"Arline"

17 0 0
                                    

"Arline"

--------------------------------

Bakit Arline?

I dunno either. :3

maybe with some reasons

reasons of mine :3

---------------------------------

"Agnes, alam mo namang gusto kita diba? at sa tingin ko mahal narin kita, Agnes, pwede ba kitang ligawan?"

tanong ni Kevin sa akin,

nagulat ako sa tanong niya,

gusto niya akong ligawan?

hindi pa kami ganun katagal na magkakilala, kaklase ko si Kevin ngayong first year college, mahal?

masiyado pa kaming bata para sa bagay na yun,

pero totoo ba talaga ang sinasabi niya?

gwapo si Kevin at maraming babaeng nagkakagusto sakaniya,

pero bakit ako ang nagustuhan niya,

isa lang akong simpleng estudyante dito sa paaralan namin, pursigido akong mag-aral para maabot ko hindi lang ang pangarap ko sa sarili pati ang pangarap ng mga magulang ko para sakin,

nangako ako sakanila na hindi ko pagtutuunan ng pansin ang mga bagay na ganito, mag-aaral muna ako,

ngunit mahirap tanggihan si Kevin,

una ko palang nakita si Kevin ay hinangaan ko na siya,

naging magkaibigan kami at hindi ko inaasahang aabot kami sa ganito,

hindi ko alam kung ano ang nagustuhan sakin ni kevin,

sa sandaling ito hindi ko alam ang gagawin at sasabihin ko.

"Pwede ba kitang ligawan?"

ulit ni Kevin sa tanong niya sakin,

nakatingin lang ako kay Kevin,

si Kevin naman ay naghihintay ng aking sagot, 

"Ahhh, Kevin, sa totoo lang gusto rin kita."

"Talaga? ibig sabihin ba nun?"

"Kevin, masyado pa tayong bata."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kevin first year college palang tayo, siguro naguguluhan ka lang at inakala mo lang na mahal mo na ako, pero sa edad nating ito masyado pa tayong bata sa bagay na yun."

"Diba sabi mo gusto mo rin ako?"

"Oo Kevin, gusto rin kita, pero hindi ko masasabing pagmamahal na yun, hinahanggaan kita noon pa, pero hindi ibig sabihin nun ay mahal na kita, siguro yun din ang nararamdaman mo para sakin, gusto mo lang ako kevin, pero hindi mo pa ako mahal."

"Alam ko sa sarili ko Agnes, mahal na kita."

"Kevin ano bang nagustuhan mo sakin?"

"Ikaw na ang babaeng nakilala na napakabait, tinutulungan mo ako sa mga bagay na nahihirapan akong gawin, Agnes ikaw ang babaeng matagal ko ng hinahanap, ikaw na ang babaeng gusto ko ng makasama hanggang sa pagtanda ko, Agnes mahal na kita, sana payagan mo na akong manligaw sayo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Arline"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon