MISS PHOTOGRAPHER

30 2 0
                                    

Oh aking Photographer na iniirog

Aking pusong Pihikan Sayo'y Nahulog

Ika'y aking sobrang hinahangaan

Kaya pag-isip sayo'y walang hangganan

At pag ikay aking nakikita na

Aking Pusong pasaway natuliro na

Pagkatulirong nagdudulot ng saya

Sa inusenteng Puso'y nag paligaya

Sanay masabi aking nararamdaman

Para aking puso'y walang pagdadamdam

Na di masabi ang nilalaman nito

Na ikaw at wla ng ibang nandito

Ayos lang kahit di mo ko mapansin

Kahit puso ko'y sayo ay nagpapansin

Makita ka't mapagmasdan ay sapat na

Dahilan kung bakit ako'y kuntento na

Pasensya na kung dito ko to dinaan

Pagka't di ko alam kung pano simulan

Pagsabi ko ng aking nararamdaman 

Na di ko pa na dama kailan pa man

Tulang Ito ay akin ng tatapusin

Kasaba'y nito'y ikaw ay lilimutin

Dahil mundo natin sadyang magka-iba

Parang langit lupa ang pagkaka-iba

Paalam na sayo aking Inspirasyon

Ika'y patuloy n maging Inspirasyon

Na dadalhin hanggang sa aking pagpanaw

Kahit hanggang ang mundo man ay magunaw

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon