesa ko.

"Sinabi nang ayoko... ang kulit-kulit!" ang paninisi niya uli.

Hindi ko na lang siya sinagot. Hindi ko pinatulang bagamat sinimangutan ko siya, itinuloy ko na lang ang paglipat ng mga pagkain sa mesa ako.

Ang Roommate Kong SigaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon