Chapter Twenty One

3.9K 156 17
                                    

NAKARAMDAM ng insecurity si Nevada nang makita ang mga 'friends' ni Dallas na kasama nito sa Hong Kong at balak ipakilala kay Junie. Nagpost kasi ng mga pictures sa social media ang kuya niya kaya nakiusyoso siya. Kung hindi niya alam na kasama ni Dallas sa trabaho ang mga babae, iisipin niyang mga runway models ang mga yun o kaya ay mga kandidata sa Miss Universe! Magaganda kasi at talagang ang se-sexy. 

Alam naman niyang may itsura siya kahit papano. In fact, madaming nagsasabing maganda siya at cute. Pero alam din niyang magmumukha siyang beast sa tabi ng mga beauties na tropa ni Dallas. Baka lalo siyang matawag na Chewbacca! Naisip na naman niya ang balak ng kapatid kapag umuwi. 

E ano naman kung ipakilala kay Junie yung mga babae? Hindi ako affected, paalala niya sa sarili. 

Pero kahit na ilang beses niyang ina-assure ang sarili na hindi siya maaapektuhan kapag pinakilala ni Dallas ang mga kaibigan nito, deep inside ay natatakot siya. Baka nga biglang madala si Junie, lalo na at malakas mambuyo ang kapatid niya. 

Hindi tuloy siya makapag-concentrate sa ginagawa sa harap ng laptop dahil kung anu-ano ang pumapasok sa utak niya kahit nasa loob ng opisina. 

"Ano na ang balita kay Junie, pumayag na bang maging endorser?" Nagulat si Nevada nang magsalita si Rye. Nakatayo na pala ang lalake sa harap ng table niya pero hindi niya namalayan. Agad niyang isinara ang laptop.

"Nag-follow-up na ako sa kanya pero wala pang reply," aniya. Totoo naman yun.

Ilang text messages na ang napadala niya sa lalake pero di ito sumasagot at nakailang tawag na din siya pero ringing lang lagi ang phone. Pero hindi na niya iyun sinabi kay Rye.

"Paki-follow up na lang uli para makapag-sched tayo ng photo shoot. Aalis kasi ako papuntang Bangkok this month kaya gusto kong matapos na ito."

"Don't worry, follow-up ko na lang uli."

Nang makalayo si Rye ay kinuha niya ang cellphone at sinubukan na namang tawagan si Junie pero ringing pa rin. Gusto na niyang ibato sa pader ang cellphone! 


MAY pitong missed calls na si Nevada sa phone niya pero hindi niya iyun sinasagot kahit gustung-gusto niya. Paano naman kasi, nasa loob ng kuwarto niya sina Zack, Timmy at Lester. Bantay-sarado siya ng mga mistah na sobrang talas ang pang-amoy. 

"Hayaan mo lang muna siya bok," wika ni Zack nang makitang nagpa-flash na naman ang screen ng phone niya. "Tatagan mo lang ang loob mo sa pagpapa-hard to get. At least ma-realize naman ni Vee na hindi ka just-just... alam mo na, hindi ka basta-basta!"

"Paano kung emergency?" tanong ni Junie sa mistah. "Pang-walong tawag na yan o."

"Ano naman ang emergency niya?" tanong ni Lester. "For sure, hindi matter of life and death na emergency yan."

"Ang harsh naman," nasabi na lang niya. Pero alam niyang may point naman si Lester. Hindi naman siya ang unang tatawagan ni Nevada kung sakaling totoong may emergency ito. Malamang na gusto lang talaga ng babae na mag-follow up tungkol sa endorsement na inaalok nito. "Paano kung gusto ko din siyang makita, mga bok?'

"Tiisin mo nga muna bok, kulit naman nito. Little sacrifices for the greater good nga," sagot ni Timmy habang naglalaro ng games sa cellphone nito. 

"So kelan ako puwedeng mag-return call?" Napatingin siya sa cellphone na tumigil na sa pag-blink. 

"Bukas ng umaga," wika ni Zack. "Sabihin mong busy ka sa operations, ganun. Bawal ang cellphone kaya di ka nakasagot. Alam mo na ang mga sagot diyan, bok. Matic na yan."

"Pero ano ang sabi ni Mags dun sa pinadala nating sulat kay Commanding General? Payag daw ba?"

"Positive naman daw. Okay daw sa image ng air force yung ganung bagay," sagot ni Lester. "Gusto lang nilang makita ang lay-out saka baka magpadala ng taga public relations office para mabantayan ang pictorial."

The Cavaliers: JUNIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon